Pumunta sa nilalaman

Mabuhay Singers

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Mabuhay Singers ay pangkat ng mga mang-aawit sa Pilipinas na nabuo noong 1958 at naging soloista ang ibang kasapi katulad nina Cely Bautista, Raye Lucero at iba pa.

Nabuo sila sa pamamagitan ng Villar Records bilang pinagsamang pangkat ng dalawang grupo — ang Tres Rosas, na binubuo nina Carmen Camacho, Nora Hermosa, at Raye Lucero; at ang the Lovers Trio, na binubuo nina Chi Lucerio, Floro San Juan, at Ador Torres. Napasama minsan bilang kasapi ang ibang mga Filipino mang-aawit katulad nina Ruben Tagalog, Cely Bautista, Ric Manrique, Jr., Rita Rivera, Don David, Flor Ocampo, Noel Samonte, Betty Rivera, Robert Malaga, at Everlita Rivera. Nakagawa ng mahigit sa 100 mga album ang Mabuhay Singers, na nailabas pa sa internasyunal na komersiyo. Naglalaman ang kanilang mga awitin ng mga tradisyunal at makabagong musikang Filipino sa mga pangunahing wika ng Pilipinas at may mga ilan na awitin na nasa Ingles at Kastila.

Noong 1973, ginawaran sila ng Philippine Records Association ng parangal para sa kanilang mga mabentang mga album.

Sa kasalukuyan, ang Mabuhay Singers ay binubuo nila Raye Lucero, Cely Bautista, Ema Lucero, Peping de Leon, Eddie Suarez, at Jimmy Salonga.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.