Tungkol sa sakit bilang terminong medisina ang artikulong ito. Para sa hapdi, tingnan ang kirot.

Ang sakit o karamdaman ay anumang kalagayan na hindi pangkaraniwan sa katawan o isipan, o kaya dahil sa pagkabalisa o kapighatian ng tao, pati na rin sa mga ibang taong kilala niya. Kung minsan maluwag na ginagamit ang termino para sa sugat, kapinsalaan, kapansanan, mga palatandaan ng sakit, hindi pangkaraniwan na asal, at mga pagkakaiba-iba ng pagkakayari at tungkulin. Sa ibang gamit ng termino, maaring tangapin ito na mga kaurian ng sakit.

Patolohiya ang tawag sa pag-aaral ng tungkol sa sakit. Tinatawag na "nosolohiya" ang paksa ng sistemang kaurian. Medisina ang katawan ng kaalaman tungkol sa at pagpapagamot ng mga sakit. Nagaganap ang pagkakalantad sa karamdaman sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaharap o pagkakahipo sa isang taong may sakit o kapag gumamit ng bagay na kontaminado ng mikrobyo ang isang taong walang sakit (katulad ng mga gamit ng may sakit na tao).[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Expose, exposure to a disease, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.