Pumunta sa nilalaman

Jost Gippert

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jost Gippert

Si Jost Gippert (German pagbigkas: [jo:st gɪpʰɐt]; ipinanganak noong Marso 12, 1956, sa Winz-Niederwenigern, ngayon Hattingen) ay isang Alemang dalubwika, Caucasiologist, may-akda, at propesor ng Comparative Lingguwistika sa Institut ng Empirical Lingguwistika sa Goethe Unibersidad sa Frankfurt/Main.[1]

Bernard Outtier, Jost Gippert, Winfried Boeder

Noong 1972, si Jost Gippert ay nagtapos sa Leibniz-Himnasyo sa Essen (Altenessen), Germany. Mula 1972 hanggang 1977, pinag-aralan niya ang Comparative Lingguwistika, Indology, Japanese studies, at Sinolohiya sa Unibersidad ng Marburg at sa Berlin. Matapos ang kanyang pag-aaral noong 1977, nakatanggap siya ng Ph.D sa pamamagitan ng kanyang sanaysay tungkol sa „Palaugnayan ng pawatas pormasyon sa mga wikang Indo-European“. Mula 1977 hanggang 1990, nagtrabaho siya sa mga unibersidad sa Berlin, Vienna at Salzburg bilang isang katulong ng pananaliksik at bilang isang lektor ng unibersidad. Noong 1991, habang siya ay isang katulong ng pananaliksik sa Computational Lingguwistika ng Oriental, naging karapat-dapat siya na magturo sa Unibersidad ng Bamberg sa pamamagitan ng kanyang sanaysay na disertasyon tungkol sa „A study of Iranian loan words in Armenian and Georgian“. Mula noong 1994, si Jost Gippert ay nagtuturo ng comparative lingguwistika sa unibersidad Goethe sa Frankfurt. Noong 1996 siya ay naging miyembro ng Gelati Science Academy (Georgia), at mula 2007 miyembro din siya ng departamento ng Wika sa Berlin-Brandenburg Academy of Sciences and Humanities. Si Jost Gippert ay hinirang na pandangal na propesor ng dalawang unibersidad sa Tbilisi, Georgia - 1997 sa Sulkhan Saba Orbeliani Unibersidad at 2009 sa Ivane Javakhishvili Unibersidad. Noong 2013 hinirang din siya bilang pandangal na doktor sa Unibersidad ng Shota Rustaveli sa Batumi, Georgia. Mula noon ang kanyang panawagan bilang propesor ng comparative lingguwistika, ang karamihan ng pananaliksik ni Jost Gippert ay tungkol sa kasaysayan ng mga wikang Indo-European at tungkol sa mga pinagmulan ng mga salitang Indo-European, pati na rin ang pangkalahatang lingguwistikang tipolohiya at lalo ang pag-aaral ng mga wika ng Caucasus. Dahil sa kanyang dedikasyon sa mga wika ng Caucasus, maraming internasyonal na proyekto ng pananaliksik sa paksa na ito ay natapos sa kanyang pangangasiwa. Ang pananaliksik ni Jost Gippert ay nakatutok sa makasaysayang lingguwistika, lingguwistik na tipolohiya, electronic text corpora, multimediang dokumentasyon ng mga wika at electronic na pagsusuri ng mga manuskrito.

Jost Gippert, Unibersidad ng Batumi, 2013

Digital Humanities

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pananaliksik ng mga palimpsest sa Busdok ng Sinai

TITUS, ARMAZI, GNC at LOEWE

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Jost Gippert ay ang tagapagtatag at direktor ng proyektong TITUS (Thesaurus of Indo-Germanic texts and speeches).[2] Mula ng magsimula ito noong 1987, ang layunin ng proyekto nito ay ang maging kompleto na at maaari ng makita kahit saan ang materyal ng iba't-ibang wikang Indo-European. Noong 1999, sinimulan niya ang proyektong ARMAZI (Mga Wika at Kulturang Caucasian: Electronic Documentation).[3] Ang proyektong ito ay nagbalak ng isang malawakang koleksyon ng materyal ng mga wikang Caucasian. Ang proyektong ARMAZI ay nagbunga ng Georgian National Corpus (GNC). Mula noong 2010, si Jost Gippert ay ang pinuno ng center "Digital Humanities in the State of Hesse: Integrated Processing and Analysis of Text-based Corpora" sa loob ng yunit ng "Federal Offensive for the Development of Scientific and Economic Excellence“ (LOEWE). Ang center na ito ay isang pakikipagtulungan ng Goethe University of Frankfurt at ng Technical University of Darmstadt, at mayroon siyang karagdagang suporta mula sa Goethe Museum Frankfurt.

Electronic pagsusuri ng mga manuskrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1990s, si Jost Gippert ay nakitungo sa mga manuskritong Oriental, upang maging digital ang mga ito (halimbawa, ang mga manuskritong Tocharian sa Berlin Turfan Collection). Higit pa rito, nagsaayos si Jost Gippert ng mga gawain kabilang ang mga manuskritong palimpsest na Caucasian-Albanian na natagpuan sa Bundok ng Sinai. Dahil sa kanyang mga gawa na ito, sumali si Jost Gippert sa grupong pananaliksik "Manuscript Cultures" sa Unibersidad ng Hamburg. Noong tag-init ng 2013, bumisita siyang muli sa Unibersidad ng Hamburg, bilang isang Petra Kappert Fellow, at nakilahok siya sa pagpapaliwanag ng "Encyclopedia of Manuscript Cultures" at ng handbook "Comparative Oriental Manuscript Studies".

Mga Napiling Proyekto

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 1995-1998 (DFG): Avesta and Rigveda: Electronic Analysis
  • 1995-1999 (INTAS): The Georgian Verbal System
  • 1999-2002 (Volkswagen Foundation, EUR 117,900): Caucasian Languages and Cultures: Electronic Documentation
  • Mula noong 2000 (DFG): Graduate School “Types of Clauses: Variation and Interpretation”
  • 2002-2006 (Volkswagen Foundation, EUR 167,800): Endangered Caucasian Languages in Georgia
  • 2003-2007 (Volkswagen Foundation): Palimpsest Manuscripts of Caucasian Provenience
  • 2005-2009 (INTAS): Georgian Gospels
  • 2005-2007 (Volkswagen Foundation, EUR 189,000): The Linguistic Situation in modern-day Georgia[4]
  • 2008-2014 (DFG, EUR 240,000): Old German Reference Corpus
  • Mula noong 2008 (BMBF): German Language Resource Infrastructure
  • 2009 (Volkswagen Foundation, EUR 400,000): Aché Documentation Project
  • Mula noong 2009 (DFG/NEH, EUR 96,000): RELISH (Rendering Endangered Languages Lexicons Interoperable Through Standards Harmonization)
  • Mula noong 2009 (Volkswagen Foundation): Georgian Palimpsest Manuscripts
  • 2010 (Google Inc., US$49,600): Corpus Caucasicum
  • Mula noong 2011 (Hessian Ministry for Science and the Arts|HMWK, EUR 3,792,000): LOEWE Research Unit “Digital Humanities – Integrated Processing and Analysis of Text-based Corpora”
  • Mula noong 2011 (Volkswagen Foundation, EUR 299,600): Khinalug Documentation Project
  • Mula noong 2011 (DFG): Relative Clauses in a Typological View
  • Mula noong 2012 (Volkswagen Foundation, EUR 390,400): Georgian National Corpus

Mga Napiling Paglalathala

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 1977: The syntax of infinitival formations in the Indo-European languages. (Europäische Hochschulschriften, 21/3), 360 pp.; Frankfurt, Bern, Las Vegas: Lang 1978. Dissertation
  • 1990: Iranica Armeno-Iberica. A study of Iranian loan words in Armenian and Georgian, 451 + 389 pp.; Vienna: Austrian Academy of Sciences 1993. Inaugural dissertation.
  • 2007: Gippert, Jost / Sarjveladze, Zurab / Kajaia, Lamara: The Old Georgian Palimpsest Codex Vindobonensis georgicus 2, edited by Jost Gippert in co-operation with Zurab Sarjveladze and Lamara Kajaia, 368 pp.; Turnhout: Brepols 2007.
  • 2008: Gippert, Jost / Schulze, Wolfgang / Aleksidze, Zaza / Mahé, Jean-Pierre: The Caucasian Albanian Palimpsests of Mount Sinai, 2 vols., XXIV + 530 pp.; Turnhout: Brepols 2009.
  • 2010: Gippert, Jost / Schulze, Wolfgang / Aleksidze, Zaza / Mahé, Jean-Pierre: The Caucasian Albanian Palimpsests of Mount Sinai. Vol. III: The Armenian Layer, edited by Jost Gippert., 220 pp.; Turnhout: Brepols 2010.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]