Remedios Circle
Ang Remedios Circle, na kilala rin bilang Plaza de la Virgen de los Remedios,[1] Remedios Rotonda,[2] at Bilog ng Rotaryo (Rotary Circle),[3] at maaari na isalin nang buo bilang Bilog ng Remedios, ay isang trapikong bilog na matatagpuan sa distrito ng Malate, Maynila. Nagsisilbi itong sangandaan sa pagitan ng Kalye Remedios, Kalye Jorge Bocobo at Kalye Adriatico. Kapuwa ipinangalan ang bilog at ang kalapit na kalye nito mula kay Nuestra Señora de los Remedios (Ina ng mga Kalunasan), ang pintakasi ng kalapit na Simbahan ng Malate.[2] Isa ang Remedios Circle sa dalawang mga pangunahing bukas na liwasan sa Malate, ang isa ay Plaza Rajah Sulayman.
Dating isang sementeryo sa panahong kolonyal, kilala na ngayon ang bilog bilang sentro ng panggabing buhay (nightlife) ng Maynila,[4] gayundin bilang isang popular na lugar ng paggagala-gala upang maghanap ng katalik para sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Larry serves up music". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. 18 Enero 2001. Nakuha noong 10 Hulyo 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Santos, Tina G. (24 Hunyo 2006). "Manila's 'redeveloped' parks now open to public". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Nakuha noong 4 Hunyo 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Philippines, Pearl of the Orient. Manila: Islas Filipinas Publishing Company. 1988. p. 205.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dalton, David (2007). The Rough Guide to the Philippines. Penguin Books. p. 100. ISBN 9781843538066.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Garcia, J. Neil C. (2009). Philippine Gay Culture: Binabae to Bakla, Silahis to MSM. Hong Kong: Hong Kong University Press. p. 231. ISBN 9789622099852.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)