Muhammad Ali
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Muhammad Ali | |
---|---|
Kapanganakan | 17 Enero 1942[1]
|
Kamatayan | 3 Hunyo 2016[1]
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika[3] |
Nagtapos | Santa Monica College |
Trabaho | boksingero |
Asawa | Sonji Roi (14 Agosto 1964–10 Enero 1966) Khalilah Ali (17 Agosto 1967–1977) Veronica Porsche Ali (1977–1986) Yolanda Williams (19 Nobyembre 1986–3 Hunyo 2016) |
Anak | Maryum Ali Muhammad Ali Jr. Hana Yasmeen Ali Laila Ali |
Magulang |
|
Si Muhammad Ali (ipinanganak bilang Cassius Marcellus Clay, Jr. noong Enero 17, 1942) ay isang Amerikanong boksingero. Naging isa siya sa pinakabantog na mga boksingero sa mundo dahil sa kanyang teknikong "rope-a-dope" (literal na "itali ang malapot na likido" o "igapos ang narkotiko"). Kilala rin siya dahil sa kanyang matatalinong mga pagpapantig o rima ng tula. Noong 1999, pinangalanan siya bilang "Manlalaro ng Daang Taon" o "Sportsman of the Century" ng magasing Sports Illustrated. Napagwagian niya ang kampeonato sa World Heavyweight Boxing ng may tatlong ulit. Nanalo rin siya ng medalyang ginto sa palarong Olimpiko para sa pagboboksing noong Palarong Olimpiko sa Tag-init ng 1960 sa Roma, Italya.
Ipinanganak si Ali sa Louisville, Kentucky. Pinangalanan siya mula sa kanyang amang si Cassius Marcellus Clay, Sr. Binago ni Ali ang kanyang pangalan pagkaraan maging isang Muslim noong 1975. Dahil sa kanyang mga paniniwalang Islamiko, ayaw niyang makilahok sa pakikidigma noong Digmaan ng Biyetnam noong subukin ng hukbong katihan na italaga siya bilang isang sundalo. Ipinabilanggo siya dahil dito. Nagretiro siya mula sa larangan ng boksing noong 1981. Noong kaagahan ng dekada ng 1980, natuklasan na mayroong karamdaman ni Parkinson si Ali.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- ↑ 1.0 1.1 1.2 http://www.nbcnews.com/news/sports/muhammad-ali-greatest-all-time-dead-74-n584776.
- ↑ http://www.usatoday.com/story/sports/2016/06/04/muhammad-ali-dies-obituary/85357592/.
- ↑ http://espn.go.com/espn/photos/gallery/_/id/9429041/image/5/cassius-clay-zoom-vintage-bodies.