Pumunta sa nilalaman

Panawit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang panawit o indaktor ay isang elektronikong piyesa na tulad ng isang kapasitor ay nag-iimbak ng enerhiyang elektrikal pero imbis na sa electric field ay sa magnetic field nito iniimbak ang enerhiyang elektrikal. Nagkakaroon ng magnetic field ang mga indaktor o panawit dahil sa dumadaloy na kuryente dito. Mula sa daloy ng kuryente na dumadaan sa indaktor ay nagkakaroon ng magnetic field kung saan ang polaridad nito ay depende sa direksiyon ng daloy ng kuryente sa loob ng indaktor. Ang naiimbak nitong enerhiya ay tinatawag na magnetikong enerhiya at sinusukat ito sa kanyang indaktans na may yunit na Henries.

Ang mga indaktor o mga panawit ay mga kableng madaling nagpapadaan ng kuryente. Ang mga kableng ito ay nakapaikot upang magkaroon ng mga silo kung saan nagkakaroon ng malakas na magnetic field lalo na sa gitna ng mga silo tulad ng naaayon sa Ampere’s Law. Gumagawa ang kuryenteng ito ng magnetic flux proporsyonal sa daloy ng kuryente. Ang ideyal na indaktor o panawit ay yung purong indaktans lang ang nasusukat mula dito at walang lumilitaw na ligaw na resistans at kapasitans pero sa realidad ay may nasusukat na mga kapasitans at resistans sa mga indaktor o panawit dahil na rin sa pagkakaroon ng losses sa kableng ginagamit.

Ang mga indaktor o panawit ay ginagamit sa mga power suplay upang pangtanggal ng mga hums na nagdudulot ng paiba-ibang lebel ng boltahe. Bukod dito ay ginagamit din ang mga indaktor o mga panawit kasama ang mga kapasitor o mga panlulan bilang mga filter ng mga signal frequency. Ginagamit na naman din ang mga filter na ito sa iba’t-ibang mga pagkakataon tulad ng sa komunikasyon upang mafilter paalis sa sistema ang mga signal frequency na makakaabala sa maayos na pagpapadala at pagiintindi ng mga mensahe o impormasyon na ipinapadala. Dalawang indaktor o panawit na may coupled magnetic flux ang bumubuo sa mga transpormador o mga transformer na ginagamit sa power grid.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.