Taskent
Tashkent Тошкент | |||
---|---|---|---|
lungsod, administrative territorial entity of Uzbekistan, unang antas ng dibisyong pampangasiwaan ng bansa | |||
| |||
Mga koordinado: 41°18′40″N 69°16′47″E / 41.3111°N 69.2797°E | |||
Bansa | Uzbekistan | ||
Lokasyon | Uzbekistan | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 334.8 km2 (129.3 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Enero 2023)[1] | |||
• Kabuuan | 2,956,384 | ||
• Kapal | 8,800/km2 (23,000/milya kuwadrado) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | UZ-TK | ||
Wika | Wikang Usbeko | ||
Plaka ng sasakyan | 01—09 | ||
Websayt | https://tashkent.uz |
Ang Tashkent ( /tæʃˈkɛnt/, Usbeko: Toshkent, Тошкент / تاشکند, /USalsotɑːʃʔ/, mula sa Ruso: Ташкент) o Toshkent ( /tɒʃˈkɛnt/; Padron:IPA-uz), dating Chach, ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansang Uzbekistan. Ito ay pinakamataong lungsod sa Gitnang Asya, na may 3 milyong tao. Ito ay nasa hilagang-silangan ng Uzbekistan, sa lapit ng hangganan sa Kasakistan. Ang pangalang Taskent ay hango sa mga Turkong salitang taş "bato" at kent "lungsod", na literal na isinalin bilang "Batong Lungsod" o "Lungsod ng mga Bato".
Bago simula ng impluwensiyang Islamiko noong kalagitnaan ng ika-8 na siglo AD, inimpluwensyahan ang Taskent ng mga kulturang Sogdiyano at Turko. Pagkatapos sinira ni Genghis Khan noong 1219, muling itinayo at tumubo sa pamamagitan ng Daan ng Sutla. Noong ika-18 at ika-19 na siglo, ang lungsod ay naging isang independiyenteng siyudad-estado, bago muling sinakop ng Khanato ng Kokand. Noong 1865, nahulog ang Taskent sa Imperyong Ruso at naging kabisera ng Rusong Turkestan. Sa panahong Sobyet, nasaksihan ang pangunahing paglaki at demograpikong pagbabago sa pamamagitan ng mga sapilitang deportasyon mula sa buong Unyong Sobyet. Sinira ang malaking bahagi ng lungsod sa lindol sa Taskent (1966) pero muling itinayo bilang isang modelong lungsod. Sa panahong iyon ito ay ikaapat na pinakamalaking lungsod sa Unyong Sobyet pagkatapos ng Mosku, Leningrad (ngayon San Petersburgo), at Kyiv.
Ngayong araw, bilang kabisera ng isang independiyenteng Uzbekistan, pinananatili ng Taskent ang isang populasyong multietniko, na may etnikong mga Uzbek bilang karamihan. Noong 2009, nagdiwang ang lungsod ng kaniyang 2,200 taon ng naisulat na kasaysayan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Habang kaniyang matagal na kasaysayan, isinailalim ng Taskent ang iba't ibang pagbabago sa pangalan at sa mga kaanib na politiko at relihiyoso. Sumulat si al-Biruni na pangalang Taskent ay hango sa mga Turkong salitang taş "bato" at kent "lungsod", na literal na isinalin bilang "Batong Lungsod" o "Lungsod ng mga Bato".
Binakas ni Ilya Gershevitch (1974:55, 72) (apud Livshits, 2007:179) ang lumang pangalang Chach sa Lumang Iraniyanong *čāiča- (cf. Čaēčista, ang pangalan ng Dagat Aral sa Avesta) (mula sa ito, ang transkripsiyon, sa Gitnang Tsino, ng *źiäk → pamantayang Tsinong shí na may panitik ng wikang Intsik 石 para sa "bato"), at ipinanukala na ang *Čačkand ~ Čačkanθ ay batayan para sa Turkikong adaptasyong Tashkent, "lungsod ng mga bato" ayon sa popular na etimolohiya. Ipinanukala ni Livshits na orihinal na nangahulugan ang *Čač ng Dagat Aral lang, bago ginamit para sa oasis ng Taskent.
Pinipintasan ni Ünal (2022) ang etimolohiya nina Gershevitch and Livshits bilang "batay sa masyadong maraming mga pagpapalagay". Imbes, nagpapahayag na ang pangalang *Čač ay hango sa Huling Proto-Turkikong *t1iāt2(ă) "bato", na ayon sa kanya ay ibang pagsasalin, bukod sa Tsinong pagsasaling 石 shí "bato", ng *kaŋk- (mula sa ito, ang transkripsiyong Tsinong 康居 HLT *kʰɑŋ-kɨɑ → pamantayang Tsinong kāngjū), na posibleng nangahulugan ng "bato". Kontra pinagmulang Tokaryong iminungkahi, nina Harold Walter Bailey at Edwin G. Pulleyblank, para sa *kaŋk-, ipinapanukala ni Ünal na imbes ito ay salitang Lumang Iraniyano at ikinukumpara nito sa Pastung کونړی kā́ṇay "bato".
Maagang kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang pagtira sa Taskent ay minsan sa pagitan ng ika-5 at ika-3 na siglo BK, ng mga sinaunang tao bilang isang oasis sa Ilog Tsirtsik (Usbeko: Chirchiq, Чирчиқ, Ruso: Чирчик), sa lapit ng mga paambundok ng Kanluran Bulubunduking Tian Shan. Sa mga sinaunang panahon, ang itong purok ay sumaklaw ng Beitian, malamang ang panag-araw na "kabisera" ng kompederasyong Kangju. Naniniwala ang ilang mga iskolar na ang isang "Tore ng Bato" na tinukoy ni Ptolomeo sa kaniyang sikat na tratadong Heograpiya, at ng ibang mga maaagang salaysay ng mga lakbay sa lumang Daan ng Sutla, ay tinukoy ang itong bayan (dahil sa kaniyang etimolohiya). Sinabi na ang itong tore ay tanda ng kalahating punto sa pagitan ng Europa at Tsina. Ang ibang mga iskolar, gayunman, hindi sumasang-ayon sa itong pagkilala, ngunit nananatili ito isa sa apat na pinakamalamang na mga pook para sa Tore ng Bato.
Kasaysayan bilang Chach
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa panahong pre-Islamiko at maagang Islamiko, ang bayan at lalawigan ay kilala bilang Chach. Tinukoy din ng Shāhnāmeh ni Ferdowsi ang lungsod bilang Chach.
Ang prinsipalidad ng Chach ay may isang kuta hugis parisukat na initayo nang humigit-kumulang noong ika-5–3 na siglo BK, mga 8 km sa timog ng Ilog Syr Darya (Usbeko: Sirdaryo). Noong ika-7 na siglo AD, ang Chach ay may higit sa 30 mga bayan at isang network ng higit sa 50 kanal, kaya bumuo ng isang sentrong pangkomersyo sa pagitan ng mga nomadang taga-Sogdiya at mga Turkiko. Ang Budistang monghe ni Xuanzang (Tsino: 玄奘, 602/603? – 664 AD), kung sino nagbiyahe mula sa Tsina hanggang sa India via Gitnang Asya, tinukoy ang pangalan ng lungsod bilang Zhěshí (赭時). Ang mga Tsinong talaarawang Kasaysayan ng mga Hilaga Dinastiya (Tsino: 北史), Aklat ng Sui (Tsino: 隋書), at Lumang Aklat ng Tang (Tsino: 舊唐書) ay tinukoy ang isang pag-aari tinawag na Shí 石 ("Bato") o Zhěshí 赭時 na may kabisera na may parehong pangalan mula noong ika-5 na siglo AD.
Noong 558–603, ang Chach ay bahagi ng Unang Turkikong Khaganato. Noong simula ng ika-7 na siglo, ang Turkikong Khaganato, bilang resulta ng mga digmaang internesino at mga digmaan sa mga kapitbahay nito, natibag sa mga khaganatong Kanluranin at Silanganin. Itinayo ng Kanluraning Turkikong hari Tong Yabghu Qaghan (618–630) ang kaniyang punong himpilan sa pook ng Ming-bulak sa hilaga ng Chach. Tumanggap dito siya ng mga embahada mula sa mga emperador ng Dinastiyang Tang at Imperyong Bisantino. Noong 626, ang Indiyanong mangangaral ni Prabhakaramitra ay dumating kasabay sa sampung kasama sa Khagan. Noong 628, isang Budistang Tsinong monghe ni Xuanzang ay dumating sa Ming Bulak.
Idinisenyo ng mga Turkikong hari ng Chach ang kanilang mga barya na may inskripsiyon, sa harap na bahagi, ng "hari ng baryang Khakan" (kalagitnaan ng ika-8 na siglo).
Islamikong Kalipato
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinanop ang Taskent ng mga Arabe sa simula ng ika-8 na siglo.
Ayon sa mga paglalarawan ng mga may-akda ng ika-10 na siglo, hinati ang Shash sa isang kuta, isang panloob na lungsod (madina) at dalawang naik — isang panloob (rabad-dahil) at isang panlabas (rabad-harij). Ang kuta, na pinaligiran ng isang natatanging pader na may dalawang tarangkahan, ay sumaklaw ang palasyo ng hari at ang bilangguan.
Paghaharing Post-Kalipato
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ng Imperyong Samanid, kung kaninong tagapagtatag si Ismail Samani (Persa: اسماعیل سامانی) ay inapo ng isang Persang Zoroastrianong nabinyagan sa Islam, ang lungsod ay kilala bilang Binkath. Gayunman, pinanatili ng mga Arabe ang lumang pangalang Chach para sa paligid, na may pagbigkas ng ash-Shāsh (الشاش) imbes. Ang kand, qand, kent, kad, kath, kud — ang lahat sila ng ibig sabihin ay "lungsod" — ay hango sa Persang / Sogdiyanang kanda (کنده) "bayan, lungsod". Nahahanap din ang itong elemento sa mga pangalan ng lugar bilang Samarkand, Yarkand, Panjakent, Khujand, atbp.
Isinilang sa Taskent si Abu Bakr Muhammad ibn Ali ash-Shashi, kilala bilang al-Kaffal ash-Shashi (904–975), isang Islamikong teologo, iskolar, hurista ng Shafi'i madhhab, iskolar ng mga hadith, at lingguwista.[kailangan ng sanggunian]
Pagkatapos ng ika-11 na siglo, ini-evolve ang pangalan mula sa Chachkand/Chashkand sa Tashkand. Ang modernong pagbaybay ng Taskent ay sumasalamin ng Rusong ortograpiya (Ruso: Ташкент, romanisado: Tashkent) at impluwensiya ng mga Sobyet noong ika-20 na siglo.
Sa pagtatapos ng ika-10 na siglo, ang Taskent ay naging bahagi ng mga pag-aari ng Turkikong estado ng Khanatong Kara-Khanid. Noong 998/99 ang oasis ng Taskent ay kinabilangan ang Karakhanid ni Ahmad ibn Ali, kung sino naghari ng hilagang-silangang mga rehiyon ng Mavarannahr. Noong 1177/78, nabuo ang isang hiwalay na khanato sa oasis ng Taskent. Ang kaniyang sentro ay Banakat.
Pagsakop ng mga Monggol
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinira ang lungsod ni Genghis Khan noong 1219 at nawala ang malaking bahagi ng niyang populasyon bilang resulta ng pinsala ng mga Monggol ng Imperyong Khwarazmian noong 1220.
Panahong Timurid
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ng mga dinastiyang Timurida at kasunod na dinastiyang Shaybanid, unti-unting natauhan ang populasyon at kultura ng lungsod bilang isang prominenteng estratehikong sentro ng pagpapaaral at komersyo sa Daan ng Sutla. Habang paghahari ng Amir Timur (1336–1405), muling binuhay ang Taskent at noong ika-14–15 na siglo ay bahagi ng imperyo ni Timur. Para kay Timur, ang Taskent ay ipinalagay bilang isang estratehikong lungsod. Noong tagsibol ng 1391, nagbiyahe ni Timur mula sa Taskent hanggang sa Desht-i-Kipchak para maglaban ng Khan ng Ginintuang Horda, Tokhtamysh Khan. Bumalik si Timur mula sa itong matagumpay na kampanya via Taskent.
Ang pinakasikat na Sufistang santo ng Taskent ay Sheikh Khovendi at-Takhur (ika-13 hanggang unang kalahati ng ika-14 na siglo). Ayon sa alamat, iniutos ni Amir Timur, kung sino nagamot ang kaniyang sugatang binti sa pamamagitan ng nakapagpapagaling na tubig ng bukal ng Zem-Zem, ang isang mausoleo para sa santo. Sa utos ni Timur, itinayo ang mausoleong Zangiata.
Panahon sa ilalim ng mga Shaybanid
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong ika-16 na siglo, naghari ang dinastiyang Shaybanid ng Taskent.
Si Shaybanid Suyunchkhoja Khan ay isang naliwanagan na Uzbek na hari. Sa mga tradisyon ng kaniyang mga ninuno, nina Mirzo Ulugbek at Abul Khair Khan, nanguha siya ng mga sikat na mga siyentipiko, manunulat at makata sa kanyang hukuman, kabilang sa Vasifi, Abdullah Nasrullahi, at Masud bin Osmani Kuhistani. Mula noong 1518 si Vasifi ay edukador ng anak na lalaki ni Suyunchhoja Khan Keldi Muhammad, at pagkatapos ng pagkamatay ng tatay ng Muhammad, lumipat ang dalawa sa Taskent. Pagkatapos ng pagkamatay ni mismong Muhammad, si Vasifi ay naging edukador ng anak na lalaki ni Muhammad, Abu-l-Muzaffar Hasan-Sultan.
Mamaya, naghari ng lungsod si Shaybanid Abdullah Khan II (pinuno de facto mula noong 1557, de jure noong 1583–1598), kung sino ay nag-isyu ng mga barya dito. Noong 1598–1604 naghari ng lungsod si Shaybanid Keldi Muhammad, kung sino ay nag-isyu ng mga baryang yari sa pilak at tanso.
Panahon sa ilalim ng mga Kasaho
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1598, nag-away ang Kasahong Taukeel Khan at ang Khanato ng Bukhara. Ang mga tropang Bukharang ipinadala kontra siya ay tinala ng mga Kasaho sa labanan sa pagitan ng Taskent at Samarkand. Habang paghahari ni Yesim-Khan, pinirmahan ang isang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga Bukhara at Kasaho. Ayon sa itong tratado, pinabayaan ng mga Kasaho ang Samarkand, pero iniwanan ang Taskent, Turkestan, at mararaming lungsod ng Syr Darya.[kailangang linawin]
Noong 1598–1628 naghari si Yesim-Khan ng Khanatong Kasaho. Ang kaniyang pangunahing inam ay pagkakaisa ng Khanatong Kasaho.[ayon kanino?]
Sa pagitan ng 1598–1723 ang lungsod ay bahagi ng Khanatong Kasaho.
Estadong Taskent
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1784, si Yunus Khoja, ang pinuno ng dakha (distrito) ng Shayhantahur, ay nagkaisa ng buong lungsod sa ilalim ng niyang paghahari at lumikha ng isang independiyenteng estadong Taskent (1784–1807), na sa pagsisimula ng ika-19 na siglo sumakop ng napakawalak na teritoryo.
Khanato ng Kokand
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1809, isinama ang Taskent sa Khanato ng Kokand. Sa panahong iyon, ang Taskent ay may populasyon ng mga 100,000 at ipinalagay bilang pinakamayamang lungsod sa Gitnang Asya.
Sa ilalim ng panunupil ng Kokand, pinaligiran ang Taskent ng isang sangka (Ingles: moat) at mga depensang yari sa adobe (mga 20 km ang haba) na may labindalawang pintuan.
Sinuwerte ang lungsod sa pamamagitan ng kalakalan sa Rusya pero naghirap sa ilalim ng matataas na buwis ng Kokand. Saka, minabuti ng klero ng Taskent ang klero ng Bukhara imbes na klero ng Kokand. Gayunman, bago pa man magamit ng Emir ng Bukhara ang kawalang kasiyahan na ito, dumating ang Hukbong Katihan ng Rusya.
Panahong kolonyal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nangangailangan ang section ng karagdagang mga pagsipi o sanggunian para sa pagpapatunay. (Agosto 2023) |
Noong Mayo 1865, si Mikhail Grigoryevich Chernyaev (Ruso: Михаил Григорьевич Черняев), kontra mga direktang utos ng Tsar Alehandro II at outnumbered 15–1, ay tumupad ng isang matapang na pag-atake sa gabi kontra isang lungsod na may pader (25 km ang haba) na may labing-isang tarangkahan at 30,000 depensores. Habang ang isang maliit na kontinhente ay tumupad ng isang pag-atake bilang dibersyon, lumagos ang pangunahing puwersa ng nga pader sa ilalim ng pamumuno ng isang pari ng Simbahang Rusong Ortodokso. Maski matigas ang depensa, bumihag ang mga Ruso ng lungsod pagkatapos ng dalawang araw ng mabangis na paglaban at lamang 25 pagkamatay, kumpara sa libu-libo ng mga depensor (kabilang sa Alimqul, ang pinuno ng Khanatong Kokand).
Si Chernyayev, tinagurian ng mga lakay ng lungsod bilang "Leon ng Taskent", ay tumupad ng isang kampanya ng mga puso at isip para kumuha ng taguyod ng populasyon. Tinanggal niya ang mga buwis para sa isang taon, sumakay nang walang armas sa mga kalye at tiyangge, nagtapo ng mga karaniwang tao, at hinirang ang kanyang sarili "Gobernador Pangmilitar ng Taskent". Inirekomenda niya sa Tsar Alejandro II na ang lungsod maging isang independiyenteng khanato sa ilalim ng Rusong proteksyon.
Ginantimpalaan ng Tsar ang Chernyayev at kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng mga medalya at bonus, pero ipinalagay ang impulsibong heneral bilang isang maluwag na kanyon, at mamayang pinalitan siya ni Heneral Konstantin Petrovich von Kaufmann. Ang Taskent ay naging, hindi independiyente, kundi kabisera ng bagong teritoryo ng Rusong Turkestan, na may Kaufmann bilang unang Gobernador-Heneral. Ang isang akantonamiyento at isang Rusong bayan ay itinayo sa tapat ng Kanal Ankhor mula sa lumang lungsod, at mamayang binuhusan ng mga Rusong naninirahan at mangangalakal ang lungsod. Ang Taskent ay isang sentro ng espiyonahe sa Dakilang Laro sa pagitan ng Rusya at Reyno Unido para sa Gitnang Asya. Itinayo ang Distritong Pangmilitar ng Turkestan bilang bahagi ng mga repormang pangmilitar ng 1874. Noong 1889 dumating ang Riles Trans-Kaspiyo, at nanahan sa Taskent ang mga manggagawa sa riles, kung nakanino dumating din ang mga buto ng Himagsikang Bolshevik.
Bunga ng Himagsikang Ruso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Ruso, ang Rusong Pamahalaang Probisyonal ay nag-alis ng lahat ng sibil na paghihigpit batay sa relihiyon at nasyonalidad, na nag-ambag sa kasigasigan para sa Himagsikang Pebrero. Mamayang itinayo ang Sobyet ng Taskent ng mga Diputado ng mga Sundalo at Manggagawa, pero kumakatawan sa mga Rusong residente, halos isang ikalima ng populasyon ng Taskent. Mamayang itinayo ng mga Muslim na lider ang Konsehong Pangmuslim ng Taskent (Tashkand Shura-yi-Islamiya) sa lumang lungsod. Noong Marso 10, 1917, may isang parada na may mga manggagawang Ruso na nagmamartsa na may pulang watawat, mga sundalong Ruso na kumakanta ng La Marseillaise at libu-libong lokal na Gitnang Asyano. Pagkatapos ng iba't ibang talumpati, tinapos ng Gobernador-Heneral Aleksey Nikolayevich Kuropatkin (Ruso: Алексе́й Никола́евич Куропа́ткин) ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang "Mabuhay ang isang dakilang libreng Rusya".
Noong Abril 16–20, 1917, idinaos ang Unang Kumperansyang para sa mga Muslim ng Turkestan. Bilang Konsehong Pangmuslim, nanaig ang mga Jadid, repormistang Muslim. Lumitaw sa Taskent ang isang mas konserbatibong paksiyong isinentro sa mga Ulama. Ang itong paksiyon ay napunta matagumpay habang lokal na eleksyon ng Hulyo 1917. Bumuo siya ng isang alyansa sa mga Rusong konserbatibo, yamang ang mga Sobyet ay naging mas radikal. Ang pagsubok ng mga Sobyet para sakupin ang kapangyarihan ay hindi matagumpay.
Noong Abril 1918, ang Taskent ay naging kabisera ng Nagsasariling Sosyalistang Republikang Sobyetikang ng Turkestan (NSRS ng Turkestan). Ang bagong rehimen ay tinakot ng mga Puting puwersa (Ruso: Бѣлая армія/Белая армия, romanisado: Belaya armiya), basmachi (isang kilusang pampulitika, mula sa Uzbek para sa "mga bandido"), mga himagsik mula sa loob, at mga purga na iniutos mula sa Mosku.
Panahong Sobyet
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang industrialisasyon ng lungsod noong mga dekada 1920 at 1930.
Sa paglabag sa Kasunduang Molotov–Ribbentrop, sinakop ng Alemanyang Nazi ang Unyong Sobyet noong Hunyo 1941. Ang pamahalaan ay nagtrabaho para ilipat ang mga pabrika mula sa kanlurang Rusya at Ukranya sa Taskent para mapanatili ang kapasidad na Sobyet pang-industriya. Ito ay humantong sa malaking pagtaas ng industriya sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Inilipat din ang mga émigréng Komunistang Aleman sa Taskent. Madramang dumami ang populasyong Ruso: dahil sa mga inilikas mula sa mga sona ng digmaan, dumami ang kabuuang populasyon sa mahigit isang milyon. Sa wakas ang mga Ruso at Ukranyo ay mahigit kalahati ng kabuuang bilang ng mga residente ng Taskent. Pagkatapos ng digmaan, nanatili sa Taskent ang mararaming dating takas, imbes na umuwi.
Pagkatapos ng digmaan, itinayo ng Unyong Sobyet sa Taskent ang napakaraming mga pasilidad para sa agham at inhenyeriya.
Noong Enero 10, 1966, ang Punong Ministro ng Indiya, Lal Bahadur Shastri, at Pangulo ng Pakistan, Muhammad Ayub Khan, ay pumirma ng isang kasunduan sa Taskent, na namagitan ng Premier na Sobyet Alexei Kosygin, para maresolba ang mga tuntunin ng kapayapaan, pagkatapos ng Digmaang Indo-Pakistani ng 1965. Kinabukasan, biglang namatay si Shastri, dahil umano sa atake sa puso. Ito ay malawak na inakala na Shastri ay pinatay sa pamamagitan ng nalason na tubig.[kailangan ng sanggunian]
Karamihan sa lumang lungsod ng Taskent ay nawasak ng isang malakas na Lindol sa Taskent noong Abril 26, 1966. Naiwang walang tirahan ang mahigit 300,000 residente, at sinira ang mga 78,000 bahay na hindi magandang idinisenyo hindi magandang ginawa, pangunahin sa mga siksik na lugar ng lumang lungsod kung saan nangibabaw ang tradisyunal na pabahay na yari sa adobe. Ang mga republikang Sobyet, at ang ibang mga bansa tulad ng Pinlandiya, ay nagpadala ng "mga batalyon ng mga magkapatid" at tagaplano ng lungsod para tumulong sa muling pagtatayo ng nawasak na Taskent.
Muling itinayo ang Taskent bilang isang Sobyet na modelong lungsod na may malawak na mga kalye, mga puno para sa lilim, malalaking plaza para sa mga parada, mga puwente, bantayog, at akre ng mga bloke ng apartment. Habang itong panahon ginawa din ang Metrong Taskent. Ginawa ang mga 100,000 tirahan noong 1970, pero inokupahan ang mararami ng mga tagabuo imbes na mga walang tirahan ng Taskent.[kailangan ng sanggunian] Mas pag-unlad sa mga kasunod na taon ay dinamihan ang laki ng lungsod, at may pangunahing bagong pag-unlad[kailangang linawin] sa purok ng Chilonzor, at saka sa hilaga-silangan at timog-silangan ng lungsod.
Sa panahon ng pagbuwag ng Unyong Sobyet noong 1991, ang Taskent ay ang ikaapat na pinakamalaking lungsod sa USSR at isang sentro ng pag-aaral sa mga sangay ng agham at inhenyeriya.
Dahil sa lindol ng 1966 at pag-unlad na Sobyet, nakaligtas ang kakaunting pamana ng arkitektura mula sa sinaunang kasaysayan ng Taskent, at kaniyang dating kahulugan bilang isang puntong pangkalakalan sa makasaysayang Daan ng Sutla.
Kabisera ng Uzbekistan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Taskent ay kabisera at pinakakosmopolitang lungsod ng Uzbekistan. Sikat ang lungsod dahil sa kaniyang mga kalye na may guhit ng mga puno, napakaraming puwente, at mga kaaya-aya na liwasan, hindi bababa sa hanggang sa mga kampanyang nagpuputol ng puno na sinimulan noong 2009 ng lokal na pamahalaan.
Mula noong 1991, ang lungsod ay nagbago sa ekonomiya, kultura, at arkitektura. Pinalitan ng bagong pag-unlad ang mga ikono ng panahong Sobyet. Pinalitan ng isang globo, na may isang mapa ng Uzbekistan, ang pinakamalaking estatwa na itinayo para kay Lenin. Pinalitan ng mga modernong gusali ang mga gusali mula sa panahong Sobyet. Sumasaklaw ang distritong "Kabayanan ng Taskent" ng gusaling Pambansang Bangko ng Uzbekistan, isang 22-palapag na gusali, at saka mga pandaigdig na hotel, ang Sentrong Pandaigdig na Pangnegosyo, at ang Gusaling Plaza.
Noong 2007, tinawag ng The Moscow News ang Taskent na isang "kabiserang pangkultura ng mundong Islamiko" dahil sa kaniyang mga maraming makasaysayang moske at mahalagang Islamikong sityo, kabilang sa Islamikong Unibersidad. Mula noong 1924, nagkakaroon ang Taskent ng Qur'an ng Taskent (Arabe: مخطوطة سمرقند), isa sa mga pinakaunang nakasulat na mga kopya ng Qur'an.
Ang Taskent ay pinaka-binisita lungsod sa bansa, at nakinabang sa pagtaas ng turismo bunga ng mga reporma sa ilalim ng pangulo Shavkat Mirziyoyev. Saka nakinabang sa pagbubukas sa pamamagitan ng abolisyon ng mga bisa para sa mga bisita mula sa Unyong Europeo at iba pang mga bansang umuunlad o pagpapadali ng bisa para sa mga dayuhan.
Taskent sa paglipas ng mga taon
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
c. 1865
-
1913
-
1940
-
1965
-
1966: lindol at kasunod na bagong pag-unlad
-
1981
-
2000
Ang lungsod at pinagmulan ng telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang demonstrasyon sa publiko ng isang telebisyong ganap na elektroniko ay ginanap sa Taskent sa tag-init ng 1928 ni Boris Grabovsky at kaniyang koponan. Sa kaniyang paraan, na ipinatente sa Saratov noong 1925, ipinanukala ni Boris Grabovsky ang isang bagong prinsipyo ng imaging batay sa patayong at pahalang na sinag ng mga elektron na pagwawalis sa ilalim ng mataas na boltahe. Sa buong ika 20 siglo, ang prinsipyong ito ay bumuo ng batayan ng mga tubong cathode ray. Inilarawan ang itong pangyayari ng mananalaysay at etnograpo ni Boris Golender (Ruso: Борис Голендер) sa isang bidyo. Gayunman, itinuturing ng karamihan sa mga makabagong mananalaysay sina Vladimir Zworykin at Philo Farnsworth bilang mga imbentor ng unang ganap na elektronikong telebisyon. Noong 1964, ang kontribusyon ng Grabovsky na ginawa sa pag unlad ng maagang telebisyon ay opisyal na kinilala ng pamahalaan ng Uzbek at siya ay iginawad sa prestihiyosong digri na "Kagalang-galang na Imbentor ng Republikang Sosyalistang Sobyetiko ng Usbekistan".
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://citypopulation.de/en/uzbekistan/admin/UZ26__toshkent_shahri/.
- ↑ Baumer, Christoph (18 Abril 2018). History of Central Asia, The: 4-volume set (sa wikang Ingles). Bloomsbury Publishing. p. 243. ISBN 978-1-83860-868-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Whitfield, Susan (2004). The Silk Road: Trade, Travel, War and Faith (sa wikang Ingles). British Library. Serindia Publications, Inc. p. 110. ISBN 978-1-932476-13-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Asya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Mga artikulong naglalaman ng Pastun
- Mga artikulo ng Wikipedia na kailangang linawin (Agosto 2023)
- All articles with specifically marked weasel-worded phrases
- Articles with specifically marked weasel-worded phrases from Agosto 2023
- Mga artikulong nangangailangan ng karagdagang mga sanggunian - Agosto 2023
- Mga artikulo ng Wikipedia na kailangang linawin
- Kabisera sa Asya
- Mga lungsod sa Uzbekistan