Croatia
Republika ng Kroasya Republika Hrvatska (Kroata)
| |
---|---|
Awitin: Lijepa naša domovino "Aming Magandang Bayan" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Zagreb 45°48′47″N 15°58′39″E / 45.81306°N 15.97750°E |
Wikang opisyal | Kroata |
Katawagan | Kroata |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• Pangulo | Zoran Milanović |
Andrej Plenković | |
Lehislatura | Sabor |
Kasaysayan | |
• Duchy | 7th century |
• Kingdom | 925 |
1102 | |
• Joined Habsburg Monarchy | 1 January 1527 |
• Secession from Austria-Hungary | 29 October 1918 |
4 December 1918 | |
25 June 1991 | |
• Joined NATO | 1 April 2009 |
• Joined the European Union | 1 July 2013 |
Lawak | |
• Kabuuan | 56,594 km2 (21,851 mi kuw) (ika-124) |
• Katubigan (%) | 1.09 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | 3,861,967 (ika-128) |
• Senso ng 2021 | 3,871,833 (ika-128) |
• Densidad | 68.4/km2 (177.2/mi kuw) (ika-152) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $175.269 bilyon (ika-81) |
• Bawat kapita | $45,702 (ika-42) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $88.076 bilyon (ika-74) |
• Bawat kapita | $22,966 (ika-51) |
Gini (2020) | 28.3 mababa |
TKP (2022) | 0.878 napakataas · ika-39 |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong pantelepono | +385 |
Internet TLD |
Ang Kroasya (Kroata: Hrvatska), opisyal na Republika ng Kroasya, ay isang nakapangyayaring bansa sa tagpuan ng Gitnang Europa, Timog-silangang Europa, at ng Dagat Mediterranean. Sumasaklaw ito ng mahigit 56,594 km2 at tinitirhan ng halos 3.9 milyong tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Zagreb.
Dumating ang mga Croat sa lugar ng kasalukuyang Kroasya noong unang bahagi ng ika-7 siglo. Dalawang dukado ang naitatag bandang ika-9 na siglo. Si Tomislav ang naging unang hari noong 925, na nagtaas sa katayuan ng Kroasya bilang isang kaharian. Napanatili ng Kaharian ng Kroasya ang kaniyang soberanya sa loob ng dalawang siglo. Naabot nito ang rurok ng kapangyarihan nito noong panahon nina Haring Petar Krešimir IV at Dmitar Zvonimir. Noong 1102, pumasok sa isang personal na unyon ang Kroasya sa Kaharian ng Hungary. Nang maharap sa pananakop ng mga Ottoman noong 1527, hinalal ng Parlamento ng Kroasya si Ferdinand I ng Dinastiyang Hapsburg sa trono ng Kroasya. Noong 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinama ang Kroasya sa di-kinilalang State of Slovenes, Croats and Serbs na humiwalay sa Austria-Hungary, at sumanib ito sa Kaharian ng Yugoslavia. Umiral ang isang pasistang papet na estado na sinuportahan ng Pasistang Italya at Nazing Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, isa ang Kroasya sa nagtatag at bumuo ng Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia na isang sosyalistang estado batay sa saligang-batas nito. Noong 25 Hunyo 1991, nagpahayag ng kasarinlan ang Kroasya, na umiral noong Oktubre 8 nang naturang taon. Naging matagumpay ang Kroasya sa digmaan para sa kasarinlan nito makaraan ang apat na taon nang ipahayag ang kasarinlan nito.
Politika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing artikulo: Politika ng Kroasya
Naging isang demokrasyang parlamentaryo ang Kroasya simula ng pagtibay ng Saligang Batas ng 1990.
Myembro ang Kroasya ng: |
UN |
Council of Europe |
OSCE |
Partnership for Peace |
Iba pang mga organisasyon |
Ang Pangulo ng republika (Predsjednik) ang pinuno ng estado at hinahalal sa mandato ng 5 taon. Dagdag pa sa pagiging commander-in-chief ng sandatahang lakas, may tungkuling pamprosedimyento din ang pangulo sa pagtakda ng punong ministro na may pahintulot ng parlamento, at may kaunti ring impluwensiya sa foreign policy.
Ang Hrvatski Sabor (Parlamentong Kroatyano) ay isang unikameral na katawang lehislatibo na may hanggang 160 kinatawan, lahat hinahalal sa pamamagitan ng botong popular upang manungkulan ng 4 taon. Nangyayari ang plenary sessions ng Sabor mula Enero 15 hanggang Hulyo 15, at mula Setyembre 15 hanggang Disyembre 15.
Ang Hrvatska Vlada (Gobyernong Kroatyano) ay pinamumunuan ng Punong ministro na may 2 diputado at 14 ministrong namamahala sa iba’t ibang sektor ng gawain. Responsable ang sangay ehekutibo sa pagmungkahi ng lehislasyon at ng bajet, sa pagpapatupad ng mga batas, at sa paggabay sa mga patakarang panlabas at panloob ng republika.
May three-tiered na sistemang hudisyal ang Kroasya na binubuo ng Kataas-taasang Hukuman, mga hukumang pang-županija, at mga hukumang munisipal. Nasusunod ang Hukumang Konstitusyonal sa mga bagay na may kinalaman sa saligang batas. arlou de los reyes
Pagkahati
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing artikulo: Županije ng Kroasya
Nahahati ang Kroasya sa 20 županija (pammaramihan županije) at ang distritong lungsod ng kapital, Zagreb:
- Zagrebačka županija
- Krapinsko-zagorska županija
- Sisačko-moslavačka županija
- Karlovačka županija
- Varaždinska županija
- Koprivničko-križevačka županija
- Bjelovarsko-bilogorska županija
- Primorsko-goranska županija
- Ličko-senjska županija
- Virovitičko-podravska županija
- Požeško-slavonska županija
- Brodsko-posavska županija
- Zadarska županija
- Osječko-baranjska županija
- Šibensko-kninska županija
- Vukovarsko-srijemska županija
- Splitsko-dalmatinska županija
- Istarska županija
- Dubrovačko-neretvanska županija
- Međimurska županija
- Grad Zagreb
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kawing palabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Turismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hrvatska turistička zajednica, opisyal na portal para sa turismong Kroatyano
- Croatia .vg Croatia portal
- Croatia Naka-arkibo 2020-01-22 sa Wayback Machine. turismong Kroatyano
Kalikasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nacionalni park Krka, Pambansang Parke ng Krka
Mga magazin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Croatia in Focus Naka-arkibo 2006-06-14 sa Wayback Machine.
- Matica Naka-arkibo 2006-05-23 sa Wayback Machine.
Mga retrato
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1185 Photos of Croatia Naka-arkibo 2006-07-03 sa Wayback Machine.
- Photos from Croatia