Pumunta sa nilalaman

Lansangang-bayang MacArthur

Mga koordinado: 15°33′09″N 120°20′43″E / 15.5525°N 120.3452°E / 15.5525; 120.3452
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang MacArthur)

Lansangang-bayang MacArthur
MacArthur Highway
Manila North Road
Lansangang-bayang MacArthur sa Barangay Lara, San Fernando, Pampanga.
Impormasyon sa ruta
Haba500.0 km (310.7 mi)
Bahagi ng
  • R-9 R-9
  • N2 mula Guiguinto hanggang Laoag
  • N1 mula Caloocan hanggang Guiguinto
Pangunahing daanan
Dulo sa timog AH26 / N1 (EDSA) / N120 (Daang Samson) / N150 (Karugtong ng Abenida Rizal) sa Bantayog ni Bonifacio, Caloocan
 
Dulo sa hilaga N1 (Abenida Heneral Segundo) / AH26 sa Laoag, Ilocos Norte
Lokasyon
Mga pangunahing lungsod
Mga bayan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Lansangang-bayang MacArthur (Ingles: MacArthur Highway), na kilala dati bilang Manila North Road (o MaNor) at Highway 3 (o Route 3), ay isang pangunahing lansangan sa hilaga-silangang bahagi ng Luzon, Pilipinas. Ito ang pangunahing lansangan na papunta sa mga rehiyon ng Gitnang Luzon at Ilocos.

Magkahiwalay na itinayo ang mga bahagi ng Lansangang-bayang MacArthur simula noong 1928 noong panahon ng mga Amerikano.[1] Sinusundan nito ang kalakihan ng ruta ng lumang linya ng Manila Railroad mula Maynila hanggang Dagupan. Pinangalanan itong Highway 3 at tinawag rin itong Route 3 sa mga unang ulat ng militar ng Estados Unidos.[2] Di-kalaunan, naabot ng lansangan ang mga lalawigan ng Ilocos sa hilaga at naging kilala bilang Manila North Road na may haba ng higit sa 500 kilometro (310.7 milya).[3]

Noong Hunyo 17, 1961, binigyan ng bagong pangalan ang buong lansangan, na mula kay Heneral Douglas MacArthur, ang Tagapaglaya ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[2][4]

Alinsunod sa panibagong sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas na inilunsad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) noong 2014, ang buong Lansangang-bayang MacArthur ay napaloob sa dalawang pambansang ruta: N1 para sa bahaging Caloocan - Guiguinto at N2 para sa bahaging Guiguinto - Laoag.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang pandalawahan hanggang pang-apatan na lansangan ang Lansangang-bayang MacArthur at may habang 500 kilometro (310.7 milya) mula sa Monumento ni Bonifacio sa Caloocan hanggang sa Laoag, Ilocos Norte. Dumadaan ito sa mga tatlong lungsod sa Kalakhang Maynila (Caloocan, Malabon, at Valenzuela), tatlong lalawigan ng Gitnang Luzon (Bulacan, Pampanga, at Tarlac), at apat na lalawigan ng Rehiyon ng Ilokos (Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte).[3]

Kalinya ng lansangan ang North Luzon Expressway mula Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) hanggang Mabalacat, ang Subic–Clark–Tarlac Expressway mula Mabalacat hanggang Lungsod ng Tarlac, at ang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway mula Lungsod ng Tarlac hanggang Rosario. Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 9 (R-9) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at ng mga sumusunod na ruta ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas: N1 (mula Caloocan hanggang Guguinto) at N2 (natitirang bahagi mula Guiguinto hanggang Laoag).

Ang mga pangkuryente na linyang transmisyon, sub-transmisyon at pamamahagi ay dumadaan nang kalinya sa o tumatawid sa lansangan, bahagi man o kabuuan, at pinapatakbo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ng iba't-ibang mga kompanyang pamamahagi. Ilan sa mga ito ay tinanggal at nilipat sa labas ng lansangan dahil sa pagpapalawak nito, tulad ng bahaging San Simon-Calumpit ng linyang transmisyon ng Hermosa-Balintawak ng NGCP, na inilipat sa bahaging Pulilan-Apalit ng NLEX (kasama ang Candaba Viaduct) noong 2011. Nililinyahan din ang Lansangang-bayang MacArthur ng mga puno sa mga nakatakdang bahagi nito.

Mga sangandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lansangang-bayang MacArthur sa Marulas, Valenzuela

Gitnang Luzon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lansangang-bayang MacArthur pagpasok ng Lungsod ng Tarlac
  • Daang Concepcion–Magalang (Concepcion) – kumokonekta sa SCTEx-Concepcion Interchange. Babagtas ang Daang Concepcion–Magalang sa Daang Mabalacat–Magalang sa Magalang, Pampanga.
  • Luisita Access Road at Lansangang-bayang Romulo (Lungsod ng Tarlac) – Luisita Access Road ay matatagpuan sa Hacienda Luisita at kumokonekta sa SCTEx-Hacienda Luisita Interchange. Ang Lansangang-bayang Romulo ay tutungo sa kanlurang bahagi ng Tarlac at Pangasinan.
  • Daang Santa Rosa–Tarlac (Lungsod ng Tarlac) – ang kasalukuyang hilagang dulo ng SCTEx at katimugang dulo ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway. Daang Santa Rosa-Tarlac ay tutungo sa bayan ng La Paz, lalawigan ng Nueva Ecija at Rehiyon ng Lambak ng Cagayan.
  • Daang Tarlac–Victoria (Lungsod ng Tarlac) – kumokonekta sa TPLEx-Victoria Interchange
  • Daang Gerona–Guimba (Gerona) – kumokonekta sa TPLEx-Gerona Interchange. Matatagpuan ang silangang dulo sa Guimba, Nueva Ecija sa may Daang Pangasinan–Nueva Ecija.
  • Daang Paniqui–Ramos (Paniqui) – kumokonekta sa TPLEx-Paniqui Interchange
  • Daang Moncada–Anao (Moncada) – kumokonekta sa TPLEx-Anao Interchange. Pasilangang direksyon ay tutungo sa Nampicuan at Cuyapo, Nueva Ecija.

Rehiyon ng Ilocos

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lansangang-bayang MacArthur sa Urdaneta
  • Daang Umingan–Rosales (Rosales) - papuntang Umingan, Pangasinan at Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija.
  • Daang Calasiao–Urdaneta (Urdaneta) - papuntang Alaminos, Lingayen, Calasiao, at Dagupan.
  • TPLEx - Urdaneta Interchange (Urdaneta) - direktang koneksyon sa Urdaneta Exit ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway
  • Lansangang-bayang Binalonan–Dagupan (Urdaneta) - papuntang Manaoag at TPLEx-Binalonan Exit

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "A window into Valenzuela City's past". BusinessMirror. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2014. Nakuha noong 14 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 The MacArthur Highway and Other Relics of American Empire in the Philippines. Joseph P. McCallus. Nakuha noong 14 Agosto 2014.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Jica, World Bank to maintain 500-km MacArthur Highway". BusinessMirror. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2014. Nakuha noong 14 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Republic Act No. 3080". Chan Robles. Nakuha noong 14 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

15°33′09″N 120°20′43″E / 15.5525°N 120.3452°E / 15.5525; 120.3452