Pumunta sa nilalaman

Lita Gutierrez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lita Gutierrez
Larawang Promosyonal ni Lita Gutierrez
Kapanganakan
Maria Dolores Lolita Garces Gutierrez

Setyembre 15, 1937
Laoag, Ilocos Norte, Pilipinas
KamatayanEnero 10, 2002 (gulang na 64)
Huntington Beach, California, Estados Unidos
NasyonalidadPilipino
Ibang pangalanLita Gutierrez
Aktibong taon1954 - 1986
Kilala saPag-Arte, Komedya, Pag-Awit, Pagsayaw

Si Lita Gutierrez ay isang artistang Pilipino na sumikat noong dekada 1950 at Dekada 1960|1960 at kontratadong artista ng LVN Pictures. Nagkaroon siya ng sariling programa sa telebisyon na pinamagatang The Lita Gutierrez Show. Kasama rin niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Nida Blanca sa palatuntunang pantelebisyon na pinamagatang "The Nida-Lita Show."

Nagkamit siya ng katanyagan nang lumabas kanyang pelikula na Alembong noong 1958 kung saan nakapareha niya si Leroy Salvador.

Pamangkin niya ang artistang si Chinchin Gutierrez.

  • Ang pelikulang Alembong ay kanyang unang starring role at isa sa mga malalakas na pelikula ng LVN noong 1958. Ginampanan niya dito ang papel ng isang babaeng umaalembong tuwing bilog ang buwan.