Pumunta sa nilalaman

Wicca

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wiccano)

Ang Wicca na kilala sa tawag na paganong panggagaway (Ingles: pagan witchcraft) ay isang paganong relihiyon. Ang mga disipulo ng relihiyong ito ay tinatawag na Wiccan (Wiccano) at minsan ay mga witch (mangagaway). Ang kilusang Wicca ay pinasikat noong dekada ng 1950 at dekada ng 1960 ng Mataas na Paring Wiccano na si Gerald Gardne. Ang Wicca ay duoteistiko (paniniwala sa dalawang diyos) na sumasamba sa isang diyosa(babaeng diyos) at isang diyos. Ang dalawang diyos na ito ay pinaniniwalaang aspeto ng dakilang panteistikong pagkadiyos at ipinapamalas ang kanilang sarili sa ibat ibang mga diyos na politeistiko.

Moralidad sa Wicca

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang seremonyang handfasting sa Avebury, England, na naganap noong Beltane noong 2005.

Walang sinusunod na mga dogmatikong aral (hindi pinagdududahang aral gaya ng sa ibang relihiyon) ang sinusunod sa Wicca ngunit may aral na sinusunod ang nakakaraming mga Wiccan na tinatawag na Wiccan Rede. Ang Wiccan Rede ay nagsasaad na "kung ang isang bagay ay hindi makakasama sa iba, gawin mo ito" (an it harm none, do what ye will).[1] Ang aral na ito ay pinapakahulugan na ito ay pahayag ng kalayaang gumawa kaakibat ng pagkakaroon ng responsibilidad sa mga bagay na ginagawa at pagbabawas ng panganib sa paggawa nito sa sarili at sa kapwa tao. Isa pang elemento ng moralidad ng Wicca ang "Batas ng makatatlong beses na pagbalik" (Law of Threefold Return) na nagsasaad na anumang mabuti at masamang gawing aksiyon ng isang tao ay babalik sa kanya ng makatatlong ulit o katumbas ng puwersa sa bawat antas ng katawan, isipan at espiritu.[2] Ang ideyang ito ay katulad ng karma sa Budismo. Ang Wiccan Rede at Threefold Law ay ipinakilala sa Wicca ni Gerald Gardner at tinanggap sa Wicca. Ang mga Wican ay nagnanais na palaguin ang walong birtud na binanggit ni Doreen Valiente sa Charge of the Goddess.[3] Ang mga ito ay ang kasiyahan (mirth), paggalang (reverence), karangalan (honor), kapakumbabaan (humility), kalakasan (strength), kagandahan (beauty), kapangyarihan (power) at kahabagan (compassion).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harrow, Judy (1985). "Exegesis on the Rede". Harvest. 5 (3). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-28. Nakuha noong 2011-10-04. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lembke, Karl (2002) The Threefold Law.
  3. Farrar, Janet; and Stewart Farrar (1992) [1981]. Eight Sabbats for Witches. London: Robert Hale Publishing. ISBN 0709047789. OCLC 26673966. {{cite book}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)