Pumunta sa nilalaman

Paharita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Buklod-kurbata)
Anyo ng paharita (nasa gitna) na nakasuot sa isang manekin.
Dalawang uri ng paharitang hindi pa ibinibigkis.

Ang paharita[1] (Ingles: bowtie, bow tie) ay isang uri ng itinatali o binibigkis na kurbatang "laso", na inilalagay sa paligid ng kuwelyo ng polong pangternong damit ng isang lalaki. Tanyag na isinusuot itong kasama ng kasuotang pormal, katulad ng trahe o terno at tsaketang panghapunan. Binubuo ito ng isang laso ng telang nakatali sa kuwelyo sa paraang pantay upang ang magkabilang dulo ay makabuo ng mga likaw o silo. Mayroong makukuha o mabibiling nakatali o nakabuhol nang mga paharita, kung saan nakatahi na ang natatanging anyong "buhol" ng kurbata, na ikinakawit na lamang sa kuwelyo.

Maaaring gawa sa anumang uri ng tela ang mga paharita, ngunit karamihan ang yari sa seda, polyester, bulak, o kahaluan ng mga tela. Mas hindi pangkaraniwan ang mga yari sa lana at iba pang mga uri ng tela.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Batay sa tie, nakuha ang buklodkurbat(a) - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.