Pumunta sa nilalaman

Pamangkin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pamangkin ay tumutukoy sa isang lalaking pamangkin (nephew sa Ingles, na nagbuhat sa Pranses na neveu), ang anak ng kapatid o ng pinsan. Ito rin ang tawag para sa isang babaeng pamangkin (niece sa Ingles), ang anak na babae ng isang kapatid o anak na babae ng asawa ng isang kapatid.[1][2] Tinatagurian ding mga pamangkin ang mga anak na lalaki at babae ng mga kapatid sa kasal, bagaman walang kaugnayan sa dugo o hindi magkadugo. Ginagamit din ang salitang "pamangkin" bilang hindi pormal na katawagan para sa isang batang naging anak ng isang pari.[1] Tumutukoy din ang salitang pamangkin para sa mga sumusunod:

  • Pamangking lalaki (nephew), ang anak na lalaki ng isang kapatid na lalaki, kapatid na babae, o ng kanilang mga asa-asawa.
  • Pamangking babae (niece), ang anak na babae ng isang kapatid na babae, kapatid na lalaki, o ng kanilang mga asa-asawa.
  • Pamangking lalaki sa kasal o pamangking lalaki sa batas (nephew-in-law), ang anak na lalaki ng kapatid na lalaki sa kasal o ng kapatid na babae sa kasal.
  • Pamangking babae sa kasal o pamangking babae sa batas (niece-in-law), ang anak na babae ng kapatid na babae sa kasal o ng kapatid na lalaki sa kasal.
  • Pamangking lalaki sa ama o pamangking lalaki sa ina (step-nephew), ang anak na lalaki ng isang kapatid sa ama o anak na lalaki sa kapatid sa ina; o lalaking anak ng asawa sa naunang pag-aasawa (step-son) ng isang kapatid na lalaki o kapatid na babae.
  • Pamangking babae sa ama o pamangking babae sa ina (step-niece), ang anak na babae ng isang kapatid sa ama o anak na babae sa kapatid sa ina; o babaeng anak ng asawa sa naunang pag-aasawa (step-daughter) ng isang kapatid na lalaki o kapatid na babae.

Sa sinaunang wikang Ingles, ang isang pamangking lalaking mula sa partido ng ina ay tinatawag na sister-son o "kapatid na babae-anak na lalaki", na nagbibigay diin sa kahalagahan bilang pinakamalapit na kamag-anak na lalaki ng isang tao kung sakaling walang sariling mga kapatid na lalaki o mga anak na lalaki. Ginamit ang salitang ito para tukuyin at ilarawan ang ilang mga kabalyero ni Haring Arturo, na ginaya ni J.R.R. Tolkien, natatangi na sa mga talaan ng Mga Hari ng Rohan o mga duwendeng kung saan tagapagmana rin ang sister-son. Katumbas nito ang sister-daughter o "kapatid na babae-anak na babae" para tukuyin ang isang "pamangking babae", ngunit hindi naging pangkaraniwan.

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Nephew, niece - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Pamangkin, nephew, niece". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Pamangkin Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.