Pumunta sa nilalaman

Nebula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang "Pillars of Creation" (mga Haligi ng Paglikha) mula sa Nebulang Agila (Eagle Nebula). Ipinapahiwatig ng patotoo mula sa Teleskopyong Spitzer na maaring nawasak na ang mga haligi ng isang supernova na pagsabog, ngunit ang liwanag na nagpapakita sa atin ng pagkawasak ay hindi pa naabot ang Daigdig hanggang sa isa pang milenyo.[1]

Ang nebula (mula sa Latin: "ulap"[2]) ay isang interstellar cloud (ulap na interstelar) na binubuo ng cosmic dust (kosmikong alikabok), hidroheno, helyo at ibang mga gas na naging ion. Sa orihinal, ginamit ang katawagan upang isalarawan ang kahit anumang nakakalat na bagay na pang-astronomiya, kabilang ang galaksiya sa labas ng Daang Magatas o Milky Way. Halimbawa, minsan tinukoy ang Galaksiyang Andromeda bilang Nebulang Andromeda (at ang mga galaksiyang paikot bilang "mga nebulang paikot") bago nakumpirma ang totoong kalikasan ng mga galaksiya noong unang bahagi ng ika-20 dantaon nina Vesto Slipher, Edwin Hubble at iba pa.

Karamihan sa mga nebula ay malawak ang laki; mayroong mga daang sinag-taon ang diyametro ng ilan. Makikita ang isang malapit na nebula ng mata ng tao mula sa Daigdig bilang mas malaki ngunit hindi mas maliwanag.[3] Ang Nebulang Orion, ang pinakamalinag na nebula sa kalangitan at sinasakop ang isang lugar na doble ang anggular na diyametro ng kabilugan ng Buwan, ay makikita ng mata lamang ngunit nalalaktawan ng mga naunang astronomo.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Famous Space Pillars Feel the Heat of Star's Explosion – Jet Propulsion Laboratory (sa Ingles)
  2. Nebula, Online Etymology Dictionary (sa Ingles)
  3. Howell, Elizabeth (2013-02-22). "In Reality, Nebulae Offer No Place for Spaceships to Hide". Universe Today (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Clark, Roger N. "Visual astronomy of the deep sky" (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 98.