Taho
Kurso | Panghimagas, Minandal |
---|---|
Lugar | Pilipinas |
Ihain nang | Init Me, sa normal na temperatura |
Pangunahing Sangkap | tokwa, arnibal, sago |
323 kcal (1352 kJ) | |
Karagdagan | [1] |
|
Ang taho (Lan-nang: 豆花 tāu-hue) ay isang uri ng pagkaing Pilipino na hango mula sa impluwensiya ng mga Tsino. Isa itong matamis na pagkain mula sa balatong (Ingles: soybean, mga butong gamit sa paggawa ng sawsawang toyo), arnibal o pulot (Ingles: syrup) at maliliit na sago.[2] Laganap ang meryenda na ito at makahahanap ng mga magtataho sa buong bansa. Tauhue ang katumbas nito sa Indonesia at Taylandiya, at Taufufah naman sa Malaysia.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula sa mga maaagang talaan, maliwanag na nagmumula ang taho sa Tsinong douhua (Tsino: 豆花; pinyin: dòuhuā).
Pagpoproseso at paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inihahanda ng karamihan ng mga magtataho ang mga magkakahiwalay na sangkap bago sumikat ang araw. Pinoproseso ang pangunihang sangkap, malabot na/sariwang tokwa, hanggang mainam at mala-leche flan ang kabuuan nito. Kinakaramelo ang pulang asukal at inihahalo sa tubig para makagawa ng malapot na kulay-amber na pulot na tinatawag na arnibal. Idinaragdag minsan ang mga pampalasa, tulad ng baynilya, sa arnibal. Pinakukulo ang mga sago na ibinili mula sa lokal na merkada, hanggang maging malagoma at nanganganinag na puti sila. Sa halip na gumawa ng malambot na tokwa mula sa wala, maaaring gamitin ang soft tofu mix mula sa tindahan.[3]
Pamimili
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kadalasang makikita ang mga magtataho (nagbebenta ng taho) sa mga kalye ng Pilipinas. Nagbubuhat ang magtataho ng dalawang malalaking balde na gawa sa aluminyo na nakasabit sa mga dulo ng isang tungkod. Nasa mas malaking balde ang tokwa, at nasa mas maliit na balde ang arnibal at sago.
Naglalako ang mga magtataho ng kanilang produkto sa isang kakaibang paraan. Sinisigaw nila ang pangalan nito na may lumalaking impleksyon habang dahan-dahan silang lumalakad sa bangketa o sa gilid ng kalsada. Nananatili ng karamihang magtataho na isang kinagawiang ruta at iskedyul, na sumisigaw ng "Tahoooooo!" para akitin ang mga mamimili. Kahit mas madalas na umiikot ang mga magtataho sa umaga, hindi madalang na makakita rin ng magtataho sa hapon o gabi.
Nagdadala ang karamihan ng mga magtataho ng tasang plastik, kadalasan sa dalawang sukat, at kutsara (minsan panghigop) para sa kanilang produkto. Gumagamit ng ibang mga mamimili sa mga residential area ng sarili nilang tasa, at pepresyuhin ng tindero ang produkto nang naaayon (Karaniwang 20 Php ang presyo para sa isang saro na may karaniwang sukat). Gamit ang isang malapad, mababaw, metalikong sandok, sinasagapan nila ang ibabaw ng tokwa at inihahagis ang labis na tubig, bago magsalok ng tokwa mismo sa tasa. Pagkatapos, gamit ang mahaba, manipis, at metalikong kutsaron, sinasalok nila ang sago o tapioca at arnibal sa tasa at hinahalo nang kaunti.
Pagkakain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinakain ang taho gamit ang kutsara, hinihigop ng panghigop, o iniinom mula sa tasa mismo. Kahit na tradisyonal na inihahain ito nang mainit, mayroong mga malalamig na barasyon sa mga supermarket at tindahan sa mga kapeterya na may tokwa sa solidong, walang durog na kalagayan. Ang mga nakabalot na tasang ito, na ibinebenta na may kasamang kutsarang plastik o ice pop stick na gawa sa kahoy, ay malimit na may mas matibay tokwa.
Mga baryante
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Baguio, mayroon ding baryanteng presas ang taho, kung saan ginagamit ang pulot-presas kaysa sa arnibal. Kabilang sa mga ibang baryante ang pulot na gawa sa tubo o tsokolate.[kailangan ng sanggunian][4]
See also
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Taho: Nutrition Facts". Nakuha noong 2008-07-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ "Homemade Taho Recipe".
- ↑ "Baguio Food Trip: Strawberry Taho". 26 Enero 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Mayo 2017. Nakuha noong 21 Disyembre 2017.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)