Pumunta sa nilalaman

Miss World 1957

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1957
Marita Lindahl
Petsa14 Oktubre 1957
PresentersEric Morley
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
Lumahok23
Placements7
Bagong sali
  • Kanada
  • Luksemburgo
Hindi sumali
  • Bagong Silandiya
  • Ehipto
  • Suwisa
  • Turkiya
BumalikAustralya
NanaloMarita Lindahl
Finland Pinlandiya
← 1956
1958 →

Ang Miss World 1957 ay ang ikapitong edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 14 Oktubre 1957.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Petra Schürmann ng Alemanya si Marita Lindahl ng Pinlandiya bilang Miss World 1957.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Pinlandiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Lilian Juul Madsen ng Dinamarka, habang nagtapos bilang second runner-up si Adele June Kruger ng Timog Aprika.[2][3]

Mga kandidata mula sa dalawampu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1957

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa dalawampu't-tatlong mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon.

Dapat sanang lalahok si Miss Holland 1957 Corine Rottschäfer sa edisyon ito. Gayunpaman, dahil nanalo na ito sa Miss Europe, siya pinalitan ng kanyang first runner-up na si Christina van Zijp upang lumahok sa Miss World. Kalaunan ay sumali rin si Rottschäfer sa Miss World noong 1959 kung saan siya ay nanalo.[4]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Kanada at Luksemburgo, at bumalik ang bansang Australya na huling sumali noong 1955. Hindi sumali ang mga bansang Bagong Silandiya, Ehipto, Suwisa, at Turkiya sa edisyon ito. Hindi sumali sina Zubaida Tharwat ng Ehipto at Yvonne Bridel ng Suwisa dahil sa kakulangan ng badyet. Bumitaw rin sa kompetisyon si Tharwat dahil sa sigalot ng Reyno Unido at Ehipto tungkol sa Kanal Suez.[5] Hindi sumali si Leyla Sayar ng Turkiya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Dapat sanang sasali si Monica Amekoafia ng Gana, ngunit hindi ito nakasali dahil nagpakasal ito sa diplomatikong Ghanes na si Henry Kofi Marrah.[6] Hindi sumali si Pascaline Herisson ng French Antilles dahil sa kakulangan sa badyet. Hindi rin sumali si Alicja Bobrowska ng Polonya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1957 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1957
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
5th runner-up
6th runner-up

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semifinalist sa edisyong ito ay itinaas sa pito mula sa anim noong nakaraang edisyon. Ang pitong semifinalist ay napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competiton.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Charles Jacobs – litratistang Amerikano
  • Lady Jane Vane-Tempest-Stewart – isa sa mga abay ni Reyna Elizabeth II
  • Laurence Harvey – aktor ng Ingles
  • Margaret Leighton – aktres na Ingles
  • Charles Eade – direktor ng dyaryong Sunday Dispatch
  • Trevor Howard – aktor na Ingles
  • Stirling Moss – Formula One racing driver na Ingles[8]
  • Gng. Raine McCorquodale – asawa ng Earl ng Dartmouth na si Gerald Legge
  • Claude Berr – miyembro ng komite ng Miss Europe
  • Norman Hartnell – taga-disenyong Ingles

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dalawampu't-tatlong kandidata ang kumalahok para sa titulo.[9]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Annemarie Karsten[10] 19 Lübeck
Australia Australya Ronnie Goodlet[11] 32 Victoria
Austria Austrya Lilo Fischer 18 Graz
Belhika Belhika Jeanne Chandelle[12] 18 Bruselas
Venezuela Beneswela Consuelo Nouel[13] 23 Caracas
Denmark Dinamarka Lilian Juul Madsen[14] 19 Copenhague
Estados Unidos Charlotte Sheffield[15] 21 Lungsod ng Salt Lake
United Kingdom Gran Britanya Leila Williams[16] 20 Walsall
Gresya Nana Gasparatou Atenas
Hapon Hapon Muneko Yorifuji[17] 21 Osaka
Irlanda (bansa) Irlanda Nessa Welsh[18] 19 Dublin
Israel Israel Sara Elimor 17 Tel-Abib
Italya Italya Anna Gorassini 16 Milan
Kanada Judith Eleanor Welch 20 Toronto
Luxembourg Luksemburgo Josee Jaminet 18 Lungsod ng Luksemburgo
Iceland Lupangyelo Rúna Brynjólfdóttir[19] Reikiavik
Morocco Moroko Danielle Muller[20] 19 Casablanca
Netherlands Olanda Christina van Zijp[21] 21 Ang Haya
Finland Pinlandiya Marita Lindahl[22] 19 Helsinki
Pransiya Inès Navarro[23] 19 Maoussa
Suwesya Suwesya Elenore Edin[10] 22 Estokolmo
Timog Aprika Adele June Kruger[24] 21 Johannesburg
Tunisia Tunisya Jacqueline Tapia[25] 17 Tunis
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Finse Miss World" [Finnish Miss World]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 15 Oktubre 1957. p. 1. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss World is there somewhere". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 18 Oktubre 1957. p. 10. Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Miss Amerika niet geplaatst" [Miss America not placed]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 15 Oktubre 1957. p. 1. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Om de mooiste van de wereld Jonge Haagse schone mag meedingen te Londen" [Young beauty from The Hague can compete in London for the most beautiful in the world]. Het Parool (sa wikang Olandes). 13 Hulyo 1957. p. 3. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Jennifer Lawrence Looks Spookily Like 1950s Egyptian Actress (Says Internet)". HuffPost UK (sa wikang Ingles). 25 Enero 2023. Nakuha noong 30 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Johnson, Elizabeth Ofosuah (24 Pebrero 2019). "See the first-ever beauty queens from Africa". Face2Face Africa (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 7.6 "Charlotte's name missing from 'World' finalists". Deseret News (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 1957. p. 21. Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Geinig tijd voor huwelijksreis: Stirling moet miss World kiezen" [Fun time for honeymoon: Stirling has to choose Miss World]. Het Parool (sa wikang Olandes). 9 Oktubre 1957. p. 9. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "1957 'Miss World' line-up". The Straits Times (sa wikang Ingles). 11 Oktubre 1957. p. 2. Nakuha noong 12 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "De zes meisjes, die u van deze" [The six girls you like this]. Nieuw Utrechtsch dagblad (sa wikang Olandes). 8 Oktubre 1957. p. 5. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Beauty pageants from the past in all their crowning glory". Herald Sun (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Suárez, Orlando (27 Hulyo 2022). "Misses venezolanas de sangre azul". El Diario (sa wikang Kastila). Nakuha noong 5 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Pernille Sørensen crowned Miss World Denmark". The Times of India (sa wikang Ingles). 7 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Pebrero 2023. Nakuha noong 1 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Universe". Deseret News (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1957. pp. 1, 4. Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "British beauty". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 11 Setyembre 1957. p. 11. Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Japanese Beauties". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 14 Hunyo 1957. p. 33. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Flu hits the Miss World misses". The Straits Times (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 1957. p. 2. Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Op de heliport te Rotterdam arriveerden zaterdagmorgen per helicopter uit Brussel' vijj schoonheidskoninginnen op wiinodigiginp; van een aantal modehuizen" [On Saturday morning, five beauty queens arrived at the heliport in Rotterdam by helicopter from Brussels; of several fashion houses.]. Friese koerier (sa wikang Olandes). 7 Oktubre 1957. p. 1. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Babas, Latifa (11 Pebrero 2019). "Histoire : Quand le Maroc était représenté dans les concours internationaux de beauté". Yabiladi (sa wikang Pranses). Nakuha noong 30 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "De mooiste Miss" [The most beautiful Miss]. De Volkskrant (sa wikang Olandes). 18 Hulyo 1957. p. 7. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Suomen ainoa Miss Maailma Marita Lindahl on kuollut – lue puolison koskettava kirje" [Finland's only Miss World Marita Lindahl has died - read the touching letter from her husband]. Yle (sa wikang Pinlandes). 31 Agosto 2017 [27 Hunyo 2017]. Nakuha noong 18 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Belingard, Christian (5 Disyembre 2012). "La fabuleuse histoire des Miss se prolonge samedi soir au Zénith de Limoges". France 3 Nouvelle-Aquitaine (sa wikang Pranses). Nakuha noong 30 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Abrahams, Miguel (12 Hunyo 2018). "Adele relives her Miss SA, Miss World pageant days". Bedfordview Edenvale News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Ben Khalifa, Lotfi (14 Pebrero 2019). "Voyage avec les nymphes tunisiennes". Le Temps (sa wikang Pranses). Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]