Pumunta sa nilalaman

Sanakht

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Si Sanakht (na binabaa rin bilang Hor-Sanakht) ang paraon ng Ikatlong dinastiya ng Ehipto noong Lumang Kaharian ng Ehipto. Ang kanyang posisyong kronolohikal ay hindi matiyak. Maraming mga Ehiptologo ay natatangkang iugnay si Sanakht sa Ramesside na pangalang cartouche na Nebka. Gayunpaman, ito ay pinagtatalunan pa rin dahil walang karagdagang pamagat ng hari ng pangalang ito ay kailanman natagpuan kahit sa mga sangguniang kontemporaryo o sa mga kalaunang sanggunian. May dalawang mga pragmentong relief na nalalarawan kay Sanakhat na minsang nagmula mula sa Wadi Maghareh sa Sinai Peninsula.

Pagkakakilanlan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagkakakilanlan at posisyong kronolohikal ni Sanakht sa Ikatlong dinastiya ng Ehipto ay hindi maliwanag at nananatiling paksa ng mga debate. Bagaman ang pag-iral ni Sanakht ay pinatutunayan ng mga pragmentong selyo mula sa mastaba K2 at isang graffito, ang kanyang posisyon bilang tagapagtatag ng Ikatlong dinastiya gaya ng itinala ng historyan na si Manetho ay pinahina ng kamakailang mga pagkakatuklasa sa Abydos. Ang mga ito ay nagpapatunay na malamang na si Djoser ang tumulong na maglibing at kaya ay humalili kay Khasekhemwy sa halip na kay Sanakht. Ito ay natukoy mula sa mga selyong natagpuan sa pasukan ng libingan ng huli na may pangalang Djoser.[1]. Ang mga tagapagtaguyod ng teoriyang si Sanakth ay gayunpaman ang tagapagtatag ng Ikatlong dinastiya ay tumututol na ang presensiya ng mga selyo ni Djoser sa libingan ni Khasekhemwy ay nagpapakita lamang na isinagawa ni Djoser ang mga pang-kultong ritwal bilang parangal sa hari at hindi kinakailangang ang kanyang agarang kahalili.[2] Maaring pinakasalan ni Sanakht si Reyna Nimaethap na si Nimaethap ang anak na babae ni Khasekhemwy sa halip na kanyang asawa at kasama ni Sanakht, sila ay maaaring ang mga magulang ni Djoser. Sa alternatibo, itinuring ng ilan si Sanakht bilang mas matandang kapatid ni Djoser.

Relief ni Sanakht mula Wadi Maghareh.

Sa kasalukuyan, ang nananaig na teoriya ay ang paghahari ni Sanakht ay pinepetsahan sa Huli ng Ikatlong dinastiya pagkatapos ni Djoser.[3]. Itinutumbas ng mga Ehiptologong sina Toby Wilkinson, Stephan Seidlmayer, Kenneth Kitchen at Rainer Stadelmann si Sanakht kay Nebka na pangalang lumilitaw sa Ramesside na talaan ng hari. Nakita nina Wilkinson, Seidlmayer at Stadelmann sa cartouche na ito ang mga bakas ng isang tandang Ka sa dulo ng pangalang Nebka.[4][5][6].

Ang mga Ehiptologong sina John D. Degreef, Nabil Swelim at Wolfgang Helck ay tumututol sa pagtutumbas kay Nebka kay Sanakhat. Kanilang isinaad na ang pangalang Nebka ay hindi pinatutunayan ng anumang monumento o sa anumang dokumento na may petsang bago ni Djoser.[6]. Instead, Nabil Swelim identifies Nebka with the Horus name Khaba[7]. Karaniwang kilala ni Swelim si Sanakht sa haring si Mesochris na binanggit ni Manetho at itinuturing ito na anyong helenisado ng pangalang Sanakht. Kanyang pinetsahan ang paghahari ni Sanakht sa pagitain ng ikapito at ikawalong hari ng Ikatlong dinastiya ng Ehipto.[7]

Iminungkahi nina Jürgen von Beckerath, Wolfgang Helck, Dietrich Wildung at Peter Kaplony na ang pangalang Horus ni Sanakht ay ng maaninong Horus Sa na nakikita ang pangalang Sa bilang pinaikling anyo ng Sanakht.[8]. Mula dito, naniniwala si Helck na ang panglang Nisut-Biti ni Sanakht ay Weneg. Gayunpaman, si Weneg ay malawakang pinaniniwalaang na namuno noong Ikalawang dinastiya ng Ehipto at ang teoriya ni Heck ay nakatagpo ng skeptisismo. [9].

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Toby Wilkinson, Early Dynastic Egypt, (1999), p. 83 & 95
  2. Illaria Incordino: The third dynasty: A historical hypothesis., in: Jean Claude Goyon, Christine Cardin: Proceedings of the Ninth International Congress of Egyptologists. p. 965, [1]
  3. Miroslav Verner: The Pyramids: The Mystery, Culture and Science of Egypt's Great Monuments, pp. 105 & 116
  4. Toby A. H. Wilkinson: Early Dynastic Egypt, pp. 101 – 104.
  5. Kenneth Anderson Kitchen: Ramesside Inscriptions, pp. 534 – 538.
  6. 6.0 6.1 Dietrich Wildung: Die Rolle ägyptischer Könige, p. 54 – 58
  7. 7.0 7.1 Nabil Swelim: Some Problems on the History of the Third Dynasty., in: Archaeological and Historical Studies, The Archaeological Society of Alexandria, Alexandria 1983, pp. 95, 217–220 and 224.
  8. Jürgen von Beckerath: Handbuch der Ägyptischen Königsnamen, p. 49, 283 & 293.
  9. Wolfgang Helck: Untersuchungen zur Thinitenzeit, p. 20 & 21.