Pumunta sa nilalaman

New Zealand

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bagong Silandiya)
Nuweba Selandiya
Watawat ng Nuweba Selandiya
Watawat
Eskudo ng Nuweba Selandiya
Eskudo
Awiting Pambansa: God Defend New Zealand
"Diyos, Ipagtanggol ang Nuweba Selandiya"

Awiting Makahari: God Save the King
"Diyos, Iligtas ang Hari"
Location of New Zealand, including outlying islands, its territorial claim in the Antarctic, and Tokelau
Location of New Zealand, including outlying islands, its territorial claim in the Antarctic, and Tokelau
KabiseraWellington
41°18′S 174°47′E / 41.300°S 174.783°E / -41.300; 174.783
Pinakamalaking lungsodAuckland
Wikang opisyalIngles • Māori
Katawagan
PamahalaanUnitary parliamentary constitutional monarchy
• Monarch
Charles III
Cindy Kiro
Christopher Luxon
LehislaturaParliament
(House of Representatives)
Stages of independence 
6 February 1840
7 May 1856
• Dominion
26 September 1907
25 November 1947
1 January 1987
Lawak
• Kabuuan
270,534[2] km2 (104,454 mi kuw) (75th)
• Katubigan (%)
1.6[n 1]
Populasyon
• Pagtataya sa Padron:Currentmonth 2024
Padron:Increase neutral Padron:Data New Zealand[4] (120th)
• Senso ng 2018
Padron:Increase neutral 4,699,755[5]
• Densidad
[convert: invalid number] (167th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $279.183 billion[6] (63rd)
• Bawat kapita
Increase $53,809[6] (32nd)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $249.415 billion[6] (51st)
• Bawat kapita
Increase $48,071[6] (23rd)
Gini (2022)30.0[7]
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.937[8]
napakataas · 13th
SalapiNew Zealand dollar ($) (NZD)
Sona ng orasUTC+12 (NZST[n 2])
• Tag-init (DST)
UTC+13 (NZDT[n 3])
Ayos ng petsadd/mm/yyyy[10]
Gilid ng pagmamaneholeft
Kodigong pantelepono+64
Kodigo sa ISO 3166NZ
Internet TLD.nz

Ang New Zealand[n 4] o Nuweba Selandiya[14][15], tinatawag ding Aotearoa (Māori para sa Lupain ng Mahabang Puting Ulap), ay isang bansa ng dalawang malalaking pulo na Hilagang Pulo (Ingles: North Island, Māori: Te Ika-a-Māui) at Timog Pulo (Ingles: South Island, Māori: Te Wai Pounamu) at maraming mas maliliit na mga pulo sa timog-kanlurang Karagatang Pasipiko. Sa mga bansa sa Timog Pasipiko, ang New Zealand ang may pinakamalaki at pinaka-industrialisadong ekonomiya at pumapangalawa lamang ang populasyon nito sa Papua New Guinea. Natatangi ang New Zealand sa kanyang pagkabukod, nakahiwalay sa Australya sa hilaga-kanluran sa pamamagitan ng Dagat Tasman, mga 2,000 km ang pagitan. Ang New Caledonia, Fiji at Tonga ang malalapit na mga kapitbahay. Binubuo ng karamihan sa populasyon sa Papua New Guinea ng mga taong nagmula sa Europa, kasama ang katutubong Māori na kabilang sa pinakamalaking minorya. Ang mga taong hindi Māori na Polynesian at Asyano ang mga mahahalagang minorya, lalo na sa mga lungsod.

Pinangalanan ng unang bisitang Europeo sa New Zealand, ang manlalakbay na Olandes na si Abel Tasman, ang mga isla bilang Staten Land, sa paniniwalang bahagi sila ng Staten Landt na nakita ni Jacob Le Maire sa dulong timog malapit sa Timog Amerika.[12][16] Pinatunayan ni Hendrik Brouwer na ang lupain na natagpuan malapit sa Timog Amerika ay isang maliit na isla noong 1643, at pagkatapos ay pinalitan ng mga kartograpong Olandes ang pangalan ng natuklasan ni Tasman na "Nova Zeelandia" mula sa Latin, batay sa Olandong probinsya ng Zeeland.[12][13] Iningles ito ni James Cook, isang kilalang manlalakbay na bumisita sa New Zealand noong 1769.[kailangan ng sanggunian] Bagamat ito ang kalimitang ginagamit na pangalan ng bansang ito, may iba namang pangalan ang mga katutubo doon para sa bansa nila.[kailangan ng sanggunian]

Ang unang mga tao na dumating sa New Zealand ay mga Polynesian na ngayon ay tinatawag na Māori. 'Di tiyak ang maraming mga detalye ng kanilang pagdating. Bagamat may mga kuwento ang mga Māori tungkol dito, hindi masisigurado na tunay ang mga ito. Ayon sa mga Māori, ang ninuno nilang si Kupe ay naglakbay mula sa Hawaiiki hanggang nakarating siya sa New Zealand. Ang unang ekspedisyon ng mga Europeo na nakarating sa New Zealand ay pinangunahan ng taga-Olanda na si Abel Tasman. Pumunta siya doon noong taong 1642. Ang ilan sa mga kasama niya ay pinatay ng mga Māori, kaya bumalik sina tasman sa Olanda. Ang susunod na European na pumunta sa New Zealand ay si Capitan James Cook, na dumaan doon noong paglalakbay niya noong 1768-1771. Gumawa si Cook ng mga maayos na mapa ng New Zealand. Pagkatapos niya, dumami ang mga taga-Europa na pumunta doon. Ang karamihan sa kanila ay mga manghuhuli ng balyena at seal, at mga mangangalakal. Susunod na dumating ang mga misyonero. Maraming mga Māori ay tumalikod sa kanilang tradisyonal na pananampalataya at naging mga Kristyano.

Habang dumadami ang mga lumilipat sa New Zealand mula sa Europa, natakot ang mga Māori. Ang iba sa mga Pakeha, o puting taga-New Zealand ay gumagawa ng mga masasamang bagay. Gusto ng mga Māori na pangasiwaan ng reyna ng Inglatera ang mga Pakeha para maparusahan ang mga masasama. Natatakot naman ang mga taga-Inglatera na kukunin ng Pransiya ang New Zealand. Noong 6 Pebrero 1840, pinirmahan ng mga Māori ang Treaty (o usapan) ng Waitangi. Ayon sa usapang ito, mamumuno ang Inglatera sa New Zealand. Ngunit may mga problema ang salin ng usapang ito, at hanggang ngayon ay kontrobersiyal pa ang usapang ito.

Talababa (Sa Ingles)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The proportion of New Zealand's area (excluding estuaries) covered by rivers, lakes and ponds, based on figures from the New Zealand Land Cover Database,[3] is (357526 + 81936) / (26821559 – 92499–26033 – 19216)=1.6%. If estuarine open water, mangroves, and herbaceous saline vegetation are included, the figure is 2.2%.
  2. The Chatham Islands have a separate time zone, 45 minutes ahead of the rest of New Zealand.
  3. Clocks are advanced by an hour from the last Sunday in September until the first Sunday in April.[9] Daylight saving time is also observed in the Chatham Islands, 45 minutes ahead of NZDT.
  4. nagmula sa salitang Latin na Nova Zeelandia[11][12][13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Treaty of Waitangi". mch.govt.nz. Manatū Taonga Ministry for Culture and Heritage. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hunyo 2023. Nakuha noong 22 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "New Zealand country profile". BBC News. 20 Nobyembre 2023. Nakuha noong 20 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The New Zealand Land Cover Database". New Zealand Land Cover Database 2. Ministry for the Environment. 1 Hulyo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Marso 2011. Nakuha noong 26 Abril 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Population clock". Statistics New Zealand. Nakuha noong 15 Mayo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) The population estimate shown is automatically calculated daily at 00:00 UTC and is based on data obtained from the population clock on the date shown in the citation.
  5. "2018 Census population and dwelling counts". Statistics New Zealand. 23 Setyembre 2019. Nakuha noong 25 Setyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (NZ)". International Monetary Fund. 10 Oktubre 2023. Nakuha noong 12 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Household income and housing-cost statistics: Year ended June 2022 (sa wikang Ingles). Statistics New Zealand. 23 Marso 2023. Nakuha noong 22 Setyembre 2023.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Human Development Report 2021/2022 (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. ISBN 978-9211264517. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "New Zealand Daylight Time Order 2007 (SR 2007/185)". New Zealand Parliamentary Counsel Office. 6 Hulyo 2007. Nakuha noong 6 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. There is no official all-numeric date format for New Zealand, but government recommendations generally follow Australian date and time notation. See The Govt.nz style guide, New Zealand Government, 22 Hulyo 2020, nakuha noong 9 Hulyo 2021{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  11. Mallari, Emilio S. (16 Agosto 1935). "Kasaysayan ng Daigdig". Liwayway. Maynila: Ramon Roces Publications, Inc. XIII (40): 24, 32-33. ...naririyan ang maraming hayop na makakain at ang hinahangaang "ave del paraiso", mga inaaning napapagbilhan ng maraming salapi, bakit nito lamang taong nagdaan, ang kolonya ay nakapagbili ng kalakal sa Australia, New Zealand, Inglatera at Olanda ng angaw-angaw na librang esterlina?{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 12.2 Wilson, John (Marso 2009). "European discovery of New Zealand – Tasman's achievement". Te Ara: The Encyclopedia of New Zealand. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Enero 2012. Nakuha noong 24 Enero 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Mackay, Duncan (1986). "The Search for the Southern Land". Sa Fraser, B. (pat.). The New Zealand Book of Events. Auckland: Reed Methuen. pp. 52–54.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Liwayway. Liwayway Pub. 1969.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Agoncillo, Teodoro A. (1984). Kasaysayan ng bayang Pilipino. Garotch Pub. p. 321. ISBN 978-971-10-2416-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Bathgate, John. "The Pamphlet Collection of Sir Robert Stout: Volume 44. Chapter 1, Discovery and Settlement". NZETC. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2020. Nakuha noong 17 Agosto 2018. He named the country Staaten Land, in honour of the States-General of Holland, in the belief that it was part of the great southern continent.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)