Pumunta sa nilalaman

Pinsan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pinsang buo)

Ang pinsan ay isang taong itinuturing na kamag-anak, partikular na ang ugnayan o pagiging magkadugo dahil sa pinagmulang lola, lolo, o ninuno. Samakatuwid, magkakamag-anak o tuwiran at hindi tuwirang mga apo ito ng lolo at lola. Ito ang ugnayan o relasyon ng mga anak ng mga magkakapatid na nagmula sa kanilang mga magulang (ama at ina; tatay at nanay; itay at inay). Tinatawag na primo (mula sa Kastila) ang pinsang lalaki, samantalang prima naman ang pinsang babae.[1] Pinsang buo[2] ang tawag sa ugnayan ng mga anak ng magkakapatid. Pinsang-makalawa o Makalawang pinsan o pinsang-pangalawa ang ugnayan sa pagitan ng naging mga anak ng anak ng magkapatid na mga lola, mga lolo, o mga lola't lolo. Sa mga pahina ng Bibliya, may pagkakataong ginagamit ang katagang "kapatid" na ang tunay na ibig sabihin ay "pinsan".[3]

  1. Gaboy, Luciano L. Cousin - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. English, Leo James (1977). "Pinsan, cousin, pinsang-buo o first cousin, pinsang-makalawa at pinsang-pangalawa o second cousin". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1047.
  3. Abriol, Jose C. (2000). "Kapatid, pinsan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1699.

Pamilya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.