Budismo

Indikong relihyon
(Idinirekta mula sa Buddhism)

Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.

Nakatayong Buddha. Ito ang isa sa pinakamaagang mga alam na representasyon ni Gautama Buddha, ika-1 hanggang ika-2 siglo CE. Greco-Buddhist art, Gandhara. (Tokyo National Museum)

Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya. Ang Buddha ay nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang Buddha ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-4 siglo BCE.[1] Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan (avidyā) sa pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan (pratītyasamutpāda) at pag-aalis ng pagnanasa (taṇhā), at kaya ay makakamit ang pinakamataas na kaligayahan na nirvāṇa.[2]

Di-teosentriko (Ingles: non-theocentric) ang Budismo. Walang sentrong "Diyos" sa Budismo. Kahit nito, puwedeng maniwala ang Budista sa maraming klaseng diyos sa mundong ito at sa iba-iba pang mga mundo. Ang mga diyos ay parte ng malawak na ekolohiyang binibilang na ang tao, hayop, demonyo, at iba-ibang klaseng buhay. Sa Budistang kosmolohiya, mayroong maraming mundo, bukod sa ating mundo.

Ang Uniberso, pamosong pinturang Zen ni Sengai Gibon (mongheng Hapon, 1750–1837)
Japa mala—rosaryong 108 abaloryo ng mga Budista
Maitreya Buddha
Amitabha Buddha

Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala: ang Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") at Mahayana ("Ang Dakilang Sasakyan"). Ang Theravada ay may malawakang mga tagasunod sa Sri Lanka, Timog Silangang Asya. Ang Mayahana ay matatagpuan sa buong Silangang Asya (Tsina, Korea, Hapon, Vietnam, Singapore, Taiwan, etc.) at kinabibilangan ng mga tradisyon ng Dalisay na Lupain, Zen, Budismong Nichiren, Budismong Tibetan, Shingon, at Tiantai (Tendai). Sa ilang mga klasipikasyon, angVajrayana na pangunahing sinasanay sa Tibet at Mongolia at mga kalapit na bahagi ng Tsina at Rusya ay kinikilala na ikatlong sangay samantalang ang iba ay umuuri dito bilang bahagi ng Mahayanan. Bagaman ang Budismo ay nananatiling pinakasikat sa loob ng Asya, ang parehong mga sangay nito ay matatagpuan na ngayon sa buong mundo. Ang mga Budismo sa buong mundo ay tinatayang sa pagitan ng 350–500 milyon [3][4][5] o sa pagitan ng 1.2 - 1.7 bilyon.[6][7][8] Ito ay kinikilala rin bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong relihiyon sa buong mundo.[9][10][11][12]

Ang mga eskuwela ng Budismo ay iba-iba sa eksaktong kalikasan ng landas tungo sa kalayaan, ang kahalagahan at kanonisidad ng iba't ibang mga katuruan at kasulatan at lalo na ang kanilang mga respektibong kasanayan.[13] Ang mga pundasyon ng tradisyong Budista at kasanayan ang Tatlong Hiyas (Triple Gem/Tirattana). Ang Tatlong Hiyas ay ang Buda (Ang naliwanagan), ang Dharma (Mga katuruan ng Buda), at ang Sangha (Komunidad ng mga Budista). Ang pagkanlong sa Tatlong Hiyas ay tradisyonal na isang paghahayag at pagtatalaga ng sarili sa pagiging nasa landas na Budista at sa pangakalahatang ay nagtatangi ng isang Budista mula sa isang hindi-Budista.[14] Ang ibang mga kasanayan ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod na mga patakarang etikal; pagsuporta sa pamayahanang monastiko; pagtakwil sa nakagawiang pamumuhay at pagigign isang monastiko; pag-unlad ng pagiging mapagmasid at pagsasanay ng pagninilay-nilay; pagpapalago ng mas mataas na karungungan at pagkawari; pag-aaral ng mga kasulatang Budista; mga pagtutuong kasanayan, mga seremonya at sa tradisyong Mahayana ay paghimok ng mga buddha at bodhisattva.

Nabibilang ito sa mga pangunahing relihiyon sa mundo.

Ekspansiyon ng Budismo

Mga konseptong Budista

baguhin

Buhay at mundo

baguhin
 
Tradisyonal na Budistang Tibetan Thangka na nagpapakita ng Gulong ng Buhay na may mga anim nitong sakop.

Saṃsāra

baguhin

Ang Samsara ang "gulong ng kapanganakan at kamatayan".[15] Ang mga may kamalayaang nilalang ay nananabik sa pagnanasa at ayaw sa sakit mula kapanganakan hanggang kamatayan. Sa pagiging nakontrol ng mga saloobing ito, kanilang ipinagpapatuloy ang siklo ng may kondisyong pag-iral at pagdurusa (saṃsāra) at lumilikha ng mga sanhi at kondisyon ng susunod na muling kapanganakan pagkatapos ng kamatayan. Ang bawat muling kapanganakan ay nag-uulit ng prosesong ito sa isang hindi boluntaryong siklo na sinisikap ng mga Budistang wakasan sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga sanhi at kondisyong ito at naglalapat ng mga pamamaraang inilatag ni Buddha at ng mga kalaunang Budista.

Ang Karma (mula sa Sanskrit: "aksiyon, gawa") sa Budismo ang pwersa na nagtutulak sasaṃsāra na siklo ng pagdurusa at muling kapanganakan ng bawat nilalang. Ang mga mabuting may kasanayang mga gawa (Pāli: "kusala") at masama at walang kasanayang mga gawa (Pāli: "akusala") ay lumilikha ng mga binhi sa isipan na natutupad sa buhay na ito o sa kalaunang muling kapanganakan.[16] Ang pag-iwas sa hindi malusog na mga gawa at pagpapalago ng mga positibong gawa ay tinatawag na śīla (mula sa Sanskrit: "etikal na pag-aasal"). Sa Budismo, ang karma ay spesispikong tumutukoy sa mga aksiyon o gawa ng katawan, pananalita at kaisipan na lumilitaw mula sa layuning pang-isipan ("cetana"),[17] at nagdudulot ng isang kalalabasan o bunga (phala) o resulta (vipāka). Sa Budismong Theravāda, walang makadiyos na kaligtasan o kapatawan para sa karma ng isa dahil isang purong prosesong hindi personal na bahagi ng kabuuan ng uniberso. Sa Mahāyāna Budismo, ang mga teksto ng isang mga Mahayana sutra (gaya ng Lotus Sutra, Angulimaliya Sutra, at Nirvāṇa Sutra) ay nag-aangkin ng pagbibigkas o pakikinig lamang ng kanilang mga teksto ay maaaring bumura ng mga karma. Ang ilang mga anyo ng Budismo gaya ng Vajrayana ay tumuturing sa pagbibigkas ng mga mantra bilang paraan ng pagputol ng nakaraang negatibong karma.[18] Ang Hapones na Dalisay na Lupaing Gurong si Genshin ay nagturo na ang Amida Buddha ay may kapangyarihang wumasak ng karma na kundi ay magtatali ng isa sa saṃsāra.[4][5]

Muling kapanganakan

baguhin
 
Lugar ng kremasyon ni Gautama, Ramabhar Stupa sa Uttar Pradesh, India

Ang muling kapanganakan ay tumutukoy sa isang proseso kung saan ang mga nilalang ay dumadaan sa isang paghahali ng mga buhay bilang isa sa mga posibleng anyo ng may kamalayang buhay na ang bawat isa ay tumatakbo mula sa paglilihi hanggang sa kamatayan.[19] Itinatakwil ng Budismo ang mga konsepto ng isang permanenteng sarili o isang hindi nagbabago, walang hanggang kaluluwa gaya ng tinatawag sa Hinduismo at Kristiyanismo. Ayon sa Budismo, walang gayong bagay gaya ng isang sarili na hindi nakasalalay mula sa iba ng uniberso (anatta). Ang kapangakan sa mga kalaunang pag-iral ay dapat maunawaan bilang isang pagpapatuloy ng isang nagbabagong proseso ng nakasalalay na pag-ahon ("pratītyasamutpāda") na tinutukoy ng mga batas ng sanhi at epekto (karma) sa halip na ng sa isang nilalang na nasa transmigrasyon o nagiging laman mula sa isang pag-iral tungo sa susunod. Ang bawat muling kapanganakan ay nangyayari sa loob ng isa sa mga limang sakop ayon sa mga Theravadin o anim ayon sa ibang mga eskuwelang Budista.[20][21] Ang mga ito ay karagdagang nahahati sa 31 mga plano ng pagkakaroon:[22]

  1. Mga nilalang na Naraka: ang mga namuuhay sa isa sa mga Narakas (mga impiyerno).
  2. Preta: minsang nagsasalo ng ilang espasyo sa mga tao ngunit hindi nakikita ng karamihang mga tao; isang mahalagang bariasyon ng gutom na multo;[23]
  3. Mga hayop: nagsasalo ng espasyo sa mga tao ngunit itinuturing na ibang uri ng buhay
  4. Mga nilalang na tao: isa sa mga sakop ng muling kapanganakan kung saan ang pagkakamit ng Nirvana ay posible
  5. Asuras: iba't ibang isinalin bilang mababang mga diyos, mga demonyo, mga titan, mga antidiyos. Hindi kinikilala sa tradisyong Theravāda (Mahavihara) bilang isang hiwalay na sakop;[24]
  6. Mga Deva kabilang ang mga Brahmas: iba ibang isinalin bilang mga diyos, mga espirito, mga anghel o iniwang hindi isinalin.

Ang mga muling kapanganakan sa ilan sa mga mas mataas na kalangaitan na kilala bilang Mga daigdig na Śuddhāvāsa (Mga dalisay na tirahan) ay makakamit lamang ng mga may kasanayang tagapagsanay na Budistang kilala bilang mga anāgāmi (mga hindi bumabalik). Ang mga muling kapanganakan sa arupa-dhatu (mga walang anyong sakop) ay makakamit lamang ng mga makagpaninilay nilay sa mga arūpajhāna na pinakamataas na bagay ng pagninilay nilay. Ayon sa Budismong Tibetan, may isang pagitang estado (Bardo) sa pagitan ng isang buhay at susunod. Ang posisyong Ortodoksong Theravāda ay tumatakwil dito. Gayunpaman, may ilang mga talata sa Samyutta Nikaya ng Pali Canon na tila sumusuporta sa ideya na ang Buddha ay nagturo ng isang pagitang yugto sa pagita ng isang buhay at sa susunod.[25][26] Ang Pali Canon ay Tipiṭaka o ang Tatlong Buslo kung tawagin sa Theravāda. Ang Tipiṭaka ang Eskritura ng Theravāda.

Mga sanhi ng pagdurusa at solusyon

baguhin

Ang Apat na Maharlikang mga Katotohanan

baguhin

Ang mga katuruan tungkol sa Apat na mga Maharlikang Katotohanan ay itinuturing na sentral sa mga katuruan ng Budismo at sinasabing nagbibigay ng isang pangkonseptong balangkas para sa kaisipang Budista. Ang mga apat na katotohanan ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha (pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon), mga sanhi nito at kung paano ito mapaglalabanan. Ang mga apat na katotohanan ang: [a]

  1. Ang katotohanan ng dukkha (pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon)
  2. Ang katotohanan ng pinagmulan ng dukkha
  3. Ang katotohanan ng pagtigil ng dukkha
  4. Ang katotohanan ng landas tungo sa pagtigil ng dukkha

Ang unang katotohanan ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha na karaniwang isinasalin na pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon etc., at sinasabing may mga susumunod na tatlong aspeto:

  • Ang halatang pagdurusa ng karamdamang pisikal at pangkaisipan, pagtanda at pagkamatay
  • Ang kabalisaan o stree ng pagtatangkang kumapit sa mga bagay na patuloy na nagbabago at
  • isang kawalang satipaksiyon na laganap sa lahat ng mga anyo ng buhay sanhi ng katotohanan na ang lahat ng mga anyo ng buhay ay hindi permanente at patuloy na nagbabago [b]

Ang ikalawang katotohanan ay ang pinagmulan ng dukkha ay malalaman. Sa loob ng konteksto ng apat na maharlikang katotohan, ang pinagmulan ng dukkha ay karaniwang pinapaliwanag bilang pagnanasa (Pali: tanha) na kinondisyon sa kamangmangan (Pali: avijja).Sa isang mas malalim na antas, ang ugat na sanhi ng dukkha ay tinukoy na kamangmangan (Pali: avijja) ng tunay na kalikasan ng mga bagay. Ang ikatlong maharlikang katotohanan ay ang kumpletong pagtigil ng dukkha ay posible at ang ikaapat na katotohanan ay tumutukoy sa isang landas sa pagtigil na ito.[a]

Maharlikang Makawalong Landas

baguhin
 
Ang Dharmachakra ay kumakatawan sa Maharlikang Makawalong Landas.

Ang Maharlikang Makawalong Landas na ikaapat sa Apat na Maharlikang Katotohanan ay binubuo ng isang hanay ng walaong magkakaugnay na mga paktor o kondisyon na kapag sama samang pinaunlad ay tutungo sa pagtigil ng dukkha.[27] Ang walong mga paktor na ito ang: tamang pananaw o pagkaunawa, tamang layuini o tamang pag-iisip, tamang pananalita, tamang aksiyon, tamang pamumuhay, tamang pagsisikap, tamang kamatyagan, at tamang konsentrasyon. Inilarawan ni Ajahn Sucitto ang landa bilang "isang mandal ng magkakaugnay na mga paktor na sumuruporta at nagpapahinahon sa bawat isa."[27] Ang walong ma paktor ng landas ay hindi dapat maunawaan bilang mga yugto kung saan ang bawat yugto ay nakukumpleto bago ang pagusad sa susunod. Sa halip, ang mga ito ay nauunawaan bilang walong mahahalagang mga dimensiyon ng pag-aasal ng isang tao-pang-isipan, pangpananalita, at pangkatawan na gumagana sa pagsalaysay sa bawat isa. Kung pagsasamahin, ang mga ito ay naglalarawan ng isang kumpletong landas o paraan ng pamumuhay. [28]

Ang walong mga pakto ng landa ay karaniwang itinatanghal sa loob ng tatlong mga dibisyon o mas mataas na mga pagsasanay gaya ng ipinapakita sa ibaba:

Dibisyon Makawalong paktor Sanskrit, Pali Paglalarawan
Karunungan
(Sanskrit: prajñā,
Pāli: paññā)
1. Tamang pananaw samyag dṛṣṭi,
sammā ditthi
Pagtingin sa realidad kung ano ito at hindi lamang kung paano ito lumilitaw
2. Tamang layunin samyag saṃkalpa,
sammā sankappa
Layunin ng pagtakwil, kalayaan at pagiging hindi mapanganib
Pag-aasal na etikal
(Sanskrit: śīla,
Pāli: sīla)
3.Tamang pananalita samyag vāc,
sammā vāca
Pagsasalita sa makatotohanan at hindi nakasasakit na paraan
4. Tamang gawa samyag karman,
sammā kammanta
Paggawa o pag-aasal sa isang hindi nakapanganganib na paraan
5. Tamang pamumuhay samyag ājīvana,
sammā ājīva
Isang hindi nakapanganganib na pamumuhay
Konsentrasyon
(Sanskrit and Pāli: samādhi)
6. Tamang pagsisikap samyag vyāyāma,
sammā vāyāma
Pagsisikap na bumuti
7.Tamang kamatyagan samyag smṛti,
sammā sati
Kamalayan na makita ang mgabagay kung ano ang mga ito nang may malinis na kamalayan
pagiging may kamalayan sa kasalukuyang realidad sa loob ng sarili nang walang anumang pananabik o pag-ayaw
8. Tamang konsentrasyon samyag samādhi,
sammā samādhi
Tamang pagninilay-nilay o konsentrasyon na ipinaliwanag bilang ang unang apat na jhānas

Ang mga apat na hindi masusukat

baguhin
 
Estatwa ni Buddha sa Templong Puji sa islang Putuo Shan sa Tsina.

Habang kanyan hinahanap ang kaliwanagan, pinagsama ni Gautama ang kasanayang yoga ng kanyang gurong si Kalama sa kalaunang nakilala bilang "ang mga hindi masusukat".[29] [alanganin] Sa gayo'y nag-imbento si Gautama ng isang bagong uri ng tao, isa na walang egotismo.[29] [alanganin] Ang tinatawag ni Thich Nhat Hanh na "mga apat na hindi masusukat na kaisipan" ng pag-ibig, kahabagayan, kalagakan at kahinahunan [30] ay kilala rin bilang mga brahmavihara, mga tirahan ng diyos o simpleng ang apat na mga hindi masusukat.[31] Tinawag ni Pema Chödrön ang mga ito na "Mga apat na walang hangganang isa" .[32] Sa apat, ang mettā o mapagmahal na pagmumuni-muni ay marahil ang pinakakilala.[31] Ang mga apat na hindi masusukat ay tinuturo bilang isang anyo ng pagninilay-nilay na nagpapalago ng malusog na mga saloobin tungo sa lahat ng mga may kamalayang nilalang.[33] Ang nagsasanay ay nananalangin na:

  1. Nawa'y ang lahat ng mga may kamalayang nilalang ay magkaroon ng kaligayan at mga sanhi nito,
  2. Nawa'y ang lahat ng mga may kamalayang nilalang ay maging malaya sa pagdurusa at mga sanhi nito,
  3. Nawa'y ang lahat ng mga may kamalayang nilalang ay hindi kailanman mahiwalay sa sukdulang kaligayahan nang walang pagdurusa,
  4. Nawa'y ang lahat ng mga may kamalayang nilalagan ay nasa kahinahunan, malaya sa pagkiling, pagkatali at galit.[34]

Gitnang Daan

baguhin

Ang isang mahalagang gumagabay na prinsipyo ng kasanayang Budista ang Gitnang Daan o Gitnang Landas na sinasabing natuklasan ni Gautama Buddha bago ang kanyang kaliwanagan. Ang Gitnang Daan ay may ilang mga kahulugan:

  1. Ang kasanayan ng hindi-kalabisan: isang landas ng kahinahunan mula sa mga kasukdulan ng pagpapakasasa sa sarili at mga mortipikasyon sa sarili;
  2. Ang gitnang posisyon sa pagitan ng isang mga pananaw na metapisikal (halimbawa na ang ang mga bagay ay huling umiiral o hindi);[35]
  3. Isang paliwanag ng Nirvāṇa (sakdal na kaliwanagan) na isang estado kung saan nagiging maliwanag na ang lahat ng mga dualidad na maliwanag sa mundo ay delusoryo (tingnan ang Seongcheol);
  4. Isa pang termino para sa kawalang laman na huling kalikasan ng lahat ng mga phenomena (sa sangay na Mahayana) na isang kawalan ng likas na pag-iral na umiiwas sa mga mga kasukdulan ng pagiging permanente at nihilismo o likas na pag-iral at kawalan.

Kalikasan ng pag-iral

baguhin
 
Ang mga nagdedebateng monghe sa Monasteryong Sera, Tibet

Ang mga skolar na Budista ay lumikha ng isang kahanga-hangang bilang ng mga teoriyang pang-intelektuwal, gayundin ang mga pilosopiya at mga konsepto ng pananaw ng daigdig (halimbawa, tingnan ang Abhidharma, Pilosopiyang Budista at Realidad sa Budismo). Ang ilang mga eskuwela ng Budismo ay hindi humihikayat ng pag-aaral ng doktrina at ang ilan ay tumuturing ditong isang mahalagang kasanayan. Ang konsepto ng kalayaan (nirvāṇa) na layunin ng landas na Budista ay malapit na nauugnay sa pananaig sa kamangmangan (avidyā) na isang pundamental na maling pagkaunawa o maling pagkatanto ng kalikasan ng realidad. Sa paggising ng tunay na sarili at lahat ng phenomena, ang isa ay nagpapaunlad ng walang pagkiling para sa mga bagay ng pagkapit at napapalaya mula sa siklo ng pagdurusa (dukkha) at sa siklo ng walang tigil na mga muling kapanganakan (saṃsāra). Upang makamit ito, ang Buddha ay nagrekomiyenda ng pagtingin sa mga bagay gaya ng inilalarawan ng mga tatlong marka ng pag-iral.

Mga Tatlong Marka ng Pag-iral

baguhin

Ang mga tatlong marka ng pag-iral ang pagiging hindi permanente, pagdurusa at hindi-sarili. Ang pagiging hindi permanente (Pāli: anicca) ay naghahayag ng ideyang Budista na ang lahat ng mga pinagsama o kinondisyong phenomena (sankhara) na lahat ng mga bagay at karanasan ay nagbabago, hindi matatag at hindi permanente. Ang lahat ng ating nararasan sa pamamagitan ng ating mga pandama ay binubuo ng mga bahagi at ang pag-iral nito ay nakasalalay sa mga panlabas na kondisyon. Ang bawat bagay ay nasa patuloy na pagbabago at kaya ang mga kondisyon at mismong bagay ay patuloy na nagbabago. Ang mga bagay ay patuloy na nagiging at humihintong maging. Dahil walang bagay ang tumatagal, walang likas o nakatakdang kalikasan ng bagay o karanasan. Ayon sa doktrina ng pagiging hindi permanente, ang buhay ay kumakatawan sa pagbabagong ito sa proseso ng pagtanda, ang siklo ng muling kapanganakan (saṃsāra) at sa anumang karanasan ng kawalan. Ang doktrinang ito ay nagsasaad na dahil ang mga bagay ay hindi permanente, ang pagkatali sa mga ito ay walang kabuluhan at humahantong sa pagdurusa (dukkha).

Ang pagdurusa (Pāli: दुक्ख dukkha; Sanskrit दुःख duḥkha) ay isa ring sentral na konsepto sa Budismo. Ang salitang ito ay tinatayang tumutugon sa ilang mga termino sa Tagalog kabilang "pagdurusa," "kirot," kawalang satipaksiyon, kapighatian, paghihirap, kabalisaan, istres at pagkasiphayo. Bagaman ang terminong ito ay kadalasang isinasalin bilang "pagdurusa," ang pilosopikal na kahulugan nito ay mas katulad ng kawalang katihimkan gaya ng pagiging nagulo. Sa gayon, ang "pagdurusa" ay napakakitid na sali na may mga negatibong emosyonal na konotasyon [36] na nagbibigay impresyon na ang pananaw na Budista ay pesimistiko. Gayunpaman, ang Budisma ay naghahangad na maging hindi pesimistiko o optimistiko kundi maging realistiko.[37][38][39]

Ang Hindi-sarili (Pāli: anatta; Sanskrit: anātman) ang ikatlong marka ng pag-iral. Sa maingat na pagsisiyasat, matatagpuan ng isa na walang phenomenon ang tunay na "Ako" o "Akin". Ang mga konseptong ito ay katunayang nilikha ng isipan. Sa Nikayas, ang anatta ay hindi nangangahulugan bilang isang paghahayag na metapisikal ngunit bilang isang pakikitungo sa pagkakamit ng kalayaan mula sa pagdurusa. Sa katunayan, itinakwil ni Buddha ang parehong mga paghahayag na metapisikal na "Ako ay may Sarili" at "Ako ay walang Sarili" bilang ontolohikang mga pananaw na nagtatali ng isa sa pagdurusa.[40] Kapag tinanong kung ang sarili ay katulad ng katawan, si Buddha ay tumangging sumagot. Sa pagsisiyasat ng patuloy na nagbabagong mga bahaging pisikal at pang-isipan (mga skandha) ng isang tao o isang bagay, ang nagsasanay ay dumarating sa konklusyong hindi ang mga respektibong bahagi o hindi ang tao bilang isang buo ay bumubuo sa sarili.

Nakasalalay na paglitaw

baguhin

Ang doktrina ng pratītyasamutpāda (Sanskrit; Pali: paticcasamuppāda; Tibetan: rten.cing.'brel.bar.'byung.ba; Tsino: 緣起) ay isang mahalagang bahagi ng metapisikang Budista. Ito ay nagsasaad na ang phenomena ay sama-samang lumilitaw sa isang parehong magkakaugnay na sapot ng sanhi at epekto. Ito ay iba ibang isinalin sa Ingles bilang "nakasalalay na pagmumula", "konondisyong henesis," "nakasalalay na kapwa-paglitaw," "magkakaugnay na paglitaw," o "kontinhensiya." Ang pinakamahusay na kilalang aplikasyon ng konsepto ng pratītyasamutpāda ang skema ng Labindalawang Nidānas (mula sa Pāli na "nidāna" na nangangahulugang "sanhi, pundasyon, pinagmulan") na nagpapaliwanag ng pagpapatuloy ng siklo ng pagdurusa at muling kapanganakan (saṃsāra) sa detalye.[41]

Ang mga Labindalawang Nidānas ay naglalarawan ng isang nagsasanhing ugnayan sa pagitan ng mga kalaunang katangian o kondisyon ng siklikong pag-iral na ang bawat isa ay nagpapalitaw sa susunod:

  1. Avidyā: kamangmangan na spesipikong kamangmangang espiritwal ng kalikasan ng realidad;[42]
  2. Saṃskāras: literal na mga pagkakabuo na ipinapaliwanag na tumutukoy sa karma;
  3. Vijñāna: kamalayan na spesipikong nagtatangi;[43]
  4. Nāmarūpa: literal na pangalan at anyo na tumutukoy sa isipan at katawan ;[44]
  5. Ṣaḍāyatana: ang mga baseng anim na pandama: mata, tenga, dila, katawan at isipan-organo;
  6. Sparśa: iba ibang isinalin na ugnayan, impresyon, stimulasyon (ng isang pandamang bagay);
  7. Vedanā: karaniwang isinasaling pakiramdam; ito ang tonong hedoniko, i.e. kahit ang isang bagay ay kanais nais, hindi kanais naisa o neutral;
  8. Tṛṣṇā: literal na uhaw ngunit sa Budismo ay halos palaging ginagamit upang pakahulugang pagnanasa o pananabik;
  9. Upādāna: pagkapit; ang salitang ito ay nangangahulugan ring panggatong na nagpapakain sa patuloy na siklo ng muling kapanganakan;
  10. Bhava: literal na pagiging (pag-iral) o nagiging. Ang Theravada ay nagpapaliwanag nito bilang may dalawang mga kahulugan: karma na lumilikha ng isang bagong pag-iral at mismong pag-iral.;[45]
  11. Jāti: literal na kapanganakan, ngunit ang buhay ay nauunawaan bilang nagsisimula sa paglilihi;[46]
  12. Jarāmaraṇa: (matandang edad at kamatayan) at śokaparidevaduḥkhadaurmanasyopāyāsa rin (kapighatian, panaghoy, kirot, kalungkutan at kahirapan).

Ang mga may kamalayang nilalang ay palaging nagdurusa sa buong saṃsāra hanggang sa mapalaya nila ang kanilang mga sarili mula sa pagdurusang ito sa pamamagitan ng pagkakamit ng Nirvana. Kung gayon ang kawalan ng unang Nidāna o kamangmangan ay humantong sa kawalang ng iba pa.

Kawalang laman

baguhin

Ang Budismong Mahāyāna ay tumanggap ng isang malaking saligang teoretikal mula kay Nagarjuna (marahil c. 150–250 CE) na mapangatwiranang ang pinakamaimpluwensiya (most influential) na skolar sa loob ng tradisyong Mahāyāna. Ang pangunahing ambag ni Nagarjuna sa pilosopiyang Budista ang sistemang pagpapaliwanag ng konsepto ng śūnyatā o "kawalang laman" na malawakang pinatutunayan sa mga sutra na Prajñāpāramitā na lumitaw sa kanyang kapanahunan. Ang konsepto ng kawalang laman ay nagsasama ng ibang mga mahahalagang doktrinang Budista partikular na ang anatta at pratītyasamutpāda (nakasalalay na pagmumula) upang pabulaan ang metapisika ng Sarvastivada and Sautrantika (mga hindi na umiiral na eskuwelang hindi Mahāyāna). Para kay Nagarjuna, hindi lamang ang mga may kamalayang nilalang ang walang laman sa ātman. Ang lahat ng mga (dharmas) ay walang anumang svabhava (literal na "sariling kalikasan" o "sarili-kalikasan") at kaya ay walang pundamental na esensiya. Ang mga ito ay walang laman ng pagigign hindi nakasalalay. Kaya ang mga teoriyang heterodokso ng svabhava na kumakalat sa panahong ito ay pinabulaanan sa basehan ng mga doktrina ng maagang Budismo. Ang eskwela ng pag-iisip ni Nagarjuna ay kilala bilang Mādhyamaka. Ang ilang mga kasulatang itinuro kay Nagarjuna ay hayagang nagreperensiya sa mga tekstong Mahayana ngunit ang kanyang pilosopiya ay ikinatwiran sa loob ng mga parametrong inilatag ng agamas. Maaring dumating siya sa kanyang mga posisyon mula sa pagnanais na makamit ang isang magkakaayon na eksehesis ng doktrina ni Buddha gaya ng itinala sa Kanon ng Budismo. Sa mga mata ni Nagarjuna, si Buddha ay hindi lamang ang ninuno ngunit ang pinakanagtatag ng sistemang Mādhyamaka.[47]

Ang mga katuruang Sarvastivada na binatikos ni Nāgārjuna ay muling pinormula ng mga skolar gaya nina Vasubandhu at Asanga at inangkop sa eskuwelang Yogacara (Sanskrit: kasanayang yoga. Bagaman ang eskuwelang Mādhyamaka ay naniwalang ang paghahayag ng pag-iral o hindi pag-iral ng anumang huling tunay na bagay ay hindi angkop, ang ilang mga tagapagtaguyod ng Yogacara ay naghayag na ang isipan at tanging ang isipan ang huling tunay (na isang doktrinang kilala bilang cittamatra). Hindi lahat ng mga Yogacarin ay naghayag na ang isipan ay tunay na umiiral gaya nina Vasubandhu at Asanga .[48] Ang dalawang paaralang ito ng pag-iisip, sa oposisyon o pagbubuo, ay bumubuo ng batayan ng kasunod na metapisikang Mahāyāna sa tradisyong Indo-Tibetan.

Bukod sa kawalang laman, ang mga eskuwelang Mahāyāna ay kadalasang nagbibigay diin sa mga ideyang sinakdal na kabatirang espiritwal (prajñāpāramitā) at kalikasang Buddha (tathāgatagarbha). May mga magkakasalungat na interpretasyon ng tathāgatagarbha sa pananaw na Mahāyāna. Ang ideya ay maaaring bakasin mula kay Abhidharma at sa huli sa mga pahayag ni Buddha sa Nikāyas. Sa Budismong Tibetan, ayon sa eskuwelang Sakya, ang tathāgatagarbha ang pagiging hindi mawawalay ng kalinawan at kawalang laman ng isipan ng isa. Sa Nyingma, ang tathāgatagarbha ay pangkalahatang tumutukoy rin sa pagiging hindi mawawalay ng kalinawan at kawalang laman ng isipan ng isa. Ayon sa eskuwelang Gelug, ito ang potensiyal para sa mga may kamalayang nilalang na magising dahil sila ay walang laman (i.e. nakasalalay na nagmula). Ayon sa eskuwelang Jonang, ito ay tumutukoy sa likas na mga kalidad ng isipan na naghahayag ng kanilang mga sarili bilang omnisiyensiya atbp. kapag ang panlabas na na mga pagkukubli ay naalis. Ang "Tathāgatagarbha Sutras" ay isang kalipunan ng mga sutra na Mahayana na nagtatanghal ng isang walang katulad na modelo ng kalikasang-Buddha. Bagaman ang kalipunang ito ay pangkalahatang hindi pinapansin sa India,[49] Ang Budismong Silangang Asya ay nagbibigay ng ilang kahalagahan sa mga tekstong ito.

Kalayaan

baguhin

Nirvana

baguhin
 
Templong Mahabodhi sa Bodhgaya, India, kung saan nakamit ni Gautama Buddha ang Nirvana sa ilalim ng Punong Bodhi (kaliwa).

Ang Nirvāṇa (Sanskrit; Pali: "Nibbāna") ay nangangahulugang "pagtigil," "ekstingksiyon" (ng pagnanasa at kamangmangan at kaya ang pagdurusa at ang siklo ng hindi boluntaryong mga muling kapanganakan (saṃsāra) ay "napawi," "napatahimik," "napahinahon." Ito ay kilala rin bilang "Paggising" o "Kaliwanagan" sa Kanluranin. Ang termino para sa kaninuman na nagkamit ng nirvana kabilang si Buddha ay arahant.

Ang Bodhi (Pali at Sanskrit, sa devanagari: बोधि) ay isang terminong nilalapat sa karanasan ng mga Pagliliwanag ng mga arahant. Ang Bodhi ay literal na nangangahulugang "paggising" ngunit karaniwang isinasalin sa Ingles bilang "kaliwanagan". Sa "Maagang Budismo", ang bodhi ay may kahulugang kasing kahulugan ng nirvāṇa gamit lamang ang ilang mga iba ibang metapora upang ilarawan ang karanasan na nagpapahiwatig ng pagpawi ng raga(kasakiman, pagnanasa o pananabik),[50] dosa (poot, pag-ayaw)[51] at moha (delusyon).[52] Sa mga kalaunang eskuwela ng Budismong Mahāyāna, ang katayuan ng nirvāṇa ay ibinaba sa ilang mga kasulatan na naging tumutukoy lamang sa pagpawi ng kasakiman at poot na nagpapahiwatig na ang delusyon ay umiiral pa rin sa isa na nagkamit ng nirvana at ang isang ito ay nangangailangang makamit ang bodhi upang malipol ang delusyon. Kaya ayon sa Budismong Mahāyāna, ang arahant ay nagkamit lamang ng nirvāṇa at kaya ay nasa ilalim pa rin ng delusyon samantalang ang bodhisattva ay hindi lamang nagkakamit ng nirvāṇa kundi pati ang buong kalayaan mula sa delusyon. Kaya kanyang nakakamit ang bodhi at nagiging buddha. Sa Budismong Theravāda, ang bodhi at nirvāṇa ay may parehong kahulugan sa mga sinaunang teksto na pagiging malaya mula sa kasakiman, poot at delusyon. Ang terminong parinirvāṇa (Sanskrit; Pali: parinibbāna) ay naeengkuwentro rin sa Budismo, at ito ay pangkalahatang tumutukoy sa kompletong Nirvāṇa na nakamit ng arahant sa sandali ng kanyang kamatayan kapag ang pisikang katawan ay namatay.

Mga Buddha

baguhin

Ayon sa mga tradisyong Budista, ang isang Buddha ay isang buong nagising na nilalang na kumpletong nadalisay sa kanyang isipan ng mga tatlong lason ng pagnanasa, pag-ayaw at kamangmangan. Ang isang Buddha ay hindi na nakatali sa Samsara at nagwakas ng pagdurusa na nararanasan sa buhay ng mga hindi nagising na tao. Hindi itinuturing ng mga Budista si Siddhartha Gautama na ang tanging Buddha. Ang Pali Canon ay tumutukoy sa mga nakaraang isa (tingnan ang Talaan ng 28 mga Buddha) samantalang ang tradisyong Mahayana ay karagdagang may maraming mga Buddha sa pangkalawakan sa halip na historikal na pinagmulan (tingnan ang Amitabha o Vairocana bilang mga halimbawa, para sa mga talaan ng maraming mga libong pangalang Buddha, tingnan ang Taisho Shinshu Daizokyo mga bilang 439–448). Ang isang karaniwang paniniwalang Budistang Theravāda at Mahāyāna ay ang susunod na Buddha ang isa na pinangalanang Maitreya (Pali: Metteyya).

Ayon sa Theravāda
baguhin

Sa doktrinang Theravāda, ang isang tao ay maaaring magising mula sa "pagtulog ng kamangmangana" sa pamamagitan ng direktang pagtanton ng tunay na kalikasan ng realidad. Ang gayong mga tao ay tinatawag na mga arahant at minsang tinatawag na mga buddha. Pagkatapos ng maraming pang-buhay na pagsisikap na espiritwal, kanilang naabot ang wakas ng siklo ng muling kapanganakan at hindi na nagrereinkarnasyon bilang tao, hayop, multo o ibang nilalang. Ang mga komentaryo ng Kanon na Pali ay nag-uuri ng mga nagising na nilalang na ito sa mga tatlong uri:

  • Ang Sammasambuddha na karaniwang tinatawag lamang Buddha na tumutuklas ng katotohanan sa kanyang sarili at nagtuturo ng landas ng paggising sa mga iba pa.
  • Ang Paccekabuddha na tumutuklas ng katotohanan sa kanyang sarili ngunit walang kasanayan na magturo ng mga iba pa.
  • Ang Savakabuddha na tumatanggap ng katotohanan nang direkta o hindi direkta mula sa isang Sammasambuddha

Ang Bodhi at Nirvāṇa ay may parehong kahulugan na ng pagiging malaya mula sa pagnanasa, poot at delusyon. Sa pagkakamit ng bodhi, ang arahant ay nanaig sa mga balakid na ito. Bilang karagdagang pagtatangi, ang pagpawi lamang ng poot at kasakiman sa kontekstong pandama na may ilang nalalabi ng delusyon ay tinatawag na anagami.

Ayon sa Mahāyāna
baguhin
 
Ang Dakilang Estatwa ng Buddha Amitabha sa Kamakura, Hapon

Sa Budismong Mahāyāna, ang Buddha ay hindi nakikita bilang isa lamang tao kundi isang proheksiyong pangmundo ng walang pasimula at walang wakas na omnipresenteng nilalang (tignan angDharmakaya) na lagpas sa saklaw at pagkaabot ng pag-iisip. Sa karagdagan. sa mga sutra na Mahāyāna, ang Budha, Dharma at Sangha ay likas na nakikitang Isa: ang lahat ng tatlogn ito ay nakikita bilang ang mismong walang hanggang Buddha.

Ang kamatayan ni Buddha ay nakikita bilang isang ilusyon. Siya ay nabubuhay sa ibang mga plano ng pag-iral at kaya ang mga monghe ay pinapayagang mag-alok ng "mga bagong katotohanan" batay sa kanyang input. Ang Mahāyāna ay iba rin mula sa Theravāda sa mga konsepto nito ng sunyata (na sa huli walang bagay ang may pag-iral) at sa paniniwala nito ng mga bodhisattva (na mga naliwanagang tao na nangao na muling ipapanganak hanggang sa ang lahat ng mga nilalang ay maliwanagan).[53]

Ang mga pangkalawakang Buddha ang mga indbidwal na hindi na umiiral sa materyal na plano ng pag-iral ngunit tumutulong pa rin sa kaliwanagan ng mga nilalang.

Ang Nirvana ay tumutukoy lamang sa pagpawi ng kasakiman at poot na nagpapahiwatig na ang delusyon ay umiiral pa rin sa nagkamit ng Nirvāṇa. Ang Bodhi ay naging mas mataas na pagkakamit na lumilipol ng buong delusyon.[54] Kaya ang Arahant ay nagkakamit ng Nirvāṇa ngunit hindi ng Bodhi at kaya ay napapailalim pa rin sa delusyon samantalang ang Buddha ay nagkakamit ng Bodhi.

Ang pamamaraan ng paglalapat ng sarili o kapangyarihang-sarili ng hindi umaasa sa panlabas na pwersa o nilalang ay salungat sa isa pang pangunahing anyo ng Budismo na Budismong Dalisay na Lupain na nilalarawan ng pinasukdulang pagtitiwala sa nakapagliligtas na "ibang kapangyarihan" ng Amitabha Buddha. Ang Budismong Dalisay na Lupain ay nakasentro sa kombiksiyon na ang pananampalataya sa Amitabha Buddha at pag-awit ng paggalang sa kanyang pangalan ay nagpapalaya sa isa sa kamatayan tungo sa Lubos na Kagalakan, Dalisay na Lupain ni Amitabha Buddha. Ang sakop na ito ay iba ibang pinapakahulugan bilang isang paunang paglasap ng Nirvāṇa o mismong ang Nirvāṇa. Ang dakilang panata ni Amitabha Buddha na iligtas ang lahat ng nilalang mula sa pagdurusang samsariko ay nakikita sa loob ng Budismong Dalisay na Lupain bilang pangkalahatang epektibo kung ang isa ay may pananampalataya lamang sa kapangyarihan ng panatang ito o umaawit sa kanyang pangalan.

Mga kapanahunang Buddha

baguhin

Ang mga Budista ay naniniwalang si Gautama Buddha ang unang nagkamit ng kaliwanagan sa kapanahunang Buddhang ito at kaya ay kinikilang tagapagtatag ng Budismo. Ang isang kapanahunang Buddha ang saklaw ng kasaysayan kung saan naaalala at sinasanay ng mga tao ang mga katuruan ng pinakamaagang alam na Buddha. Ang kapanuhanang Buddhang ito ay magwawakas kapag ang lahat ng kaalaman, ebidensiya at mga katuruan ni Gautama Buddha ay naglaho. Kaya ang paniniwalang ito ay nagsaaad na maraming mga kapanahunang Buddha ang nagsimula at nagwakas sa buong kurso ng pag-iral ng tao. Kung gayon, si Gautama Buddha ang Buddha ng kapanahunang ito na direkta o hindi direktang nagturo sa lahat ng ibang mga Buddha dito. Sa karagdagan, ang mga Budistang Mahayana ay naniniwalang mayroong hindi mabibilang na ibang mga Buddha sa ibang mga uniberso. Ang isang komentaryong Theravada ay nagsasabi na ang mga Buddha ay lumilitaw ng isa isa sa elementong mundong ito at hindi sa mga iba. Ang mga pagkaunawa ng bagay na ito ay sumasalamin sa malawak na iba ibang mga interpretasyon ng mga basikong temrino gaya ng "sakop na daigdig" sa pagitan ng iba't ibang mga eskwela ng Budismo. Ang ideya ng pagbagsak at unti unting paglaho ng katuruan ay naging maimpluwensiya (influential) sa Budismong Silangang Asya. Ang Budismong Dalisay na Lupain ay naniniwala na ito ay bumagsak sa puntong ang ilan ang may kakayahang sumunod sa landa kaya mahusay na umasa sa kapangyarihan ng Amitabha Buddha.

Mga Bodhisattva

baguhin

Ang Bodhisattva ay nangangahulugang "nilalang ng kaliwanagan" at pangkalahatang tumutukoy sa isa na nasa landas ng pagka-Buddha. Sa tradisyon, ang isang bodhisattva ay sinuman na inuudyokan ng malaking kahabagan ay lumikha ng bodhicitta na isang kusang loob na kahilingan na makamit ang pagka-buddha para sa kapakinabangan ng lahat ng mga may kamalayang nilalang. Pangunahing ginagamit ng Budismong Theravada ang terminong ito nang maykaugnayan sa mga nakaraang pag-iral ni Gautama Buddha ngunit tradisyonal na kumikilala at gumagalang rin sa landas na bodhisattva. Ayon kay Jan Nattier, ang terminong erm Mahāyāna ("Dakilang sasakyan") ay orihinal na honoraryong kasingkahulugan para sa Bodhisattvayāna, "Sasakyang Bodhisattva." Ang Aṣṭasāhasrikā Prajñāpāramitā Sūtra, na isang maaga at mahalagang tekstong Mahayana ay naglalaman ng isang simple at maikling kahulugan ng terminong bodhisattva:

Dahil siya ay may kaliwanagan bilang kanyang layunin, ang isang bodhisattva-mahāsattva ay tinatawag na gayon.

Hinihikayat ng Budismong Mahayana ang bawat isa na maging mga bodhisattva at kunin ang mga pantang bodhisattva. Sa mga panatang ito, ang isa ay gumagawa ng pangako na gagawa para sa kumpletong kaliwanagan ng lahat ng mga nilalang sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga anim na kasakdalan (Skt. pāramitā). Ayon sa mga katuruang Mahāyāna, ang mga kasakdalan o perpeksiyong ito ang: pagbibigay, disiplina, pagtitiis, pagsisikap, pagninilay-nilay at transendenteng karunungan.

Kasanayan

baguhin

Debosyon

baguhin

Ang debosyon ay isang mahalagang bahagi ng pagsasanay para sa karamihan ng mga Budista.[55] Ang mga kasanyang debosyonal ay kinabibilangan ng pagyuko, mga paghahandog, pilgrimahe at pag-awit. Sa Budismong Dalisay na Lupain, ang debosyon kay sa Buddha Amitabha ang pangunahing kasanayan. Sa Budismong Nichiren, ang debosyon sa Lotus Sutra ang pangunahing kasanayan.

 
Estatwa ng Buddha sa posisyong pagninilay-nilay, Haw Phra Kaew, Vientiane, Laos

Ang Budismo ay tradisyonal na nagsasama ng mga estado ng pagsipsip na pagninilay-nilay; Skt: dhyāna).[56] Ang karamihan ng sinaunang pinagpatuloy na ekspresyon ng mga ideyang yogiko ay matatagpuan sa mga maagang sermon ni Buddha.[57] Ang isang mahalagang makabagong katuruan ni Buddha ay ang pagsipsip na pagninilay-nilay ay dapat isama sa nagpapalayang kognisyon.[58] Ang mga estadong pagninilay-nilay ay hindi lamang ang wakas sapagkat ayon kay Buddha, kahit ang mga pinakamataas na estadong pagninilay-nilay ay hindi nakakapagpalaya. Sa halip na pagkakamit ng isang kumpletong pagtigil ng isipan, ang isang uri ng gawaing pang-isipan ay dapat mangyari: isang nakakapagpalayang kognisyon sa kasanayan ng mapagmatyag na kamalayan.[59]

Ang pagnilay-nilay ay isang aspeto ng kasanayan ng mga yogi sa loob ng mga siglo na nauna kay Buddha. Si Buddha ay sumalig sa pagkabahala ng mga yogi sa introspeksiyon at nagpaunlad ng kanilang mga pamamaraang pagnilay-nilay ngunit nagtakwil ng kanilang mga teoriya ng kalayaan.[60] Sa Budismo, ang kamatyagan at malinaw na kamalayan at dapat paunlarin sa lahat ng mga pagkakataon. Sa mga kasanayang yogiko bagao ang Budismo, walang gayong kautusan .Halimbawa, ang yogi sa tradisyong Brahmanikal ay hindi magsanay habang dumudumi samantalang ang monastikong Budista ay dapat gawin ito.[61]

Ang kaalamang panrelihiyon o "pangitain" ay ipinakitang resulta ng kasanayan sa parehong loob at labas ng kawan. Ayon sa Samaññaphala Sutta, ito ay lumilitaw para sa may kasanayang Budista bilang resulta ng kasakdalang ng pagnilay-nilay na sinamahan ng kasakdalan ng displina (Pali sīla; Skt. śīla). Ang ilan sa mga pamamaraang pagninilay-nilay ni Buddha ay pinagsasaluhan sa ibang mga tradisyon ng kanyang panahon ngunit ang ideya na ang etika ay kaswal na nauugnay sa pagkakamit ng transendenteng karunungan (Pali paññā; Skt. prajñā) ay orihinal.[62]

Ang mga tekstong Budista ang malamang na pinakamaagang naglalarawan ng mga pamamaraang pagnilay-nilay.[63] Ang mga ito ay naglalarawan ng mga kasanayang pagnilay-nilay at mga estado na umiral bago kay Buddha gayundin ang mga unang nabuo sa loob ng Budismo.[64] Ang dalawang mga Upanishad na isinulat pagkatapos ng paglitaw ng Budismo ay naglalaman ng buong mga paglalarawan ng yoga bilang isang paraan ng kalayaan.[65]

Pagkanlong sa mga Tatlong Hiyas

baguhin
 
Relikong nagpapakita ng bakas ng paa ni Buddha na may Dharmachakra at triratna, unang siglo CE, Gandhāra.

Sa tradisyon, ang unang hakbang sa karamihan ng mga eskwelang Budista ay nag-aatas ng pagkakanlong sa Tatlong Hiyas (Sanskrit: tri-ratna, Pāli: ti-ratana)[66] bilang saligan ng kasanyang panrelihiyon ng isang tao Ang kasanayan ng pagkakanlong sa ngalan ng isang bata o kahit sa hindi pa naipapanganak na bata ay binanggit [67] sa Majjhima Nikaya na kinikilala ng karamihan ng mga skolar na isang maagang teksto (ihambing sa bautismo ng sanggol). Ang Budismong Tibetano ay minsang nagdaragdag ng isang ikaapot na kanlungan, sa lama. Sa Mahayana, ang taong pumipili sa landas na bodhisattva ay gumagawa ng isang panata na itinuturing na huling paghahayag ng kahabagan. Sa Mahayana, ang Tatlong Hiyas ay natatanto bilang sinasapian ng walang hanggan at hindi nagbabagong esensiya at bilang mayroong hindi mababaliktad na epekto.[68]

Ang mga Tatlong Hiyas ang:

  • Ang Buddha. Ito ang pamagat para sa mga nagkamit ng Nirvana. Ang Buddha ay maaari ring makatawan bilang isang konsepto sa halip na isang spesipikong tao: ang sakdal na karunungan na nakakaunawa sa Dharma at nakakakita ng realidad sa tunay nitong anyo. Sa Budismong Mahayana, ang Buddha ay maaaring makita bilang isang supremang Kanlungan: "Ang Buddha ang walang katulad na Absolutong Kanlungan. Ang Buddha ang hindi Nasisira, Walang Hanggang, Hindi Mawawasak at Absolutong Kanlungan."[69]
  • Ang Dharma. Ang mga katuruan o batas ng kalikasan na ipinaliwanag ni Gautama Buddha. Ito ay maaari ring magpahiwatig lalo na sa Mahayana ng huli at nagpapatuloy na Realidad na hindi mawawalay mula kay Buddha. Sa karagdagan, para sa ilang mga perspektibong Mahayana, ang Dharma na kinatawan sa anyo ng isang dakilang sutra (kasulatang Budhiko) ay maaaring pumalit sa pangangailangan ng personal na guro at maaaring isang direkta at kusang loob na pasukan tungo sa Katotohanan (Dharma). Ito ay sinasabing ang kaso sa Lotus Sutra.[70]

Ayon sa mga kasulatang Budista, itinanghal ni Gautama Buddha ang kanyang mismong sarili bilang isang modelo. Ang Dharma ay nag-aalok ng isang kanlungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gabay para sa pagpapaginhawa ng pagdurusa at pagkakamit ng Nirvana. Ang Sangha ay itinuturing na nagbibigay ng isang kanlungan sa pamamagitan ng pag-iingat ng mga tunay na katuran ni Buddha at pagbibigay ng mga karagdagang halimbawa na ang katotohanan sa mga katuruan ni Buddha ay makakamit.

Etikang Budista

baguhin
 
Estatwa ni Gautama Buddha, unang siglo CE, Gandhara. (Musée Guimet)

Ang Śīla (Sanskrit) o sīla (Pāli) ay karaniwang isinasalin sa Ingles bilang "birtuosong pag-aasal," "moralidad," "etika," o "patakaran." Ito ay isang kilos na ginagawa sa pamamagitan ng katawan, pananalita, o isipan, at kinasasangkutan ng isang intensiyonal na pagsisikap. Ito ang isa sa mga tatlong kasanayan (śīla, samadhi, at panya) at ang ikalawang pāramitā. Ito ay tumutukoy sa isang kadalisayang moral ng pag-iisip, pananalita at gawa. Ang mga apat na kondisyon ng śīla ang kalinisan, kahinahunan, tahimik at pagpapawi.

Ang Śīla ang saligan ng Samadhi/Bhāvana (kultibasyong pagninilay-nilay) o kultibasyon ng isipan. Ang pagsunod sa mga patakaran ay nagtataguyod ng hindi lamang kapayapaan ng kaisipan ng nagpapalago na panloob kundi pati kapayapaan sa pamayanan na panlabas. Ayon sa Batas ng Karma, ang pagsunod sa mga patakaran ay kapuri puri at umaasal bilang mga sanhi na magdudulot ng kapayapaan at mga epektong maligaya. Ang pagsunod sa mga kautusang ito ay pumipigil sa nagpapalago mula sa muling kapanganakan sa mga apat na kaaba-abang mga sakop ng pag-iral.

Ang Śīla ay tumutukoy sa kabuuang mga prinsipyo ng pag-aasal na etikal. May ilang mga antas ng Śīla na tumutugon sa basikong moralidad (limang mga patakaran), "basikong moralidad na may asetisismo (walong mga patakaran), baguhang pagkamonghe (sampung mga patakaran]]) at pagkamonghe (Vinaya o Patimokkha). Ang mga taong lay ay pangkalahatang nagtatala sa mga sarili nito na mamuhay ayon sa limang mga patakaran na karaniwan sa lahat ng mga eskwelang Budista. Kung kanilang naisin, maaari nilang piliing isagawa ang walong mga patakaran na nagdadagdag ng basikong asetisismo.

Ang limang mga patakaran ang mga patakarang pagsasanay upang mamuhay ng isang mas mabuting buhay kung saan ang isang tao ay masaya nang walang mga pag-aalala at makapagninilay nilay ng mahusay:

  1. Na magpipigil sa pagkuha ng buhay (kawalang karahasan tungo sa may kamalayang mga anyo ng buhay) o ahimsā;
  2. Na magpipigil sa pagkuha sa hindi ibinigay (hindi pagnanakaw);
  3. Na magpipigil mula sa pagnanasang pang-laman kabilang ang seksuwal na maling pag-aasal;
  4. Na magpipigil mula sa pagsisinungaling (palaging nasasalita ng katotohan);
  5. Na magpipigil mula sa mga nakalalasing na humahantong sa kawalang ng kamatyagan (spesipiko na ang mga droga at alak).

Ang mga patakaran ay hindi pinormula bilang nag-uutos ngunit bilang mga patakarang pagsasanay na isinagawa ng boluntaryo ng mga taong lay upang padaliin ang pagsasanay.[71] Sa pananaw na Budista, ang pagpapalago ng Dana at ang mismong pag-aasal na etikal ay nagdadalisay ng kamalayan sa gayong isang lebel na ang muling kapanganakan sa isa sa mga mas mababang kalangitan ay malamang kahit walang karagdagang pagsasanay na Budista. Walang hindi angkop o hindi-Budista sa paglimita ng mga layunin ng isa sa antas na ito ng pagkakamit.[72]

Sa mga walong patakaran, ang ikatlong patakaran tungkol sa maling gawaing seksuwal ay ginawang mas mahigpit at nagiging isang patakaran ng selibasya. Ang tatlong mga karagdagang patakaran ang:

6. Na magpipigil mula sa pagkain sa maling panahon (kakain lamang mula paglubog ng araw hanggang tanghali);
7. Na magpipigil mula sa pagsasayaw at pagpapatugtog ng musika, pagsusuot ng mga alahas at mga pampaganda, pagdalo sa mga palabas at iba pang mga pagganap;
8. Na magpipigil mula sa paggamit mataas at mga marangyaang upuan at mga takip ng kama.

Ang kumpletong talaan ng mga sampung patakaran ay maaaring sundin ng mga taong lay sa maikling mga panahon. Para sa kumpletong talaan, ang ikaapat ng patakaran ay hinati sa dalawa at ang isang ikasampu ay idinagdag:

6. Na magpipigil mula sa pagkain sa isang hindi napapanahong panahon na pagkatapos ng gitnang araw na pagkain;
7. Na magpipigil mula sa pagsasayaw, musika, pag-awit at mga hindi ankop na palabas;
8. Na magpipigil mula sa paggamit ng mga kuwintas na bulaklak, mga pabango, mga unggwento, at mula sa mga bagay na nagpapaganda at nagpapalamuti sa tao;
9. Na magpipigil mula sa paggamit ng mataas at marangyang mga upuan at kama;
10. Na magpipigil mula sa pagtanggap ng ginto at pilak (pera);[73]

Budismo

baguhin
 
Mga mongheng Budista na nagsasagawa ng isang seremonya sa Hangzhou, Tsina

Ang Vinaya ay isang spesipikong kodigong moral para sa mga monghe at madreng Budista. Ito ay kinabibilangan ng Patimokkha na isang hanay ng mga 227 patakaran para sa mga monghe sa resensiyong Theravadin. Ang tiyak na nilalaman ng vinayapitaka na mga kasulatan sa Vinaya ay katamtamang iba iba ayon sa iba't ibang mga eskwela at ang iba't ibang mga eskwela o subeskwela ay nagtatakda ng iba't ibang mga pamantayan para sa digri ng pagsunod sa Vinaya. Ang mga baguhang monghe ay gumagamit ng mga sampung kautusan na mga basikong patakaran para sa mga monastiko. Tungkol sa mga patakarang monastiko, patuloy na pinaalala ni Buddha sa kanyang mga tagapakinig na ang espirito ang mahalaga. Sa kabilang dako, ang mga mismong patakaran ay nilikha upang seguraduhin ang isang nakasasapat na pamumuhay at nagbibigay ng isang sakdal na panlunsad para sa mas mataas na mga pagtatamo. Ang mga monastiko ay tinuruan ni Buddha na mamuhay bilang "mga isla sa kanilang mga sarili".[74]

Sa Budismong Silanganin, may isa ring natatanging Vinaya at etika na nilalaman sa loob ng Mahayana Brahmajala Sutra (hindi dapat ikalito sa tekstong Pali ng parehong pangalan) para sa mga Bodhisattva kung saan, halimbawa, ang pagkain ng karne ay hindi inaaprobahan at ang behetaryanismo ay aktibong hinihikayat. Sa Hapon, ito ay halos buong pumalit sa monastikong vinaya at pumapayag sa klero na magpakasal.

Pagninilay-nilay

baguhin
 
Nagdadasal na mga Budistang monghe sa Taylandiya

Ang pagninilay-nilay na Budista ay pundamental na nauukol sa dalawang mga tema: pagbabago ng isipan at gamitin ito upang galugarin ang sarili at iba pang mga phenomena.[75] Ayon sa Budismong Theravada, ang Buddha ay nagturo ng dalawang mga uri ng pagninilay-nilay, ang pagninilay-nilay na samatha (Sanskrit: śamatha) at pagninilay-nilay na vipassanā (Sanskrit: vipaśyanā). Sa Budismong Tsino, may umiiral (isinalin nachih kuan), ngunit ang pagninilay-nilay na Chán (Zen) ay mas sikat.[76] Ayon kay Peter Harvey, kung saan malusog ang Budismo, hindi lamang ang mga monghe, madre at mga ikinasal na lama ang nagsasanay nito kundi pati ang mga nagtalaga sa sariling mga taong lay.[77] Ayon Routledge's Encyclopedia of Buddhism, sa bong karamihan ng kasaysayan ng Budismo bago ang mga modernong panahon, ang seryosong pagninilay-nilay sa mga taong lay ay hindi karaniwan.[78] Ang ebidensiya ng mga maagang teksto ng Budismo ay nagmumungkahing sa panahon ni Buddha, maraming mga lalake at babaeng tagapagsanay na lay ang nagsanay ng pagninilay-nilay.[79]

Samādhi (pagpapalagong pagninilay-nilay): pagninilay-nilay na samatha

baguhin

Sa wika ng Maharling Makawalong Landa, ang samyaksamādhi ang "tamang konsentrasyon". Ang pangunahing paraan ng pagpapalago ng samādhi ang pagninilay-nilay. Sa pag-unlad ng samādhi, ang isipan ng isa ay dumadalisay sa karumihan, kalmado, tiwasay at maningning. Kapat nakamit ng nagninilay-nilay ang isang malakas at makapangyarihang konsentrasyon (jhāna, Sanskrit ध्यान dhyāna), ang kanyang isipan ay handang tumago at makabatid (vipassanā) tungo sa huling kalikasan ng realidad at kalaunan ay pagkakamit ng pagpapalaya mula sa lahat ng pagdurusa. Ang pagpalago ng kamatyagan ay mahalaga sa konsentrasyon ng isipan na kailangan upang makamit ang kabatiran.

Ang paninilay-nilay na Samatha ay nagsisimula mula sa pagiging mapagmatyag sa isang bagay o ideya na pinalalawig sa katawan ng isa, kaisipan at buong mga kapaligiran na humahantong sa isang estado ng buong konsentrasyon at katiwasayan (jhāna). Maraming mga anyo ng istilo ng pagninilay-nilay mula sa nakaupo ng nakakrus na mga hita o pagluhod sa pag-awit o paglalakad. Ang pinakakaraniwang paraan ng pagninilay-nilay ay tumuon sa paghinga ng isa (anapanasati), dahil ang kasanayang ito ay hahantong sa parehong samatha at vipassana. Sa kasanayang Budista, sinasabing bagaman ang samatha ay makapagpapakalma ng isipan, ang tanging ang pagninilay-nilay na vipassanā ay makapaghahayag kung paanong ang isipan ay nagulo sa simula na humahantong sa kaalaman (jñāna; Pāli ñāṇa) at pagkaunawa (prajñā; Pāli paññā), at kaya ay hahantong sa nirvāṇa (Pāli nibbāna). Kapag ang isa ay nasa jhana, ang lahat ng mga karumihan ay temporaryong nasusupil. Ang tanging pagkaunawa (prajñā o vipassana) ang lilipols sa mga karumihan ng buo. Ang mga Jhana ay nagsasaad rin na ang mga Arahant namamalagi upang makapagpahinga.

Sa Theravāda
baguhin

Sa Budismong Theravāda, ang sanhi ng pag-iral at pagdurusa ng tao ay natukoy bilang pananabik na nagdadala dito ng iba't ibang mga karumihan. Ang mga iba ibang karumihang ito ay tradisyon na sinusuma bilang kasakiman, poot at delusyon. Ang mga ito ay pinaniniwalaang malalim na naka-ugat sa mga paghihirap ng isipan na lumilikha ng pagdurusa at stress. Upang maging malaya mula sa pagdurusa at stress, ang mga karumihang ito ay dapat permanente bunutin sa pamamagitan ng panloob na pag-iimbestiga, pagsisiyasat, pagdanas at pag-unawa ng tunay na kalikasan ng mga karumihang ito sa pamamagitan ng paggamit ng jhāna na isang paraan ng Maharlikang Makawalong Landas. Ito ay humahantong naman sa nagninilay-nilay na matanto ang mga Apat na Maharlikang Katotohanan, Kaliwanagan at Nibbana. Ang Nibbana ang huling layunin ng mga Theravadin.

Prajñā (Karunungan): pagninilay-nilay na vipassana

baguhin

Ang Prajñā (Sanskrit) o paññā (Pāli) ay nangangahulugang ang karunungan na batay sa isang pagkatanto ng nakasalalay na pagmumula, ang mga Apat na Maharlikang Katotohanan at mga tatlong marka ng pag-iral. Ang Prajñā ang karunungan na makakapawi ng mga kahirapan at magdulat ng bodhi. Ito ay sinasalita bilang ang pangunahing paraan ng pagkakamit ng nirvāṇa sa pamamagitan ng pahayag nito ng tunay na kalikasan ng lahat ng mga bagay gaya ng dukkha (kawalang satispaksiyon), anicca (pagiging hindi permanente) ayanatta (hindi-sarili). Ang Prajñā ay itinatala rin bilang ikaanim na pāramitā ng Mahayana.

Sa simula, ang prajñā ay nakakamit sa isang lebel na pang-konsepto sa pamamagitan ng pakikinig sa mga sermon (mga usapang dharma), pagbasa, pag-aaral at minsan ay pagbigkas ng mga tekstong Budista at pakikilahok sa diskurso. Kapag ang pagkaunawang pang-konsepto ay nakamit, ito ay nilalapat sa pang-araw araw na buhay upang ang bawat Budista ay magpatunay ng katotohanan ng katuruan ni Buddha sa isang praktikal na lebel.

Ang Budismong Zen (禅) na binibigkas na Chán sa Tsino, seon sa Koreano o zen sa Hapones (na hinango mula sa terminong Sanskrit na dhyāna na nangangahulugang pagninilay-nilay) ay isang anyo ng Budismo na naging sikat sa Tsina, Korea at Hapon at naglalagay ng espesyal na pagbibigay diin sa pagninilay-nilay.[80] Ang Zen ay naglalagay ng kaunting pagbibigay diin sa mga kasulatan kesa sa ibang mga anyo ng Budismo. Ang Budismong Zen ay nahahati sa dalawang mga pangunahing eskuwela: Rinzai (臨済宗) at Sōtō (曹洞宗), na ang una ay malaking pumapabor sa paggamit ng pagninilay-nilay sa kōan (公案, na isang pagninilay-nilay na palaisipan) bilang isang kasangkapan para sa pagsulong na espiritwal. Ang huli ay mas nakatuon sa shikantaza o pag-upo lamang.[81]

Ang katuruang Budismong Zen ay kadalasang puno ng paradokso upang makalag ang kapit ang ng ego at upang mapadali ang pagtagos tungo sa sakop ng Tunay na Sarili o Walang anyong Sarili na tinutumbas sa mismong si Buddha.[82] Ayon sa maestrong Zen na si Kosho Uchiyama, kapag ang mga isipan at pagtuon sa munting Ako ay nalagpasan, ang isang Pagkagising sa isang pangkalahatang hindi-dual na Sarili ay nangyayari.[83] Kaya ang pag-iisip at kaisipan ay hindi dapat payagan na maglimita at magtali sa isa.[84]

Vajrayana at Tantra

baguhin

Bagaman nakabase sa Mahayana,ang Budismong Tibeto-Mongolian ang isa sa mga eskwela na nagsasanay ng Vajrayana o o "Diamanteng Sasakyan" na tinutukoy rin bilang Mantrayāna, Tantrayāna, Budismong Tantriko o Budismong estoriko ngunit kinabibilangan rin ng isang malawak na kalipunan ng mga pamamaraang espiritwal at pisikal na dinisenyo upang palakasin ang pagsasanay na Budista. Ang Budismong tantriko ay malaking nauukol sa mga kasanayang ritwal at pagninilay-nilay.[85] Ang pagdanas ng huling katotohanan ang sinasabing layunin ng lahat ng iba't ibang mga pamamaraang tantriko na sinasanay sa Vajrayana. Bukod sa mas maunlad na mga kasanayang pagninilay-nilay gaya ng Mahamudra at Dzogchen na naglalayon na makaranas ng walang lamang kalikasan ng naliwanagang isipan na makakakita sa huling katotohanan, ang lahat ng mga kasanayan ay nilalayon sa isang paraan sa pagdadalisay ng hindi dalisay na persepsiyon ng nagsasanay upang payagan ang huling katotohanan na makita. Ang mga ito ay maaring ang ngondro o mga preliminaryong kasanayan o ang mas maunlad na mga pamaraan ng tantrikong sadhan. Sa tradisyong Tibetan, ang mga kasanayang ito ay kinabibilangan ng yogang pang-seksuwal.[86]

Kasaysayan ng Budismo

baguhin

Siddharta Gautama

baguhin
 
Ang eksaktong lugar ng kapanganakan ni Gautama Buddha sa Lumbini na isa ring banal na dambana para sa mga Hindu na naniniwalang si Buddha ang ika-9 sa 10 mga Dashavatara ni Vishnu.
 
Ang Dhâmek Stûpa sa Sârnâth, India, na lugar ng unang pagtuturo ni Buddha kung saan ay kanyang itinuro ang Mga Apat na Maharlikang Katotohanan sa kanyang unang limang mga alagad.

Si Siddhārtha Gautama ang historikal na tagapagtatag ng Budismo. Siya ay ipinanganak na isang mandirimang prinsipeng Kshatriya warrior sa Lumbini, Nepal noong 623 BCE. Pagkatapos ng asesitismo at pagninilay-nilay, natuklasan ni Siddharta ang Gitnang Daan na Budista na isang landas ng kahinahunan mula sa mga kasukdulan ng pagpapakasasa sa sarili at mortipikasyon ng sarili. Nakamit ni Siddharta ang kaliwanagan sa ilalim ng isang punong peepal na kilala ngayon bilang punong Bodhi sa Bodh Gaya, India. Mula noon, si Siddharta ay nakilala bilang "Ang Isang Naliwanagan", ang Samyaksambuddha. Si Buddha ay ay tinangkalik ng pinuno ng Magadha na si emperador Bimbisāra. Tinanggap ng emperador ang Budismo bilang pansariling pananampalataya at pumayag sa pagtatayo ng maraming mga vihāras na Budista. Ito ay kalaunang humantong sa muling pagpapangalan ng buong rehiyon bilang Bihār. Sa Parkeng Usa malapit sa Vārāṇasī sa hilagaang India, sinimulan ni Buddha ang Dharma sa pamamagitan ng paghahatid ng kanyang unang sermon sa isang pangkat ng limang mga kasama na kanyang nakaraang hinanapan ng kaliwanagan. Kasama ni Buddha, kanilang binuo ang unang Sanga na pangkat ng mga mongheng Budista at kaya ang unang pagkakabuo ng Tatlong Hiyas (Buddha, Dharma at Saṅgha) ay nabuo. Sa natitira ng kanyang buhay, si Buddha ay naglakbay sa Kapatagang Gangetiko ng Hilagang silanganing India at iba pang mga rehiyon. Nakamit ni Buddha ang parinirvāṇa sa inabandonang mga kagubatan ng Kuśināra. Bago ang kanyang kamatayan, kanyang iniulat na sinabi sa kanyang mga alagad na pagkatapos nito ay kanilang magiging pinuno ang Dharma (doktrina, katuruan).

Maagang Budismo

baguhin

Ang maagang Budismo ay nanatiling nakasentro sa palibot ng Lambak Ganges na unti-unting kumalat mula sa sinaunang sentro nito. Ang mga sangguninang kanonikal ng Budismo ay nagtatala ng dalawang mga konseho kung saan ang monastikong Sanha ay nagtatag ng mga kalipunang tekstuwal batay sa mga katuruan ni Buddha at nagpasya sa ilang mga problemang disiplinaryo sa buong pamayanan. Ang unang Konsehong Budista ay idinaos pagkatapos lamang ng Parinirvana ni Buddha at pinangasiwaan ni Gupta Mahākāśyapa na isa sa kanyang pinakanakatatandang mga alagad sa Rājagṛha (ngayong Rajgir) noong ika-5 siglo BCE sa ilalim ng maharlikang suporta ni haring Ajāthaśatru. Ang layunin ng konseho ay itala ang lahat ng mga katuruan ni Buddha sa mga katuruang doktrina (sutra) at Abhidhamma at ikodigo ang mga patakarang monastiko (vinaya). Si Ānanda na isa sa mga pangunahing alagad at pinsan ni Buddha ay tinawag upang bigkasin ang mga diskurso at Abhidhamma ng Buddha, at si Upali na isa pang alagad ni Buddha ay nagbigkas ng mga patakaran ng vinaya. Ang mga ito ang naging basehan ng Tripiṭaka na iningatan lamang sa Pāli. Ang ikalawang Konsehong Budista ay idinaos sa Vaisali noong ika-4 siglo BCE kasunod ng isang alitan sa Sangha tungkol sa relaksasyon ng ilang mga mongke ng iba't ibang mga punto ng disiplina. Kalaunan, ito ay nagpasya na magdaos ng isang ikalawang konseho kung saan ang mga orihinal na tekstong Vinaya na inangatan sa unang konseho ay binanggit upang ipakita na ang mga relaksasyong ito ay sumalungat sa naitalang mga katuruan ni Buddha.

Pang-aakay ni Aśoka (c. 261 BCE)

baguhin
 
Pang-aakay sa Budismo sa panahon ni Emperador Aśoka (260–218 BCE) ayon sa mga kautusan ni Aśoka.

Pagkaakay ni Emperador Aśoka sa Budismo

baguhin

Ang Emperador ng Imperyong Maurya na si Aśoka (273 BCE –232 BCE) ay naakay sa Budismo pagkatapos ng kanyang madugong pananakop sa teritoryo ng Kalinga (modernong Odisha) sa silanganing India noong Digmaang Kalinga. Sa pagsisi sa mga sindak at pagdurusa na idinulot ng alitan, dakilang pinagpasyahan ng hari na itakwil ang karahasan at palitan ang pagdurusa na sinanhi ng digmaan ng paggalang at dignidad para sa lahat ng sangkatauhan. Kanyang pinalaganap ang pananampalatayang Budismo sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga stupa at mga haligi na humihikayat kabilang sa mga ibang bagay na igalang ang lahat ng buhay ng hayop at iniutos sa mga tao na sundin ang Dharma. Nagtayo siya ng mga lansangan, mga libreng ospital, mga libreng edukasyon, mga pahingahan, mga unibersidad at mga sistema ng irigasyon sa buong bansa. Kanyang itinaguyod ang mga karapatang pantao at tinrato ang kanyang mga nasasakupan bilang mga magkakatumbas kahit pa ano ang kanilang reliihiyon, politika o kaste. Ang panahong ito ay nagmamarka ng unang pagkalat ng Budismo nang lagpas sa India sa ibang mga bansa. Ayon sa mga plato at haliging iniwan ni haring Aśoka (mga kautusan ni Aśoka), ang mga emisaryo ay ipinadala sa iba't ibang mga bansa upang ikalat ang Budismo na kasing layo sa timog Sri Langka at kasing layo sa kanluran sa mga kahariang Griyego, sa partiklular ang Kahariang Greko-Baktriano at posibleng mas malayo pa sa Mediterraneo. Tinipon ni Haring Aśoka ang ikatlong Konsehong Budista noong mga 250 BCE sa Pataliputra (ngayong Patna). Ito ay idinaos ng mongheng Moggaliputtatissa. Ang layunin ng konseho ay dalisayin ang Sangha partikular na ang mga hindi-Budistang asetiko na naakit ng pagtangkilik ng hari. Kasunod ng konsehong ito, ang mga misyonaryong Budista ay ipinadala sa buong kilalang daigdig sa panahong ito.

Pagpapalaganap ni Aśoka ng Budismo sa daigdig na Helenistiko

baguhin
 
Dalawang wikang inskripsiyon (Griyego at Aramaiko) ni Emperador Ashoka mula sa Kandahar.

Ang ilan sa mga kautusan ni Asoka ay naglalarawan ng kanyang mga ginawang pagsisikap na ipalaganap ang pananampalatayang Budista sa buong daigdig na Helenistiko na sa panahong ito ay bumubuo ng isang walang patid na pagpapatuloy mula sa mga hangganan ng India hanggang Gresya. Ang mga kautusan ni Asoka ay nagpapakita ng isang maliwanag na pagkaunawa sa organisasyong pampolitika sa mga teritoryong Helenistiko. Ang mga pangalan at lokasyon ng mga pangunahing haring Griyego sa panahong ito ay tinukoy at inangking mga nakatangap ng pang-aakay na Budista. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Antiochus II Theos ng Kahariang Seleucid (261–246 BCE), Ptolomeo II Philadelphus ng Dinastiyang Ptolemaiko (285–247 BCE), Antigonus Gonatas ng Macedonia (276–239 BCE), Magas (288–258 BCE) sa Cyrenaica (modernong Libya), at Alexander II (272–255 BCE) sa Epirus (modernong Hilagang kanluraning Gresya). sa karagdagan, ayon sa mga sangguniang Pāli, ang ilan sa mga emisaryo ni Aśoka ay mga Griyegong Budistang monghe na nagpapakita ng malapit na pagpapalitang relihiyoso sa pagitan ng dalawang mga kultura. Si Aśoka ay naglabas rin ng mga kautusan sa wikang Griyego gayundin sa Aramaiko. Ang mga puntod na Budista mula sa panahong Ptolemaiko (305 BCE–30 BCE) ay natagapuan rin sa Alehandriya, Ehipto na pinalamutian ng gulong ng Dharma.[87] Kalaunan, sa napaka-lugar na ito (Alehandriya) na ang ilan sa mga pinaka-aktibong sentro ng Kristiyanismo ay itinatag.[88]

Noong ika-2 siglo CE, ang dogmatistang Kristiyanong si Clemente ng Alehandriya ay kumilala sa impluwensiya sa kaisipang Griyego ng mga Budistang Baktriano (śramanas) at Indianong gymnosophista.[89]

Isinulat ni Clemente ng Alehandriya tungkol kay Buddha na:

εἰσὶ δὲ τῶν Ἰνδῶν οἱ τοῖς Βούττα πειθόμενοι παραγγέλμασιν. ὃν δι’ ὑπερβολὴν σεμνότητος ὡς θεὸν τετιμήκασι. [Sa mga Indiano ang mga pilosopo ring sumusunod sa mga patakaran ni Boutta, na kanilang ginagalang bilang isang diyos sa kadahilanan ng kanyang ekstraordinaryong kabanalan.][90]

Ang kuwento ng kapanganakan ni Buddha ay alam rin sa Kanluran. Ang isang pragmento ni Archelaos ng Carrha (278 CE) ay nagbanggit sa birheng kapanganakan ni Buddha. Ang Kristiyanong si Jeronimo (ika-4 na siglo) ay nagsaaad tungkol sa kapanganakan ni Buddha na "ipinanganak mula sa panig ng isang birhen".

Ang mga misyonaryong ipinadala ni emperador Ashoka sa India, Ceylon, Syria, Ehipto at Gresya ay maaaring nakatulong sa paghahanda ng mga etikang katuruan ni Hesus.[91][92] Ang Dhammapada ay naglalaman ng mga pagkakatugma sa mga konsepto sa Sermon sa Bundok ni Hesus ng paghaharap ng kabilang pisngi, liwanag ng daigdig, hindi pagtinging ng may pagnanasa, ginintuang patakaran, kahalagahan ng buhay, kahabagan sa iba, pagtakwil sa karahasan, pangungumpisal, kawang gawa at pagsasanay ng birtud.

Ang mga salaysay na Romano ay naglarawan ng isang embahadang ipinadala ng haring Indianong si Porus (Pandion (?) Pandiya (?) o Pandita (Budismo) (?)) kay Caesar Augustus sa isang panahon sa pagitan ng 22 BCE at 13 CE.[93] Ang embahada ay naglakbay na may liham na diplomatiko sa isang balat sa wikang Griyego. Ang isa sa mga kasapi nito ay isang sramana na nagsunog ng buhay sa kanyang sarili sa Atenas upang ipakita ang kanyang pananampalataya.[94] Ang pangyayaring ito ay inilarawan ni Nicolaus ng Damascus na nakatagapo sa embahadang ito sa Antioquia at isinalaysay nina Strabo at Dio Cassius. Ang mga salaysay na ito ay kahit papaano nagpapakita na ang mga banal na taong Indiano (Sramanas kung saan kabilang ang mga Budista na salungat sa mga Brahmana ng Hinduismo) ay kumakalat sa Levant sa panahon ni Hesus.

Ang maagang ika-3 siglo hanggang ika-4 siglo CE mga manunulat na Kristiyano gaya nina Hipolito at Epiphanius ay sumulat tungknol sa isang Scythianus na dumalaw sa India noong mga 50 CE na mula dito ay kanyang dinala ang "doktrina ng Dalawang mga Prinsipyo". Ayon kay Cirilo ng Herusalem, ang estudyante ni Scythianus na si Terebinthus ay nagtanghal sa kanyang sarili bilang isang "Buddha" (Buddas). Si Terebinthus ay tumungo sa Palestina at Hudea ("na nakilala at kinondena") at tumira sa Babilon. Sinasabing kanyang dinala kasama niya ang mga aklat ni Scythianus na sa kanyang kamatayan ay napunta sa pag-aari ng isang babaeng balo at sa pagkamatay ng balo ay napunta ang mga aklat sa kanyang inampong isang alipin si Cubricus na kalaunang nagpalit ng kanyang pangalan sa Mani.

Ang historyan na si Jerry H. Bentley ay sumulat sa mga pagkakatulad ng Budismo at Kristiyanismo at nagsaad na posibleng "ang Budismo ay umimpluwensiya sa maagang pag-unlad ng Kristiyanismo" at nagmungkahi ng "pansin sa maraming mga pagkakatugma tungkol sa mga kapanganakan, buhay, mga doktrina at mga kamatayan nina Buddha at Hesus". .[95]

May ilang mga ugnayan sa pagitan ng mga Kristiyanong Gnostiko at mga Indian. Halimbawa, ang teologong gnostikong si Bar Daisan ay naglarawan noong ika-3 siglo ng kanyang mga palitan sa mga misyon ng mga banal na tao mula sa India (Griyego:Σαρμαναίοι) na dumaan sa Syria sa kanilang pagtungo sa Elagabalus o isa pang emperador na Romano.[96] Ito ay nagpalitaw sa mga mungkahing ang tradisyong Budista ay nakaimpluwensiya sa Gnostisismo at kaya ay sa Kristiyanismo.[97] Isinaalang ni Thundy posibleng mga impluwensiya ng Budismo sa pamamagitan ng sektang Hudyo na Therapeutae na kanyang iminungkahing mga Budista noong unang siglo.[98]

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 See the article Four Noble Truths for further details and citations. In particular, the section "The four truths" within that article provides a footnote showing variety of translations of these four statements.
  2. See the article Dukkha for further details and citations.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Buddhism". (2009). In Encyclopædia Britannica. Retrieved 26 Nobyembre 2009, from Encyclopædia Britannica Online Library Edition.
  2. Gethin (1998), Foundations, pp. 27–28, pp. 73-74
  3. Major Religions Ranked by Size Naka-arkibo 2008-06-15 sa Wayback Machine.; U.S. State Department's International Religious Freedom Report 2004. http://www.state.gov/g/drl/rls/irf/2004/ Accessed 20 Setyembre 2008; Garfinkel, Perry. "Buddha Rising", National Geographic Disyembre 2005: 88–109; CIA - The World Factbook Naka-arkibo 2010-01-05 sa Wayback Machine.
  4. 4.0 4.1 Lopez, Story of Buddhism. p. 239
  5. 5.0 5.1 Lopez, Buddhism. p. 248
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-16. Nakuha noong 2013-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. http://www.dhammawiki.com/index.php?title=Buddhists_in_the_world
  8. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-07. Nakuha noong 2013-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. http://www.proutglobe.org/2012/01/buddhism-may-regain-its-status-as-the-worlds-largest-religion/
  10. http://www.telegraph.co.uk/news/religion/5977093/Buddhism-is-fastest-growing-religion-in-English-jails-over-past-decade.html
  11. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-02. Nakuha noong 2021-09-06.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. http://www.abc.net.au/stateline/wa/content/2006/s1947996.htm
  13. Robinson et al., Buddhist Religions, page xx; Philosophy East and West, vol 54, ps 269f; Williams, Mahayana Buddhism, Routledge, 1st ed., 1989, pp. 275f (2nd ed., 2008, p. 266)
  14. Padmasambhava, Jamgon Kongtrul, Erik Pema Kunsang (2004). Light of Wisdom. Rangjung Yeshe Publications. ISBN 978-962-7341-37-6. Nakuha noong 2010-08-25.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  15. Smith, Huston & Novak, Philip, Buddhism: A Concise Introduction,HarperCollins 2003, p.116
  16. Journal of Buddhist Ethics: "Zen as a Social Ethics of Responsiveness" Naka-arkibo 2009-03-25 sa Wayback Machine. (PDF), T. P. Kasulis, Ohio State University
  17. Harvey, Introduction to Buddhism, p. 40
  18. Dr. Richard K. Payne (ed.), Tantric Buddhism in East Asia, Wisdom Publications, Boston, 2006, p. 74
  19. Keown, Buddhism, Oxford University Press, 1996, p. 107
  20. Harvey, Introduction to Buddhism, p. 34
  21. Macmillan Encyclopedia of Buddhism (Volume Two), p. 711
  22. The 31 Planes of Existence (PDF), Ven. Suvanno Mahathera
  23. Harvey, Introduction to Buddhism, p. 33
  24. André Bareau, Les Sectes bouddhiques du Petit Véhicule, École Française d'Extrême-Orient, Saigon, 1955, pp. 212–223: the top of p. 212 says: "Here are the theses of the Theravadins of the Mahavihara"; then begins a numbered list of doctrines over the following pages, including on p. 223: "There are only five destinies ... the kalakanjika asuras have the same colour, same nourishment, same foods, same lifespan as the petas, with whom ... they marry. As for the Vepacittiparisa, they have the same colour, same nourishment, same foods, same lifespan as the gods, with whom they marry." (Translated from the French)
  25. Macmillan Encyclopedia of Buddhism. Vol. 1, p. 377
  26. The Connected Discourses of the Buddha. A Translation of the Samyutta Nikaya, Bhikkhu Bodhi, Translator. Wisdom Publications.
  27. 27.0 27.1 Ajahn Sucitto 2010, p. 87-88.
  28. Gethin 1998, p. 82.
  29. 29.0 29.1 Armstrong, p. 77.
  30. Nhat Hahn, Thich, p. 36.
  31. 31.0 31.1 Roth, Beth. "Family Dharma: A Bedtime Ritual". Tricycle. Tricycle Foundation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-13. Nakuha noong 11 Enero 2011.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Chodron, Pema (2002). The Places that Scare You: A Guide to Fearlessness in Difficult Times. Shambhala via Amazon Look Inside. p. 37. ISBN 1-57062-921-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Unit Six: The Four Immeasurables". Buddha Dharma Education Association & Buddhanet. and "Unit Six: Loving-Kindness". Buddha Dharma Education Association & Buddhanet. Nakuha noong 10 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "A View on Buddhism: The Four Immeasurables". Rudy Harderwijk (viewonbuddhism.org). Nakuha noong 11 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Kohn, Shambhala, pp. 131, 143
  36. Jeffrey Po, "Is Buddhism a Pessimistic Way of Life?" Naka-arkibo 2009-04-18 sa Wayback Machine.
  37. Rahula, Walpola (1959). "Chapter 2". What the Buddha Taught. Grove Press. ISBN 0-8021-3031-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Prebish, Charles (1993). Historical Dictionary of Buddhism. The Scarecrow Press. ISBN 0-8108-2698-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Keown, Damien (2003). Dictionary of Buddhism. Oxford University Press. ISBN 0-19-860560-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Thanissaro Bhikkhu, The Not-Self Strategy Naka-arkibo 2013-02-04 sa Wayback Machine., See Point 3 – The Canon quote Thanissaro Bhikkhu draws attention to is the Sabbasava Sutta.
  41. This twelve nidana scheme can be found, for instance, in multiple discourses in chapter 12 of the Samyutta NikayaNidana Vagga (e.g., see SN 12.2, Thanissaro, 1997a). Other "applications" of what might be termed "mundane dependent origination" include the nine-nidana scheme of Digha Nikaya 15 (e.g., Thanissaro, 1997b) and the ten-nidana scheme of Samyutta Nikaya 12.65 (e.g., Thanissaro, 1997c). So-called "transcendental dependent origination" (also involving twelve nidanas) is described in Samyutta Nikaya 12.23 (e.g., see Bodhi, 1995). In addition, Digha Nikaya 15 describes an eleven-nidana scheme (starting with "feeling") that leads to interpersonal suffering ("the taking up of sticks and knives; conflicts, quarrels, and disputes; accusations, divisive speech, and lies").
  42. Harvey, Introduction to Buddhism, page 56
  43. Harvey, Introduction to Buddhism, p. 57
  44. Harvey, Introduction to Buddhism, p. 58
  45. Harvey, Introduction to Buddhism, p. 59
  46. Harvey, Introduction to Buddhism, p. 60
  47. Christian Lindtner, Master of Wisdom. Dharma Publishing 1997, p. 324.
  48. Dan Lusthaus, "What is and isn't Yogacara" Naka-arkibo 2013-12-16 sa Wayback Machine.
  49. Williams, Paul. Buddhist Thought. Routledge 2000, page 161.
  50. raga, Pali-English Dictionary Naka-arkibo 2013-08-08 sa Wayback Machine., The Pali Text Society
  51. dosa, Pali-English Dictionary Naka-arkibo 2013-08-08 sa Wayback Machine., The Pali Text Society
  52. moha, Pali-English Dictionary Naka-arkibo 2013-08-08 sa Wayback Machine., The Pali Text Society
  53. Hawkins, pp. 40, 46.
  54. Richard F. Gombrich, How Buddhism Began, Munshiram Manoharlal, 1997, p. 67
  55. Harvey, p. 170
  56. Zen Buddhism: A History (India and China) by Heinrich Dumoulin, James W. Heisig, Paul F. Knitter (page 22)
  57. Barbara Stoler Miller, Yoga: Discipline of Freedom: the Yoga Sutra Attributed to Patanjali; a Translation of the Text, with Commentary, Introduction, and Glossary of Keywords. University of California Press, 1996, page 8.
  58. Alexander Wynne, The Origin of Buddhist Meditation. Routledge, 2007, page 73.
  59. Alexander Wynne, The Origin of Buddhist Meditation. Routledge, 2007, page 105.
  60. Michael Carrithers, The Buddha. Taken from Founders of Faith, published by Oxford University Press, 1986, page 30.
  61. Alexander Wynne, The origin of Buddhist meditation. Routledge, 2007, p. 72.
  62. Dharmacarini Manishini, Western Buddhist Review. Accessed at http://www.westernbuddhistreview.com/vol4/kamma_in_context.html Naka-arkibo 2013-08-08 sa Wayback Machine.
  63. Richard Gombrich, Theravada Buddhism: A Social History from Ancient Benares to Modern Colombo. Routledge and Kegan Paul, 1988, page 44.
  64. Johannes Bronkhorst, The Two Traditions of Mediation in Ancient India. Franz Steiner Verlag Weisbaden GmbH, pages 1-17.
  65. Randall Collins, The Sociology of Philosophies: A Global Theory of Intellectual Change. Harvard University Press, 2000, page 199.
  66. Bhikku, Thanissaro (2001). "Refuge". An Introduction to the Buddha, Dhamma, & Sangha. Access to Insight.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. Middle-Length Discourses of the Buddha, tr. Nanamoli, rev. Bodhi, Wisdom Publications, 1995, pp. 708f
  68. Professor C.D. Sebastian, Metaphysics and Mysticism in Mahayana Buddhism, Sri Satguru Publications, Bibliotheca Indo-Buddhica Series No. 238, Delhi, 2005, p. 83
  69. Professor C.D. Sebastian, Metaphysics and Mysticism in Mahayana Buddhism, Delhi, 2005, p. 82
  70. Hiroshi Kanno, Huisi's Perspective on the Lotus Sutra as Seen Through the Meaning of the Course of Ease and Bliss in the Lotus Sutra, p. 147, http://www.iop.or.jp/0414/kanno2.pdf Naka-arkibo 2011-07-19 sa Wayback Machine., consulted 5 Pebrero 2010
  71. Stewart McFarlane in Peter Harvey, ed., Buddhism. Continuum, 2001, page 187.
  72. Stewart McFarlane in Peter Harvey, ed., Buddhism. Continuum, 2001, pages 195-196.
  73. Morgan, Peggy; Lawton, Clive A., mga pat. (2007). Ethical Issues in Six Religious Traditions (ika-2nd (na) edisyon). Edinburgh: Edinburgh University Press. pp. 62–63. ISBN 978-0-7486-2330-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. Richard Gombrich, Theravada Buddhism: A Social History from Ancient Benares to Modern Colombo. Routledge and Kegan Paul, 1988, page 89. He is quoting Carrithers.
  75. B. Alan Wallace, Contemplative Science. Columbia University Press, 2007, p. 81.
  76. Welch, Practice of Chinese Buddhism, Harvard, 1967, p. 396
  77. Peter Harvey, An Introduction to Buddhism. Cambridge University Press, 1990, page 144.
  78. Damien Keown, Charles S Prebish, editors, Encyclopedia of Buddhism. Routledge, 2007. p. 502
  79. Sarah Shaw, Buddhist Meditation: An Anthology of Texts from the Pāli Canon. Routledge, 2006, page 13. Shaw also notes that discourses on meditation are addressed to "bhikkhave", but that in this context the terms is more generic than simply (male) "monks" and refers to all practitioners, and that this is confirmed by Buddhaghosa.
  80. According to Charles S. Prebish (in his Historical Dictionary of Buddhism, Sri Satguru Publications, Delhi, 1993, p. 287): "Although a variety of Zen 'schools' developed in Japan, they all emphasize Zen as a teaching that does not depend on sacred texts, that provides the potential for direct realization, that the realization attained is none other than the Buddha nature possessed by each sentient being ...".
  81. Prebish comments (op. cit., p. 244): "It presumes that sitting in meditation itself (i.e. zazen) is an expression of Buddha nature." The method is to detach the mind from conceptual modes of thinking and perceive Reality directly. Speaking of Zen in general, Buddhist scholar Stephen Hodge writes (Zen Masterclass, Godsfield Press, 2002, pp. 12–13): "... practitioners of Zen believe that Enlightenment, the awakening of the Buddha-mind or Buddha-nature, is our natural state, but has been covered over by layers of negative emotions and distorted thoughts. According to this view, Enlightenment is not something that we must acquire a bit at a time, but a state that can occur instantly when we cut through the dense veil of mental and emotional obscurations."
  82. (Critical Sermons on the Zen Tradition, Hisamatsu Shin'ichi, Palgrave Macmillan, New York, 2002, passim) Commenting on Rinzai Zen and its Chinese founder, Linji, Hisamatsu states: "Linji indicates our true way of being in such direct expressions as 'True Person' and 'True Self'. It is independent of words or letters and transmitted apart from scriptural teaching. Buddhism doesn't really need scriptures. It is just our direct awakening to Self ..." (Hisamatsu, op. cit., p. 46).
  83. Kosho Uchiyama, Opening the Hand of Thought: Approach to Zen, Penguin Books, New York, 1993, p. 98
  84. Harvey, Introduction, pp. 165f
  85. Williams, Mahayana Buddhism, Routledge, 1st ed., 1989, p. 185
  86. Routledge Encyclopedia of Buddhism, p. 781 .
  87. Tarn, The Greeks in Bactria and India
  88. Robert Linssen, Zen living
  89. Clement of Alexandria "The Stromata, or Miscellanies" Book I, Chapter XV: http://www.earlychristianwritings.com/text/clement-stromata-book1.html
  90. Clement of Alexandria|Stromata (Miscellanies), Book I, Chapter XV
  91. Will Durant (7 Hunyo 2011). Our Oriental Heritage: The Story of Civilization. Simon and Schuster. pp. 711–. ISBN 978-1-4516-4668-9. Nakuha noong 27 Agosto 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  92. Maguire, Jack (2001). Essential Buddhism. Simon and Schuster. pp. 159–160. ISBN 0-671-04188-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  93. XV,1,73 Strabo at Dio Cassius (liv, 9)
  94. Elledge CD. Life After Death in Early Judaism. Mohr Siebeck Tilbringen 2006 ISBN 3-16-148875-X pp122-125
  95. Bentley, Jerry H. (1992). Cross-Cultural Contacts and Exchanges in Pre-Modern Times. Oxford University Press. p. 240. ISBN 978-0-19-507640-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  96. His accounts are quoted by Porphyry (De abstin., iv, 17 [1]) and Stobaeus (Eccles., iii, 56, 141).
  97. Buddha and Christ by Zacharias P. Thundy (1 Enero 1993) ISBN 9004097414 pages 206-208
  98. Buddha and Christ by Zacharias P. Thundy (1 Enero 1993) ISBN 9004097414 pages 244-245