U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

 a dog next to a pet supply kit

Ihanda ang Iyong Mga Alagang Hayop para sa mga Kalamidad

Ang iyong mga alagang hayop ay mahalagang miyembro ng iyong pamilya, kaya kailangan silang isama sa planong pang-emerhensiya ng iyong pamilya. Upang maghanda para sa hindi inaasahang pangyayari, sundin ang mga tip na ito nang nasa isip ang iyong mga alagang hayop:

  1. Gumawa ng plano.
  2. Gumawa ng emergency kit.
  3. Panatilihing May-alam

Gumawa ng Plano

Kung mayroon kang plano para sa iyo at sa iyong mga alagang hayop, malamang na mas kaunti ang hirap, stress at pag-aalala mo kapag kailangan mong gumawa ng desisyon sa panahon ng emerhensiya. Kung hihilingin sa iyo ng mga lokal na opisyal na lumikas, nangangahulugan iyon na dapat ding lumikas ang iyong alagang hayop. Kung iiwan mo ang iyong mga alagang hayop, maaari silang mawala, masugatan o mas malala pa.

Mga bagay na isasama sa iyong plano:

  • Magkaroon ng plano sa paglikas para sa iyong alagang hayop. Maraming pampublikong silungan at hotel ang hindi pinapayagan ang mga alagang hayop sa loob. Alamin ang ligtas na lugar kung saan maaari mong dalhin ang iyong mga alagang hayop bago mangyari ang mga kalamidad at emerhensiya.
  • Bumuo ng buddy system. Magplano kasama ang mga kapitbahay, kaibigan o kamag-anak upang matiyak na mayroong available na mag-aalaga o maglilikas sa iyong mga alagang hayop kung hindi mo ito magawa.
  • Ipa-microchip ang iyong alagang hayop. Siguraduhing up-to-date ang iyong address at numero ng telepono at isama ang pang-kontak na impormasyon bilang pang-emerhensiya na makokontakan na nasa labas ng iyong agarang lugar.
  • Kontakin ang iyong lokal na tanggapan ng namamahala ng emerhensiya, silungan ng hayop o tanggapan ng pagkontrol ng hayop upang makakuha ng karagdagang payo at impormasyon kung hindi ka sigurado kung paano aalagaan ang iyong alagang hayop kung sakaling magkaroon ng emerhensiya.

Gumawa ng Kit para sa Iyong Alagang Hayop

Katulad ng ginagawa mo sa pang-emerhensiyang supply kit ng iyong pamilya, isipin muna ang mga pangunahing kaalaman para mabuhay, tulad ng pagkain at tubig. Mayroong dalawang kit, may isang mas malaking kit kung ikaw ay sumilong sa lugar at isang magaan na bersyon para sa kung kailangan mong lumikas. Regular na suriin ang iyong mga kit upang matiyak na ang mga nilalaman ng mga ito, lalo na ang mga pagkain at gamot, ay sariwa.

Narito ang ilang mga bagay na maaaring gusto mong isama sa pang-emerhensiyang kita para sa iyong alagang hayop:

Image
illustration of a dog and an emergency supply kit for pets, which includes food, toys, medicine, food and a collar with a tag.
  • Pagkain. Panatilihin na may ilang araw na supply ng pagkain sa airtight at hindi tinatablan o mababasa ng tubig na lalagyan.
  • Tubig. Mag-imbak ng tubig sa mangkok ng at para sa ilang araw na supply ng tubig.
  • Gamot. Panatilihin na may dagdag na supply ng gamot na iniinom ng iyong alagang hayop nang regular sa isang lalagyan na hindi tinatablan o mababasa ng tubig.
  • Kit para sa pangunang lunas. Makipag-usap sa iyong beterinaryo tungkol sa kung ano ang pinakaangkop para sa mga pang-emerhensiyang medikal na pangangailangan ng iyong alagang hayop
  • Collar na may ID tag at harness o tali. Magdala ng backup na tali, collar at ID tag. Dapat may mga kopya ka ng impormasyon sa pagpaparehistro ng iyong alagang hayop at iba pang nauugnay na mga dokumento sa isang lalagyan na hindi tinatablan o mababasa ng tubig at available sa elektronikong paraan.
  • Bag na pang-biyahe, crate o matibay na carrier, mas mabuting kung teg-iisa para sa bawat alagang hayop.
  • Mga gamit sa pag-aayos. Shampoo ng alagang hayop, conditioner at iba pang mga bagay, kung sakaling kailangan linisan ang iyong alagang hayop.
  • Mga pangangailangan sa kalinisan. Isama ang pet litter at litter box (kung naaangkop), mga pahayagan, paper towel, mga plastic trash bag at chlorine bleach ng sambahayan upang maibigay ang mga pangangailangan sa kalinisan ng iyong alagang hayop.
  • Larawan mo at ng iyong alagang hayop na magkasama. Kung nahiwalay ka sa iyong alagang hayop sa panahon ng emerhensiya, ang larawan mo at ng iyong alagang hayop na magkasama ay tutulong sa iyo na idokumento ang pagmamay-ari at magbibigay-daan sa iba na tulungan ka sa pagkilala sa iyong alagang hayop.
  • Mga pamilyar na bagay. Maglagay ng mga paboritong laruan, treat o kumot sa iyong kit. Ang mga pamilyar na bagay ay maaaring makatulong na mabawasan ang stress para sa iyong alagang hayop.

Mga Tip para sa Malalaking Hayop

alert - info

Kung mayroon kang mga alagang hayop tulad ng mga kabayo, kambing o baboy sa iyong ari-arian, siguraduhing maghanda bago ang kalamidad.

Bilang karagdagan sa mga tip sa itaas:

  • Tiyakin na ang lahat ng mga hayop ay may ilang uri ng pagkakakilanlan.
  • Ilikas ang mga hayop nang mas maaga, hangga't maaari. I-mapa o planuhin ang pangunahin at pangalawang ruta nang maaga.
  • Maghanda ng mga sasakyan at trailer na kailangan para sa transportasyon at pagsuporta sa bawat uri ng hayop. Gawing available din ang mga may karanasang handlers at driver.
  • Tiyaking may pagkain, tubig, pangangalaga sa beterinaryo at kagamitan sa paghawak ang mga destinasyon.
  • Kung hindi posible ang paglikas, ang mga may-ari ng hayop ay dapat magpasya kung ililipat ang malalaking hayop sa isang kamalig o pakawalan ang mga ito sa labas.

Panatilihing May-Alam

Pagiging handa at pananatiling may-alam sa mga kasalukuyang kondisyon. Narito ang ilang paraan upang manatiling may kaalaman:

  • Bigyang-pansin ang mga wireless na alertong pang-emerhensiya para sa mga lokal na alerto at babala na ipinadala ng mga opisyal ng estado at lokal na pampublikong kaligtasan.
  • Makinig sa mga lokal na opisyal kapag sinabihan na lumikas o sumilong sa lugar.
  • I-download ang FEMA app at kumuha ng mga alerto tungkol sa panahon sa National Weather Service, na may hanggang limang magkakaibang lokasyon saanman sa United States.
  • Palaging ipasok ang mga alagang hayop sa loob ng bahay sa unang senyales o babala ng bagyo o kalamidad.

Nauugnay na Nilalaman

Last Updated: 02/07/2023

Return to top