Pumunta sa nilalaman

Tripoli

Mga koordinado: 32°52′31″N 13°11′15″E / 32.87519°N 13.18746°E / 32.87519; 13.18746
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tripoli

طرابلس
lungsod, daungang lungsod, municipality of Libya, big city, national capital
Eskudo de armas ng Tripoli
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 32°52′31″N 13°11′15″E / 32.87519°N 13.18746°E / 32.87519; 13.18746
Bansa Libya
LokasyonLibya
Itinatag7th dantaon BCE (Huliyano)
Lawak
 • Kabuuan3,127 km2 (1,207 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Enero 2020)[1]
 • Kabuuan1,293,016
 • Kapal410/km2 (1,100/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+02:00
WikaWikang Arabe
Websaythttp://www.tripoli.info

Ang Tripoli ( /ˈtrɪpəli/;[2] Arabe: طرابلس الغرب‎, romanisado: Ṭarābulus al-Gharb, lit. 'Kanluraning Tripoli')[3] ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansang Libya, na may isang populasyon ng mga 1.18 milyong tao noong 2019.[4] Ang lungsod ay nasa hilagang-kanluran ng Libya sa gilid ng Sahara, nasa isang punto ng mabatong lupain na nag-iinat sa Dagat Mediteraneo at hinuhubog ang isang look. Sumasaklaw ng puwerto ng Tripoli at ang pinakamalaking sentro ng komersyo at pagmamanupaktura sa bansa, at saka sumasaklaw ng Unibersidad ng Tripoli. Ang malawak na kuwartel ng Bab al-Azizia (Arabe: باب العزيزية‎, romanisado: Bāb al ‘Azīzīyah, lit. na 'Marilag na Tarangkahan'), na sumasaklaw ng dating ari-ariang pangpamilya ni Muammar Gaddafi, ay din nasa lungsod. Lalo naghari ang Kolonel Gaddafi ng lungsod mula sa kaniyang tahanan sa itong kuwartel.

Itinayo ang Tripoli noong ika-7 dantaon BC ng mga taga-Phoenicia, kung sinu-sino ibinigay ang pangalang Oyat (Padron:Lang-xpu, Wyʿt)[5][6], bago nilipatan sa mga Griyegong pinuno ng Sirenaika, kung sinu-sino muling pinangalanan ang lungsod bilang Oea (Griyego: Ὀία, Oía).[7] Dahil sa matagal na kasaysayan ng lungsod, may mararaming sityo na may arkeolohikong kahalagahan nasa Tripoli. Ang terminong Tripoli ay din maaaring tukuyin ang sha'biyah (pinakamataas na antas ng administratibong dibisyon sa sistemang Libyano, Arabe: شعبية‎, romanisado: šaʿbiyya), ang Distrito ng Tripoli (Arabe: طرابلس عروس البحر‎, romanisado: Aros Al baher Ṭarābulus).

Sa mundong Arabe, ang Tripoli ay kilala rin bilang Tripoli ng Kanluran (Arabe: طرابلس الغرب‎, romanisado: Ṭarābulus al-Gharb) para itangi ito sa Tripoli, Libano, na kilala sa Arabe bilang Tripoli ng Silangan (Arabe: طرابلس الشام‎, romanisado: Ṭarābulus al-Sham). Ito ay masintahing kilala rin bilang "Sirena ng Mediteraneo" (Arabe: عروسة البحر‎, romanisado: ʿArūsat al-Baḥr, lit. na 'asawa ng dagat'), isang sanggunian sa kaniyang mga tubig na kulay turkesa at kaniyang mga puting gusali.

Ang pangalan ay hango sa Sinaunang Griyego: Τρίπολις, romanisado: Tripolis, literal na "tatlong lungsod", na tinutukoy ang Oea, Sabratha at Leptis Magna. Ang lungsod ng Oea ay nag-iisa na nabuhay lagpas na antigwedad, at naging Tripoli, sa loob ng isang mas malawak na rehiyong kilala bilang Tripolitania. Ang karatig na Sabratha ay minsan tinukoy ng mga mandaragat bilang "Lumang Tripoli".

Sa wikang Arabe tinatawag na طرابلس Ṭarābulus, at sa mga wikang Berber Trables.

Itinayo ang lungsod noong ika-7 na siglo BK ng mga Penisyo, kung sinu-sino ibinigay ang pangalang Oyat (Puniko: 𐤅𐤉‬‬𐤏‬𐤕‬, wyʿt),[5][6] na nagmumungkahi na baka itinayo ang lungsod sa lugar na isang umiiral na katutubong Berber lungsod. Malamang ang mga Penisyo ay inakit ng niyang likas na daungan. Nasa kanluraning baybayin may isang maliit tangway na madaling naipagtatanggol, kung saan itinayo nila ang kanilang kolonya. Pagkatapos nilipatan ng lungsod sa mga kamay ng mga Griyegong pinuno ng Sirenaika bilang Oea (Sinaunang Griyego: Ὀία, romanisado: Oía). Ang Sirene ay isang kolonya sa baybayin ng Hilagang Aprika, medyo sa silangan ng Tambroli at kalagitnaan ng Ehipto. Ang mga Kartahinese ay mamayang muling dumagit nito mula sa mga Griyego.

Noong ang kalaunang kalahati ng ika-2 na siglo BK, kinabilangan ang lungsod ng mga Romano, kung sinu-sino isinama ito sa kanilang probinsya ng Africa at ibinigay nito ang pangalang Regio Syrtica. Malapit na simula ng ika-3 na siglo AD, kilala bileng Regio Tripolitana, o "Rehiyon ng Tatlong Lungsod", kumbaga Oea (i.e. modernong Tripoli), Sabratha at Leptis Magna. Malamang itinaas sa ranggo ng hiwalay na probinsya ni Septimio Severo, kung sino isinilang sa Leptis Magna.

Romanong Arko ni Marco Aurelio

Maski mga siglo ng pagtirang Romano, ang nag-iisang Romanong gusaling nananatili, bukod sa iba't ibang haligi at kapital (na kalimitang isinama sa mga gusaling mas huli) ay Arko ni Marco Aurelio mula sa ika-2 na siglo AD. Ang katotohanan na ang Tripoli ay patuloy na naninirahan, hindi tulad ng hal., Sabratha at Leptis Magna, ay nangangahulugan na ang mga naninirahan ay alinman sa kumuha ng materyal mula sa mas lumang mga gusali (pagsira sa kanila sa proseso) o itinayo sa tuktok ng mga ito, na inilibing ang mga ito sa ilalim ng mga kalye, kung saan sila ay nananatiling higit sa lahat hindi nahuhukay.

May ebidensya para magmungkahi na sa rehiyong Tripolitania ay nakaapekto ng ilang ekonomikong paghina ng ekonomiya habang ika-5 at ika-6 na siglo, sa bahagi dahil sa politikal na kaguluhang kumalat sa buong mundong Mediteraneo dahil sa pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano, at saka dahil sa presyon ng mga lahing Bandalong nanghimasok. Itinala ni Ibn Abd al-Hakam (Arabe: ابن عبد الحكم‎) na habang atake sa Tripoli ng isang heneral ng dinastiyang Rashidun, Amr ibn al-As (Arabe: عمرو بن العاص السهمي‎), pito sa kaniyang mga sundalo mula sa angkan ng Madhlij, isang subsangay ng Kinana (Arabe: كِنَاَنَة‎, romanisado: Kināna), ay nagkatagpo ng isang seksyon ng kanluranin ng baybayin ng Tripoli na hindi napaderan habang kanilang rutinang pampamamaril. Ang pitong sundalong iyon ay ganitong nakapasok sa loob nang walang pagtuklas ng mga bantay ng lungsod, pagkatapos nag-udyok ng kaguluhan sa loob ng lungsod. Habang kaguluhan sumigaw sila "Takbir!" (Arabe: تَكْبِير‎), na nagdulot ng pag-iisip ng mga nalilitong sundalong Bisantino na ang mga puwersong Muslim ay na nasa lungsod. Pagkatapos tumakas ang mga sundalong Bisantino sa kanilang barko at umalis ng Tripoli, kaya pinayagan si Amr na mapasakop ang lungsod nang madali.

Ayon sa al-Baladhuri (Arabe: البلاذري‎, romanisado: al-Balādhurī), ang Tripoli ay, hindi tulad ng Kanluraning Hilagang Aprika, binihag ng mga Muslim napakaaga pagkatapos ng Alehandriya, noong ika-22 taon ng Hegira, kumbaga sa pagitan ng Nobyembre 30, 642, at Nobyembre 18, 643 AD. Pagkatapos ng pagsakop, naghari ng Tripoli ang iba't ibang dinastiya, na may punong himpilan sa Cairo, Ehipto (mga Fatimid, Banu Khazrun, at Mamluk) at Kairouan (Arabe: ٱلْقَيْرَوَان‎, romanisado: al-Qayrawān) sa Ifriqiya (Arabe: إفريقية‎, romanisado: Ifrīqya, lit. na 'Aprika') (mga Fihrid, Muhallabid at Aghlabid). Saglit lang ito ay bahagi ng kalipatong Almohad ng mga Berber, at saka bahagi ng kahariang Hafsid at dinastiyang Banu Thabit.

Ika-16–19 na siglo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Makasaysayang mapa ng Tripoli ni Piri Reis.

Noong 1610 kinuha ni Pedro Navarro, Konde ng Oliveto, para sa Espanya. Noong 1530 inilagay, kabilang sa Malta, sa mga Kabalyero ni San Juan, kung sinu-sino ay ibinuga ng mga Otomanong Turko mula sa kanilang moog sa pulong Rodas. Ang mga Kabalyero, ngayon nasa napakapoot na teritoryo, nagpabuti ng mga pader at ibang tanggol ng lungsod. Maski itinayo sa itaas ng mararaming mas lumang gusali (baka kabilang sa isang Romanong ligo), karamihan sa mga pinakaunang istrukturang depensiba ng kastilyo ng Tripoli (Arabe: السرايا الحمراء‎, romanisado: Assaraya al-Hamra, kumbaga "Pulang Kastilyo") ay ipinalalagay na itinayo ng mga Kabalyero ni San Juan.

Dahil sa dating nilabanan ang panunulisan mula sa kanilang base sa Rodas, ang mga susi sa lungsod ay ibinigay sa mga Kabalyero para hindi na ito muling maging isang pugad para sa mga piratang Berber.[kailangan ng sanggunian] Ang kaguluhang idinulot ng mga pirata sa mga Kristiyanong eskinita ng pagpapadala ay isa sa mga pangunahing insentibo para sa Kastilang pagbagsak ng lungsod.

Tripoli, 1675, mapa ni John Seller.

Ang mga kabalyero pinananatiling ang lungsod na may ilang mga problema hanggang 1551, kung kailan napilitan silang sumuko sa mga Otomano, na pinamunuan ng Muslim na Turkong komandanteng Turgut Reis. Nagsilbi ang Turgut Reis bilang pasha ng Tripoli. Habang kaniyang paghahari, nag-adorno at nagpabuti siya ng lungsod, na naging isa sa mga pinaka-impresibong lungsod sa baybayin ng Hilagang Aprika. Ibinaon ni Turgut sa Tripoli pagkatapos ng niyang pagkamatay noong 1565. Inilipat ang kaniyang bangkay mula sa Malta, kung saan bumagsak habang Otomanong pagkubkob ng pulo, sa isang puntod sa [[Moskeng Sidi Darghut}} (Arabe: جامع درغوت باشا‎) na itinayo ni Turgut nang malapit sa kaniyang palasyo sa Tripoli. Naparam ang palasyo (parang nakatayo sa pagitan ng tinatawag na "Otomanong bilangguan" at ng Arko ni Marco Aurelio[kailangan ng sanggunian]) pero nananatili ang moske, kasama sa kaniyang puntod, nang malapit sa tarangkahang Bab Al-Bahr (Arabe: باب البحر‎, lit. na 'Tarangkahan (o Pinto) ng Dagat').

Pagkatapos ng pagkakadakip ng mga Otomanong Turko, ang Tripoli ay muling naging isang base ng operasyon para sa mga piratang Berber. Ang isa sa mararaming Kanluraning pagsubok para muling matanggal nila ay isang atake ng Royal Navy (ng Gran Britanya) sa ilalim ni John Narborough noong 1675. Nananatili ang isang matingkad na salaysay na unang-kamay.

Olandes ng mga barko, sa lapit ng Tripoli, ni Reinier Nooms, c. 1650.

Ang mabisang Otomanong paghahari habang itong panahon (1551–1711) ay madalas na pinigilan ng lokal na corps ng mga Henisaro. Ang mga Henisaro ay dapat maging mga tagapagpatupad ng lokal na pangangasiwa, pero ang kapitan ng mga Henisaro at kaniyang mga kaibigan ay madalas na mga pinunong de facto.

Noong 1711, si Ahmed Karamanli, isang Henisarong opisyal ng Turkong pinagmulan, ay pumatay ng Otomanong gobernador o pasha, at naging pinuno ng rehiyon ng Tripolitania. Noong 1714, nagpahayag siya ng ilang uri ng semi-kasarinlan mula sa Otomanong sultan, at kaya itinayo ang dinastiyang Karamanli. Ang mga pasha ng Tripoli ay dapat magbayad ng isang regular na buwis sa sultan de jure, pero de facto ay mga pinuno ng isang independiyenteng kaharian. Nagpatuloy ang itong sistema sa ilalim ng paghahari ng niyang mga inapo, kasama sa walang pakundangang pandarambong panunulisan at pag-uusig, hanggang sa 1835 kung kailan Imperyong Otomano ay pinagsamantalahan ang isang panloob na pakikibaka at muling nagpahayag ng niyang awtoridad.

Ang Otomanong probinsya (vilayet) ng Tripoli (kasama sa dependeng sanjak ng Sirenaika) ay nasa katimugang baybayin ng Mediteraneo sa pagitan ng Tunisia sa kanluran at Ehipto sa silangan. Bukod sa mismong lungsod, sumaklaw ang purok ng Siranaika (talampas ng Barca), ng kadena ng mga oasis nasa depresyong Aujila, Fezzan at mga oasis ng Ghadames at Ghat, na pinaghihiwalay ng buhanging at batuhang ilang. Tinukoy ng isang Tsinong biyahero mula sa ika-16 na siglo ang Tripoli at inilarawan ang kaniyang mga mga produktong pang-agrikultura at pantela.

Mga digmaang Barbaryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang USS Philadelphia, mabigat na frigate ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, ay sinunog sa Ikalawang Labanan ng Puwerto ng Tripoli habang Unang Digmaang Barbaryo noong 1804.

Sa unang bahagi ng ika-19 na siglo, ang rehensiya sa Tripoli, dahil sa kalat na panunulisan, dalawang beses na nasangkot sa digmaan sa Estados Unidos. Noong Mayo 1801, humingi ang pasha ng isang pagtaas ng pagpupugay ($83,000) na pamahalaang Amerikano nagbayad mula sa 1796 para sa proteksyon ng niyang kalakalan mula sa panunulisan sa ilalim ng Tratado ng Tripoli (1796). Ang hingi ay tinanggihan ni ikatlong Pangulo Thomas Jefferson, at ipinadala ang isang hukbong dagat para harangin ang Tripoli.

Ang Unang Digmaang Barbaryo (1801–1805) ay nagtagal ng apat na taon. Noong 1803, ang mga sundalo ng Tripoli ay bumihag ng USS Philadelphia at kumuha ng niyang kapitan, William Bainbridge, at buong tripulante bilang mga preso. Nangyari ito pagkatapos sumadsad ang Philadelphia kapag sinubukan ng kapitan na mag-navigate nang masyadong malapit sa port ng Tripoli. Pagkatapos ng mararaming oras, sadsad at napapalibutan ng mga putok ng baril (kahit wala ay tumama sa Philadelphia), pinili ni Kapitan Bainbridge ang pagsuko. Kalaunan ang Philadelphia ay ginamit laban sa mga Amerikano at nakaangkla sa Puwerto ng Tripoli bilang isang baterya ng baril, habang ang kanyang mga opisyal at tripulante ay mga preso sa Tripoli. Noong kasunod na taon, Tenyente Stephen Decatur pinangunahan ang isang matapang at matagumpay na pagsalakay noong gabi, para sirain ang barkong pandigma sa halip na makita pa ito sa mga kamay ng kaaway. Ang mga lalaki ni Decatur ay nanunog ng Philadelphia at tumakas.

Ang isang kapansin-pansing pangyayari habang digmaan ay ekspedisyong pinagtangkaan ni diplomatikong Konsul William Eaton. Ang kaniyang layunin ang pagpalit ng pasha sa isang kuya sa destiyero, na nangako na tutuparin ang lahat ng kagustuhan ng Estados Unidos. Si Eaton, bilang pinuno ng isang puwersang nakahalo ng Amerikanong mga sundalo at marino, kasama sa mga limang daang Griyegong, Arabeng, at Turkong mersenaryo, nagmartsa sa buong disyerto ng Ehipto / Libya mula sa Alehandriya at, sa tulong ng tatlong barkong pandigma ng Amerika, nagtagumpay sa paghuli ng Derna. Mamaya, noong Hunyo 3, 1805, tipanos ang kapayapaan. Natapos ng pasha ang kaniyang mga demanda at tinanggap ang $60,000 bilang pantubos para sa mga preso ng Philadelphia sa ilalim ng Tratado ng Tripoli.

Noong 1815, dahil sa mas maraming kabulastugan at ang pagpapahiya sa naunang pagkatalo, sina Kapitan Bainbridge at Stephen Decatur, bilang mga pinuno ng isang eskuwadrong Amerikano, muling bumisita ng Tripoli at pinilit ang pasha na sumunod sa mga hinihingi ng Estados Unidos. Tingnan ang Ikalawang Digmaang Barbaryo.

Huling panahong Otomano (1835–1912)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Otomanong tore ng orasan sa lumang medina ng Tripoli.

Noong 1835, sinamantala ng mga Otomano ang isang lokal na digmaang sibil upang muling igiit ang kanilang direktang awtoridad. Pagkatapos, ang Tripoli ay nasa ilalim ng direktang kontrol ng Dakilang Porte (Ingles: Sublime Porte, Turkong Otomano: باب عالی‎, romanisado: Bāb-ı Ālī o Babıali, kumbaga, Otomanong pamahalaan). Bigo ang mga rebelyon noong 1842 at 1844. Pagkatapos ng Pananakop ng Pransiya sa Tunisia (1881), malaking dinamihan ng mga Otomano ang kaniyang garison sa Tripoli.[kailangang linawin]

Panahong Italyano (1912–1947)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Italyanong naninirahan sa Libya at katutubong Libyano sa Tripoli, dekada 1930.

Matagal nang sinabi ng Italya na ang Tripoli ay nasa loob ng espera ng impluwensiya nito at ang Italya ay may karapatang pangalagaan ang kaayusan sa loob ng estado. Parang pinrotektahan nito ang sariling mamamayan na naninirahan sa Tripoli mula sa pamahalaang Otomano, nagdeklara ang Italya ng digmaan kontra mga Otomano noong Setyembre 29, 1911, at nagpahayag ng layon ng pagkuha ng Tripoli. Noong Oktubre 1, 1911, ipinaglaban ng isang labanan sa Preveza, Gresya, at sinira ang tatlong Otomanong barko.

Sa Tratado ng Lausanne, ang soberanya ng Italya sa Tripolitania at Sirenaika ay kinitala ng mga Otomano, ngunit ang kalipa ay pinayagang gumamit ng awtoridad sa relihiyon. Opisyal na ipinagkaloob ng Italya ang awtonomiya pagkatapos ng digmaan, pero unti-unting inokupahan ang rehiyon. Ang Tripoli at paligid, na orihinal na pinamahalaan bilang bahagi ng nag-iising kolonya, ay naging hiwalay na kolonya mula sa Hunyo 26, 1927, hanggang sa Disyembre 3, 1934, kung kailan isinama ang lahat ng Italyanong pag-aari sa Hilagang Aprika sa isang kolonya. Noong 1938, ang Tripoli ay may 108,240 naninirahan, kabilang sa 39,096 na Italyano.

Pagdating sa arkitektura, malaking bumuti ang Tripoli sa ilalim ng paghaharing Italyano. Ang unang gawain ng mga Italyano ay paglikha, noong dekada 1920, ng isang sistema ng dumi sa alkantarilya (na dating wala) at isang modernong ospital.

Sa baybayin ng lalawigan itinayo noong 1937–1938 ang isang seksyon ng Litoranea Balbia, isang daan na nagpunta mula sa Tripoli at prontera ng Tunisia hanggang sa hangganan ng Ehipto. Ang etiketang pansasakyan para sa Italyanong lalawigan ng Tripoli ay "TL".

Fiera internazionale di Tripoli (Peryang Pandaigdig ng Tripoli) noong 1939.

Saka, noong 1927, itinayo ng mga Italyano ang Peryang Pandaigdig ng Tripoli para isulong ang ekonomiya ng Tripoli. Ito ay pinakamatandang peryang pangkomersyo nasa Aprika. Ang Fiera internazionale di Tripoli ay isa sa mga pangunahing pandaigdig na "Perya" sa mundong kolonyal ng dekada 1930, at pandaigdig na isinulong, kasama sa Grand Prix ng Tripoli, bilang pagpakitang-gilas ng Italyanong Libya.

Lumikha ang mga Italyano ng Grand Prix ng Tripoli, isang pangyayaring pandaigdig pampagkarera na unang ginanap noong 1925 sa isang sirkitong pampagkarera sa labas ng Tripoli. Nangyari ang Grand Prix ng Tripoli hanggang sa 1940. Ang unang paliparan sa Libya, ang Baseng Panghimpapawid Mellaha, ay ginawa ng Hukbong Himpapawid ng Italya nang malapit ng sirkitong pampagkarera ng Tripoli. Ang eroporto ay kasalukuyang tinatawag na Paliparang Pandaigdig Mitiga.

Sa oras na iyon ang Tripoli ay may istasyon ng tren na may maliliit na koneksyon sa tren sa kalapit na mga lungsod, kung kailan noong Agosto 1941, sinimulan ng mga Italyano ang konstruksiyon ng isang bagong 1,040 kilometrong riles, na may isang 1,435 mm panukat o gauge bilang ang ginamit sa Ehipto at Tunisia. Pero noong sumunod na taon, tumigil ang digmaan ng konstruksiyon.

Kinontrol ng Italya ang Tripoli hanggang sa 1943 kung kailan hinuli ng mga puwersang Alyado ang mga lalawigan ng Tripolitania at Sirenaika. Nahulog ang lungsod sa mga tropa ng Britanikong Ikawalong Hukbo noong Enero 23, 1943. Tapos pinamahalaan ng mga Britaniko hanggang sa kasarinlan noong 1951. Sa ilalim ng Tratado ng Paris sa pagitan ng Italya at mga Alyado (1947) isinuko ng Italya ang lahat ng angkin sa Libya.

Panahon ni Gaddafi (1969–2011)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kolonel Muammar Gaddafi ay naging pinuno ng Libya noong Setyembre 1, 1969, pagkatapos ng isang matagumpay na kudeta.

Noong Abril 15, 1986, iniutos ng Pangulo Ronald Reagan ang mga pangunahing pambobomba, na kilala bilang Operasyong El Dorado Canyon, kontra Tripoli at Benghazi, at na ikinamatay ang 45 tauhan ng militar at pamahalaan ng Libya gayundin ng 15 sibilyan. Sumunod ang itong aklas ng Amerikanong paghaharang ng mga mensaheng telex mula sa embahada ng Libya sa Silangang Berlin na iminungkahi ang pagkakasangkot ng Muammar Gaddafi, pinunong Libyano, sa isang pagbomba (Abril 5, 1986) sa La Belle Discothèque, isang nightclub na madalas na pinuntahan ng mga sundalo ng Estados Unidos, sa Kanlurang Berlin. Kabilang sa umano'y mga nasawi sa atakeng panggantihan ng Abril 15 ng Estados Unidos ay ang inampon na anak ni Gaddafi na si Hana Gaddafi.

Ang mga parusa ng Nagkakaisang Bansa kontra Libya, na ipinataw noong Abril 1992 sa ilalim ng Resolusyon 748 ng Kapulungang Panseguridad, ay binitawan noong Setyembre 2003, na dinamihan ang trapiko sa Puwerto ng Tripoli at sa mga eroporto ng Libya. Ito ay nagpatubi ng ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng mas madaling pagpasok ng mga kalakal.

Digmaang Sibil ng Libya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga guhit ng labanan habang Labanan ng Tripoli (Agosto 20–28 2011).

Noong Pebrero at Marso 2011, nasaksihan ng Tripoli ang mga protesta at sagupaan, na nagdulot ng pagpatay at pagkasugat ng daan-daang tao. Ang Berdeng Plasa ay tagpo ng ilang mga protesta. Ang mga protesta kontra Gaddafi ay dinurog sa wakas, at ang Tripoli ay naging tagpo ng mga rally pro Gaddafi.

Kabilang sa mga depensor ng Gaddafi ay punong himpilang pangmilitar sa Bab al-Azizia (kung saan hinanap ang pangunahing tahanan ni Gaddafi) at Paliparang Pandaigdig Mitiga. Sa huli, noong Marso 13, si Ali Atiyya, isang kolonel ng Hukbong Himpapawid ng Libya, sumali sa rebolusyon.

Noong huling Pebrero, ang mga puwersang rebelde ay kumuha Zawiya, isang lungsod na tinatayang 50 km sa kanluran ng Tripoli, na nadagdagan ang banta sa mga puwersang pro Gaddafi sa kabisera. Habang kasunod na labanan ng Zawiya, dinumog ng mga puwersang matapat ang lungsod at sa wakas muling kumuha nito noong Marso 10.

Habang interbensyong militar sa Libya, ang lungsod ay muling nagbata ng isang atake sa hangin. Ito ang ikalawang pagkakataon na binomba ang Tripoli mula atake sa hangin noong 1986 na nagbomba sa Bab al Azizia, ang mabigat na pinatibay na tambalan ni Gaddafi.

Sa Hulyo at Agosto, ang mga online na rebolusyonaryong komunidad ng Libya ay nag-post ng mga tweet at update sa pag atake ng mga rebeldeng mandirigma sa mga sasakyan at checkpoint ng pro pamahalaan. Ang isang ganiyang atake ay pinunterya sina Saif al-Islam Gaddafi at Abdullah Senussi. Gayunman, itinakwil ng pamahalaan ang rebolusyonaryong aktibidad sa kabisera.

Ilang buwan matapos ang inisyal na pag-aalsa, umabante ang mga puwersang rebelde mula sa Bulubundukin ng Nafusa patungo sa baybayin, muling kumuha ng Zawiya at umabot sa Tripoli noong Agosto 21. Sa araw na iyon, ang simbolikong Berdeng Plasa ay agad na pinalitan ng pangalang Plasa ng mga Martir ng mga rebelde, at inialis at sinunog ang mga karatulang pro Gaddafi.

Habang isang talumpati sa radyo noong Setyembre 1, sinabi ni Gaddafi na ang kabisera ng Dakilang Sosyalistang Popular na Libyanong Arabeng Jamahiriya (Arabe: الجماهيرية العربية الليبية الشعبية الإشتراكية‎, romanisado: al-Jamāhīrīyah al-'Arabīyah al-Lībīyah ash-Sha'bīyah al-Ishtirākīyah) ay nilipatan mula sa Tripoli hanggang sa Sirte, pagkatapos ng pananakop ng mga rebelde sa Tripoli.

Noong Agosto at Setyembre 2014, pinalawig ng mga armadong grupong Islamista ang kanilang kontrol sa gitnang Tripoli. Ang Kapulungan ng mga kinatawan ay nagsimulang tumakbo sa isang Griyegong balsa sa Tobruk. Ang isang Bagong Pangkalahatang Pambansang Kongreso ay patuloy na tumakbo sa Tripoli.

Batas at pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Tripoli at kaniyang mga naik ay nasa sha'biyah ng Tripoli. Alinsunod sa dating sistemang Jamahiriya ng Libya, ang Tripoli ay yari sa Lokal na Popular na Kongreso kung saan, sa teorya, napag-uusapan ng populasyon ng lungsod ang iba't ibang paksa at inihahalal ang sariling popular na komite. Kasalukuyan[kailan?] may 29 na Lokal na Popular na Kongreso. Sa katotohanan, nilimitahan ng mga dating rebolusyonaryong komite ang demokratikong proseso, sa pamamagitan ng mahigpit na superbisyon ng mga eleksyon pangkomite at pangkongreso, sa bawa't isang antas ng pamahalaan, at ang Tripoli hindi ay kataliwasan.

Paminsan-minsan tinatawag ang Tripoli na "de jure kabisera ng Libya" kasi ang wala sa mga ministeryo ng bansa ay nga nasa kabisera. Gayon din ang dating mga Pambansang Heneral na Popular na Kongreso ay taun-taong ginanap sa Sirte imbes na sa Tripoli. Bilang bahagi ng isang radikal na programa ng desentralisasyon na isinagawa ni Gaddafi noong Setyembre 1988, ang lahat ng mga sekretaryado (mga ministeryo) ng Heneral na Popular na Komite, maliban sa mga responsable para sa mga ugnayang panlabas (patakarang panlabas at ugnayang pandaigdigan) at impormasyon, ay nilipatan sa labas ng Tripoli. Ayon sa mga sangguniang diplomatiko, ang dating Sekretaryado para sa Ekonomiya at Kalakalan ay nilipatan sa Benghazi, ang Sekretaryado para sa Kalusugan sa Kufra, at ang mga natira, maliban sa isa, sa Sirte, tinubuang-bayan ni Muammar Gaddafi. Noong maagang 1993 inihayag na Sekretaryado para sa Ugnayang Panlabas ay nilipatan sa Ras Lanuf. Noong Oktubre 2011, ang Libya ay nahulog sa Pambansang Konsehong Transisyonal (PKT), na kumuha ng lahat ng kontrol, at na lumipol ng sistema, ng panahon ni Gaddafi, ng pambansang at lokal na pamahalaan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://citypopulation.de/en/libya/.
  2. Jones, Daniel (2003) [1917], Peter Roach; James Hartmann; Jane Setter (mga pat.), English Pronouncing Dictionary (sa wikang Ingles), Cambridge University Press, ISBN 3-12-539683-2{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Tripoli - History, Geography, & Facts". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). 2020-03-26. Nakuha noong 2022-09-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Van Donzel, E.J. (1994). Islamic Desk Reference (sa wikang Ingles). E.J. Brill. ISBN 978-90-04-09738-4. Nakuha noong 2022-09-30.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Great Britain. Admiralty (1920). A Handbook of Libya. I.D. 1162 (sa wikang Ingles). H.M. Stationery Office. p. 134.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Major Urban Areas – Population". The World Factbook (sa wikang Ingles). Central Intelligence Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Anthony R. Birley (2002). Septimus Severus (sa wikang Ingles). Routledge. p. 2. ISBN 978-1-13470746-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Mansour Ghaki (2015), "Toponymie et Onomastique Libyques: L'Apport de l'Écriture Punique/Néopunique", La Lingua nella Vita e la Vita della Lingua: Itinerari e Percorsi degli Studi Berberi, Studi Africanistici: Quaderni di Studi Berberi e Libico-Berberi (sa wikang Pranses), bol. No. 4, Naples: Unior, pp. 65–71, ISBN 978-88-6719-125-3{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Daniel J. Hopkins (1997). Merriam-Webster's Geographical Dictionary (Index) (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. ISBN 0-87779-546-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Aprika Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.