Papa Timoteo II ng Alehandriya
Si Papa Timoteo II ng Alehandriya (namatay noong 477 CE) na kilala rin bilang Αἴλουρος/Aelurus ay dalawang beses na humalili sa Chalcedonianong Patriarka ng Alehandriya. Siya ay hinirang at kinonsagran pagkatapos ng kamatayan ng ipinatapong hindi-Chalcedonianong si Papa Dioscoro I ng Alehandriya noong 454 ng mga katunggali nito sa Konseho ng Chalcedon. Pagkatapos na patayin si Proterio ng Alehandriya na hinirang ng Konseho ng Chalcedon na humalili kay Dioscoro, si Timoteo ay bumalik upang umupong Patriarka ng Alehandriya. Noong 460 CE, si Timoteo II ay pinatalsik ng Emperador mula sa Alehandriya at pinalitan ng Chalcedonianong si Papa Timoteo II Salophakiolos bilang Patriarka. Ang isang paghihimagsik noong 475 ang muling naglagay kay Timoteo II bilang Papa ng Alehandriya na nanatiling Patriarka hanggang sa kanyang kamatayan.Siya ay inaalala sa Coptic Synaxarion tuwing ika-12 araw ng Amshir.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.