Pumunta sa nilalaman

Sandara Park

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Park Sandara ang taal na porma ng pangalang ito. Ginagamit sa artikulong ito ang Kanluraning pagkakasunud-sunod ng pangalan.
Sandara Park
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganak박산다라
Kapanganakan (1984-11-12) 12 Nobyembre 1984 (edad 39)
Busan, Timog Korea
PinagmulanTimog Korea
GenreK-Pop
Taong aktibobilang artista: 2004–kasalukuyan
bilang mang-aawit: 2009–kasalukuyan
LabelAbyss

Si Sandara Park ay ipanganak, 박산다라, noong 12 Nobyembre 1984 sa Busan, Timog Korea. Sya ay isang artistang Koreana na sumikat sa Pilipinas dahil sa pagsali sa Star Circle Quest, isang reality-based na palabas sa telebisyon ng ABS-CBN na layon na maghanap ng mga bagong talento.

Personal na impormasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Park sa korea at lumaki sa pilipinas, ang kanyang isang kapatid ay si Reymart Langamin na nandoon sa Cagayan De Oro. Sya marunong magsalita ng Ingles at Tagalog. Isang negosyante ang tatay ni Park, ngunit noong 8 taong gulang na siya, nalugi ang kompanya ng kanyang ama. Permanenteng nanirahan sila sa Pilipinas noong 1995. Natuto siyang mag-Ingles at Tagalog sa Pilipinas. Bilang pinakamatanda sa magkakapatid, siya ang nag-aalaga sa kanyang dalawang nakakabatang kapatid. At dahil dito, sumali siya sa Star Circle Quest. Sumikat siya nang husto sa kanyang tanyag na "Sandara Wave" na may kasamang "Mahal ko kayo". Mahilig siyang tawaging Krung Krung ng kanyang mga tagahanga at kaibigan.

Pagkatapos niyang manalo sa Star Circle Quest, binigyan siya ng ABS-CBN ng isang palabas na pinamagatang Sandara's Romance. Naging ka-love team niya si Hero Angeles na dating kalahok din sa Star Circle Quest. Ilan sa mga nagawang proyekto ni Park na kasama si Angeles ang teleseryeng Krystala na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos, SCQ Reload: OK Ako! at mga pelikulang Bcuz of U at Can This be Love na labis na kumita sa takilya.

Nakabenta ng higit sa 60,000 kopya ang kanyang unang album na pinamagatan ng kanyang pangalan. Nakamit nito ang double platinum na estado. Ang mga single na "In or Out" at "Walang Sabit" ang mga pinakasikat sa awitin sa kanyang unang album.

Pagkatapos ng kanyang pelikulang Can This be Love, pansamantalagang tumira muna si Sandara sa Timog Korea para magsanay lalo ng kanyang talento. Umabot ito ng limang buwan bago siya nakabalik uli sa Pilipinas.

Noong nakabalik na siya sa Pilipinas at patuloy na tinatangkilik ng kanyang mga taga-hanga, may bago na siyang ka-love team na si Joseph Bitangcol na kalahok din dati sa Star Circle Quest. Isa sa mga proyekto niya sa kanyang pagbalik ang ASAP Fanatic sa telebisyon at ang pelikulang D' Lucky Ones na kasama si Joseph Bitangcol, Pokwang, at Eugene Domingo.

Nawala sa telebisyon si Sandara ng matagal-tagal din na panahon noong bumalik siya sa Korea. Nang biglang ginulat na lamang niya ang mga pilipino sa umuusbong na pala niyang karera sa Korea bilang isang "YG baby". Sumailalim siya sa mahigpit na training ng YG at pinaghusay pa niya ang kanyang talento sa pagsayaw at pagkanta, ngunit ngayon bilang K-Pop performer. Halos dalawang taon din siyang nag-ensayo kasama ang kanyang mga kamiyembro na sila Gong Min Ji "Minzy", Park Bom "Bom" na parehong apat na taon nagtraining, at ang lider ng grupo, Chae Rin Lee "CL" na nagtraining naman ng tatlong taon. Kasama ang tatlong nabanggit pang talents ay binuo sila bilang 2NE1 na naging hit na hit noon sa Korea at sa buong Asya.

Sa kasalukuyan, ang kanyang dating banda na 2NE1 ay na disband na.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]