Tagtuyot
Ang tagtuyot ay panahon na mas tuyo kaysa sa karaniwang kondisyon.[1]:1157 Maaaring tumagal ang tagtuyot ng ilang araw, buwan, o taon. Kadalasan, malaki ang epekto ng tagtuyot sa mga ekosistema at agrikultura ng mga apektadong rehiyon, at nagdudulot ng pinsala sa lokal na ekonomiya.[2][3] Makabuluhang nagpapataas ang mga taunang tagtuyo sa mga tropiko ng tsansa na magkaroon ng tagtuyot, at maaari ring tumaas ang posibilidad ng napakalaking sunog.[4] Pinapalala ng matinding init ang mga kondisyon ng tagtuyot sa pagtataas ng ebapotranspirasyon.[5] Tinutuyo nito ang mga kagubatan at iba pang mga halaman, at pinaparami ang panggatong para sa sunog.[4][6]
Isang paulit-ulit na tampok ng klima ang tagtuyot sa maraming bahagi ng mundo na tumitindi at nagiging mas mahirap hulaan dahil sa pagbabago ng klima, na pinepetsahan ng mga dendrokronolohikal na pag-aaral mula noong 1900. May tatlong uri ng epekto ng tagtuyot, pangkalikasan, pang-ekonomiya at panlipunan. Kabilang sa mga epekto sa kalikasan ang pagtutuyo ng latian, pagdami ng mga napakalaking sunog, at pagkawala ng biodibersidad.
Kabilang sa mga epekto sa ekonomiya ang pagputol ng suplay ng tubig para sa mga tao, mas mababang produktibidad sa agrikultura, at samakatuwid, mas mamahaling produksiyon ng pagkain. Isa pang epekto ang kakulangan ng tubig para sa irigasyon o haydropawer. Kabilang sa mga pinsala sa lipunan at kalusugan ang negatibong epekto sa kalusugan ng mga taong direktang nakalantad sa penomenong ito (labis na matinding init), mataas na gastos sa pagkain, istres na dulot ng pagkabigo ng ani, kasalatan ng tubig, atbp. Naging sanhi ang mga matagal na tagtuyot ng lansakang pandarayuhan at makataong krisis.[7][8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Douville, H., K. Raghavan, J. Renwick, R.P. Allan, P.A. Arias, M. Barlow, R. Cerezo-Mota, A. Cherchi, T.Y. Gan, J. Gergis, D. Jiang, A. Khan, W. Pokam Mba, D. Rosenfeld, J. Tierney, at O. Zolina, 2021: Water Cycle Changes [Pagbabago sa Siklo ng Tubig] (sa wikang Ingles) Naka-arkibo 2022-09-29 sa Wayback Machine.. Sa Climate Change 2021: The Physical Science Basis. Contribution of Working Group I to the Sixth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change [Masson-Delmotte, V., P. Zhai, A. Pirani, S.L. Connors, C. Péan, S. Berger, N. Caud, Y. Chen, L. Goldfarb, M.I. Gomis, M. Huang, K. Leitzell, E. Lonnoy, J.B.R. Matthews, T.K. Maycock, T. Waterfield, O. Yelekçi, R. Yu, at B. Zhou (mga ed.)]. Cambridge University Press, Cambridge, United Kingdom at New York, NY, USA, mga pa. 1055–1210, doi:10.1017/9781009157896.010.
- ↑ Living With Drought [Buhay sa Tagtuyot] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 2007-02-18 sa Wayback Machine.
- ↑ Australian Drought and Climate Change [Tagtuyot at Pagbabago ng Klima sa Australya] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 2018-07-26 sa Wayback Machine., nakuha noong 7 Hunyo 2007.
- ↑ 4.0 4.1 Brando, Paulo M.; Paolucci, Lucas; Ummenhofer, Caroline C.; Ordway, Elsa M.; Hartmann, Henrik; Cattau, Megan E.; Rattis, Ludmila; Medjibe, Vincent; Coe, Michael T.; Balch, Jennifer (30 Mayo 2019). "Droughts, Wildfires, and Forest Carbon Cycling: A Pantropical Synthesis" [Mga Tagtuyot, Malalaking Suong, at Siklo ng Karbon sa Kagubatan: Isang Sintesis na Pantropikal]. Annual Review of Earth and Planetary Sciences (sa wikang Ingles). 47 (1): 555–581. Bibcode:2019AREPS..47..555B. doi:10.1146/annurev-earth-082517-010235. ISSN 0084-6597.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Merzdorf, Jessica (Hulyo 9, 2019). "A Drier Future Sets the Stage for More Wildfires" [Mas Tuyong Kinabukasan, Naghahanda ng Daan para sa Mas Maraming Sunog]. Climate Change: Vital Signs of the Planet (sa wikang Ingles). NASA.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hartmann, Henrik; Bastos, Ana; Das, Adrian J.; Esquivel-Muelbert, Adriane; Hammond, William M.; Martínez-Vilalta, Jordi; McDowell, Nate G.; Powers, Jennifer S.; Pugh, Thomas A.M.; Ruthrof, Katinka X.; Allen, Craig D. (20 Mayo 2022). "Climate Change Risks to Global Forest Health: Emergence of Unexpected Events of Elevated Tree Mortality Worldwide" [Mga Panganib sa Pagbabago ng Klima sa Kalusugan ng Mga Kagubatan ng Mundo: Paglitaw ng Mga Di-inaasahang Pangyayari ng Pagtaas ng Kamatayan ng Puno sa Buong Mundo]. Annual Review of Plant Biology (sa wikang Ingles). 73 (1): 673–702. doi:10.1146/annurev-arplant-102820-012804. ISSN 1543-5008. PMID 35231182.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stanke, C; Kerac, M; Prudhomme, C; Medlock, J; Murray, V (5 Hunyo 2013). "Health effects of drought: a systematic review of the evidence" [Epekto ng tagtuyot sa kalusugan: isang sistematikong pagsusuri ng ebidensya.]. PLOS Currents (sa wikang Ingles). 5. doi:10.1371/currents.dis.7a2cee9e980f91ad7697b570bcc4b004 (di-aktibo 2024-04-30). PMC 3682759. PMID 23787891.
{{cite journal}}
: CS1 maint: DOI inactive as of Abril 2024 (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bellizzi, Saverio; Lane, Chris; Elhakim, Mohamed; Nabeth, Pierre (12 Nobyembre 2020). "Health consequences of drought in the WHO Eastern Mediterranean Region: hotspot areas and needed actions" [Mga kahihinatnan sa kalusugan ng tagtuyot sa Rehiyon ng WHO sa Silangang Mediteraneo: mga lugar ng hotspot at mga kinakailangang aksyon]. Environmental Health (sa wikang Ingles). 19 (1): 114. Bibcode:2020EnvHe..19..114B. doi:10.1186/s12940-020-00665-z. ISSN 1476-069X. PMC 7659048. PMID 33183302.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)