Bakoko
Philippine forest turtle | |
---|---|
Impormasyon tungkol sa bakoko | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Reptilia |
Orden: | Testudines |
Suborden: | Cryptodira |
Superpamilya: | Testudinoidea |
Pamilya: | Geoemydidae |
Sari: | Siebenrockiella |
Espesye: | S. leytensis
|
Pangalang binomial | |
Siebenrockiella leytensis (Taylor, 1920)
| |
Known areas of occurrence of Siebenrockiella leytensis.[3] | |
Kasingkahulugan [4] | |
|
Ang bakoko (Siebenrockiella leytensis) ay isang uri ng pagong sa tubig tabang na makikita sa Pilipinas. Kabilang sa mga kritikal na nanganganib ang pagong na ito.[1] Bakoko ang likas na katawagan nito sa wikang Cuyonon.[5] Tinatawag din ito sa Ingles bilang Philippine forest turtle, Philippine pond turtle, Palawan turtle, o Leyte pond turtle. Bagaman tinatawag itong Leyte pond turtle, hindi ito makikita sa pulo ng Leyte kundi sa pulo ng Palawan kung saan ito orihinal na nagmula.[6][7]
Ang mga bakoko (S. leytensis) ay makikilala sa kanilang takip bertebral na hugis gingko at sa kanilang maputlang puti na hanggang dilaw na linya na makikita na tumatawid sa kanilang ulo hanggang likuran ng tainga. Ang katangiang ito sa ulo ng bakoko ang rason kung bakit may palayaw ang pagong na “bowtie turtle” o pagong na may kurbatang de laso.
Sa pang-agham na klasipikasyon, nakauri ang bakoko sa subgenus na Panyaenemys. Kasama ng ngumingiti o smiling terrapin (Siebenrockiella crassicollis), isa ito sa dalawang espesye ng Siebenrockiella.
Distribusyon at tirahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa kasalukuyang datos, matatagpuan lamang ang bakoko sa hilagang Palawan at sa mga karatig na pulo nito. Kabilang dito ang pulo ng Dumaran kung saan makikita ang maraming mga bakoko na naninirahan sa mga sapa. Ngunit sa ibang mga pulo, lalo na sa Taytay at San Vicente, pinaniniwalaang mabilis bumaba ang populasyon ng bakoko. Tinatayang mas mababa sa 100 km2 ang lugar ng distribusyon ng espesye.[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Schoppe, S.; Diesmos, A.C.; Diesmos, M. (2021). "Siebenrockiella leytensis". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2021: e.T39599A2929929. doi:10.2305/IUCN.UK.2021-1.RLTS.T39599A2929929.en.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Appendices | CITES". cites.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-01-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pierre Fidenci & Reymar Castillo (2009). "Some Data on the Distribution, Conservation Status and Protection of Freshwater Turtles in the Palawan Island Group, Philippines". British Chelonia Group: Testudo (sa wikang Ingles). British Chelonia Group. 7 (2): 76–87.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fritz Uwe; Peter Havaš (2007). "Checklist of Chelonians of the World" (PDF). Vertebrate Zoology (sa wikang Ingles). 57 (2): 248–249. ISSN 1864-5755. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-05-01. Nakuha noong 29 Mayo 2012.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schoppe, Sabine; Acosta, Diverlie (Agosto 2016). Philippine Freshwater Turtle Conservation Program (PFTCP) 2015 Annual Report (PDF) (sa wikang Ingles). Katala Foundation.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pierre Fidenci & Jérôme Maran (2009). "Illegal Domestic Trade of the Philippine Forest Turtle (Siebenrockiella leytensis) in the Philippines" (PDF). TurtleLog (sa wikang Ingles). IUCN/SSC Tortoise and Freshwater Turtle Specialist Group (3): 1–3. doi:10.3854/tln.003.2009. ISSN 1947-7635. Nakuha noong Hulyo 29, 2011.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ellalyn B. De Vera (Marso 28, 2011). "Local forest turtle (Siebenrockiella leytensis) getting extinct" (sa wikang Ingles). Manila Bulletin. Nakuha noong Hulyo 29, 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sabine Schoppe and Chris R. Shepherd (2013): "The Palawan Forest Turtle Under Threat from International Trade", in Traffic Bulletin, Vol.25, No.1, pg.9-11