Sinolohiya
Sa pangkalahatan, ang Araling Intsik, Araling Tsino, o Sinolohiya (Ingles: Chinese studies, Sinology) ay ang pag-aaral ng o hinggil sa bansang Tsina at mga bagay-bagay na may kaugnayan sa Tsina, subalit maaari ring tumukoy sa pag-aaral ng wika at panitikang klasiko, at ang pagharap na pilolohikal. Ang pinagmulan nito ay maaaring bakasin sa pagsusuri na isinagawa ng mga iskolar na Intsik hinggil sa kanilang sariling kabihasnan.[1] Sa ibang pananalita, ang Sinolohiya ay ang pag-aaral ng mga wika at kulturang Intsik na kasama ang kaugnayan at paghahambing sa pagitan ng Tsina at iba pang mga kalinangang Asyano. Sa diwang pang-etimolohiya, ang Sino- ay hinango magmula sa Panghuling Latin na Sinae, na nagmula sa Griyegong salitang Σίνα o Sinae na may kahulugang Tsina, na nagbuhat naman magmula sa Arabeng Sin, na maaaring nahango mula sa Qin na tumutukoy sa Dinastiyang Qin. Samantala ang Sino- ay dinugtungan ng Griyegong salitang -lohiya na nagmula sa -λογία na nangangahulugang tratado, pag-aaral, o agham.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Tsina at Asya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.