Killer Croc
Killer Croc | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | Kameyong pagpapakita: Detective Comics #523 (Pebrero 1983) Buong pagpapakita: Detective Comics #524 (Marso 1983) |
Tagapaglikha | Gerry Conway (panulat) Don Newton (guhit) Gene Colan (guhit) |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Waylon Jones |
Espesye | Metahuman |
Kasaping pangkat | Secret Society of Super Villains Suicide Squad |
Kilalang alyas | Croc, King Croc |
Kakayahan |
|
Si "Killer Croc" (Waylon Jones) ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa komiks na nilalathala ng DC Comics, karaniwan bilang kalaban ng superhero na si Batman. Kabilang ang karakter sa kolektibong mga kaaway ni Batman na bumubuo ng kanyang galerya ng mga taong tampalasan.[1] Orihinal na mambubuno sa isang palabas sa perya, nagdusa si Jones mula sa isang bihirang henetikong kondisyon na sa kalaunan, ay nagbigay sa kanya ng isang mala-buwayang itsura. Nabaliw dahil sa kanyang hindi na maibabalik na transpormasyon, kinuha niya ang pangalang "Killer Croc" at naging isang kriminal, na sa paglipas ng panahon, nagkaroon siya ng malahayop na pag-uugali na ginawa siyang mapanganib na indibiduwal. Naging kasapi din ang indibiduwal ng Suicide Squad, na unang lumabas sa ikalimang bolyum ng serye sa komiks na tungkol sa pangkat, at may isang romantikong interes kay Enchantress.[2]
Nagkaroon ng adapsyon ang karakter sa iba't ibang midya, na karamihan ay kinakasangkutan ni Batman, kabilang dito ang seryeng animasyon, pelikula, larong bidyo at nobela.
Publication history
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilikha si Killer Croc ng manunulat na si Gerry Conway at ang tagaguhit na si Gene Colan. Nagkaroon ng pagpapakitang kameyo ang karakter sa Detective Comics #523 (Pebrero 1983) at Batman #357 (Marso 1983), at nagkaroon ng buong pagpapakita sa Detective Comics #524 (Marso 1983).[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Manning, Matthew K.; McAvennie, Michael; Wallace, Daniel (2019). DC Comics Year By Year: A Visual Chronicle (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 201. ISBN 978-1-4654-8578-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Suicide Squad bol. 5, #20. DC Comics. (sa Ingles)
- ↑ Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Korte, Steve; Manning, Matt; Wiacek, Win; Wilson, Sven (2016). The DC Comics Encyclopedia: The Definitive Guide to the Characters of the DC Universe (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 168. ISBN 978-1-4654-5357-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)