Pumunta sa nilalaman

Aksidente

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga teknikal na kahulugan: aksidente (pilosopiya)

Ang aksidente ay isang pangyayari na may mali at hindi inaasahan ang kaganapan. Kabilang sa mga pisikal na halimbawa nito ang banggaan ng magkasalubong/magkasunod na sasakyan o ng mga naglalakad sa magkabilang direksiyon ng daan, pagkahulog ng bagay o tao, pagkatusok sa isang matulis o matalas na bagay, pagkakuryente, pagkalason o pagkakasaktan mula sa pagkadulas o maling pagbagsak mula sa pagtalon. Kabilang naman sa mga di-pisikal na halimbawa ang hindi sinasadyang paghahayag ng isang lihim o kawalan ng pagtitimpi na magsabi ng marahas o bastos na salita, pagkalimot sa isang mahalagang okasyon at iba pang hindi kanais-nais na mga pangyayari.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.