Karagatang Atlantiko
Ang Karagatang Atlantiko ay ang pangalawang pinakamalaki sa limang karagatan ng mundo, na may lawak na mga 85,133,000 km2 (32,870,000 mi kuw).[1] Sinasakop nito ang tinatayang 17% ng ibabaw ng Daigdig at mga 24% ng sukat ng ibabaw ng tubig nito. Kilala ito na hinihiwalay ang "Lumang Mundo" ng Aprika, Europa at Asya mula sa "Bagong Mundo" ng Kaamerikahan sa pang-unawang Europeo ng Mundo.
Sa pamamagitan ng paghihiwalay nito ng Europa, Aprika, at Asya mula sa Kaamerikahan, gumanap ang Karagatang Atlantiko ng sentral na gampanin sa pag-unlad ng lipunan ng tao, globalisasyon, at mga kasaysayan ng maraming bansa. Habang kilala na ang mga Nordiko bilang ang unang mga tao na tumawid sa Atlantiko, tunay na naging pinakamaresulta ang ekspedisyon ni Cristoforo Colombo noong 1492. Hinatid ng ekpedisyon ni Colombo ang isang panahon ng paggalugad at kolonisasyon ng Kaamerikahan ng mga kapangyarihang Europeo, pinakakapansin-pansin ang Portugal, Espanya, Pransya, at ang Reyno Unido. Mula ika-16 hanggang ika-19 na dantaon, sentro ang Karagatang Atlantiko sa parehong eponimong kalakalan ng alipin at palitang Kolumbiyano habang paminsan-minsang pagkakaroon ng mga labanang dagat. Ang mga ganoong labanang dagat, gayon din ang lumalagong kalakalan mula sa kapangyarihang rehiyon ng Estados Unidos at Brasil, ay parehong pinataas ang antas noong maagang ika-20 dantaon, at habang walang pangkalahatang hidwaang militar ang naganap sa Atlantiko sa kasalukuyang panahon, nanatili ang karagatan na isang gitnang bahagi ng kalakalan ng mundo.
Inookupa ng Karagatang Atlantiko ang isang pahabang hugis-S na palanggana na lumalawak sa longhitud sa pagitan ng Europa at Aprika sa silangan, at ang Kaamerikahan sa kanluran. Bilang isang bahagi ng kabit-kabit na Karagatan ng Mundo, nakakonekta ito sa Karagatang Artiko sa hilaga, ang Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang Karagatang Katimugan sa timog (sinasalarawan ng ibang mga depinisyon ang Atlantiko na lumalawak tungong timog sa Antartika). Nahahati ang Karagatang Atlantiko sa dalawang bahagi, ang hilaga at timog Atlantiko, sa pamamagitan ng Ekwador.[2]
Toponimiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pinakalumang pagbanggit sa isang dagat "Atlantiko" ay mula kay Estesikoro noong mga gitnang ika-6 na dantaon BC (Sch. A. R. 1. 211):[3] Atlantikôi pelágei (Griyego: Ἀτλαντικῷ πελάγει; Tagalog: 'ang dagat Atlantiko'; etym. 'Dagat ni Atlas') at sa Historia ni Herodoto noong mga 450 BC (Hdt. 1.202.4): Atlantis thalassa (Griyego: Ἀτλαντὶς θάλασσα; Tagalog: 'Dagat ni Atlas' o 'ang dagat Atlantiko'[4]) kung saan tumutukoy ang pangalan sa "dagat lagpas ng mga haligi ni Herakles" na sinasabing bahagi ng dagat na pumapalibot sa lahat ng lupain.[5] Sa lahat ng mga gamit na ito, tumutukoy ang pangalan kay Atlas at Titan sa mitolohiyang Griyego, na sinuportahan ang kalangitan at sa kalaunan, lumabas bilang isang pultada ng mga mapang medyebal at pinahiram ang pangalan sa mga makabagong atlas.[6] Sa kabilang banda, ang mga mandaragat ng sinaunang Griyego at panitikang mitolohikal na Griyego tulad ng Iliada at Odisea, itong sumasaklaw sa lahat na karagatan ay sa halip na kilala bilang Oseyano, isang dambuhalang ilog na pumalibot sa mundo; taliwas ito sa pumapalibot na mga dagat sa mga Griyego: ang Mediteraneo at ang Dagat Itim.[7] Sa kaibahan, ang katawagang "Atlantiko" ay orihinal na tumukoy sa Bulubunduking Atlas sa partikular sa Maruekos at ang dagat sa labas ng Kipot ng Gibraltar at ang baybayin sa Kanlurang Aprika.[6]
Nailapat ang katawagang "Karagatang Etiyopiya", hinango mula sa Sinaunang Etiyopiya, sa katimugang Atlantiko mga pinakahuli noong ika-19 dantaon.[8] Noong Panahon ng Pagtuklas, kilala ang Atlantiko sa mga kartograpong Ingles bilang Great Western Ocean (Dakilang Karagatang Kanluran).[9]
Mga pinamamalaking dagat sa Karagatang Atlantiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinakakamalaking dagat:[10][11][12]
- Dagat Sargaos – 3.5 milyon km2
- Dagat Karibe – 2.754 milyon km2
- Dagat Mediteraneo – 2.510 milyon km2
- Gulpo ng Guinea – 2.35 milyon km2
- Gulpo ng Mehiko – 1.550 milyon km2
- Dagat Noruwega – 1.383 milyon km2
- Dagat Groenlandiya – 1.205 milyon km2
- Dagat Arhentino – 1 milyon km2
- Dagat Labrador – 841,000 km2
- Dagat Irminger – 780,000 km2
- Look ng Baffin – 689,000 km2
- Dagat Hilaga – 575,000 km2
- Dagat Itim – 436,000 km2
- Dagat Baltiko – 377,000 km2
- Dagat Libiya – 350,000 km2
- Dagat Lebantino – 320,000 km2
- Dagat Seltiko – 300,000 km2
- Dagat Tirreno – 275,000 km2
- Gulpo ng San Lorenzo – 226,000 km2
- Gulpo ng Vizcaya – 223,000 km2
- Dagat Egeo – 214,000 km2
- Dagat Honiko – 169,000 km2
- Dagat Balaer – 150,000 km2
- Dagat Adriatico – 138,000 km2
- Gulpo ng Botniya – 116,300 km2
- Dagat ng Kreta – 95,000 km2
- Gulpo ng Maine – 93,000 km2
- Dagat Liguria – 80,000 km2
- Bambang Ingles – 75,000 km2
- Dagat James – 68,300 km2
- Dagat Botniya – 66,000 km2
- Gulpo ng Sidra – 57,000 km2
- Dagat ng Hebridas – 47,000 km2
- Dagat Irlanda – 46,000 km2
- Dagat ng Azov – 39,000 km2
- Look ng Botniya – 36,800 km2
- Gulpo ng Venezuela – 17,840 km2
- Look ng Campache – 16,000 km2
- Gulpo ng Leon – 15,000 km2
- Dagat ng Marmara – 11,350 km2
- Dagat Wadden – 10,000 km2
- Dagat Arkipelago – 8,300 km2
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Atlantic Ocean". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2017. Nakuha noong 20 Disyembre 2016.
- ↑ International Hydrographic Organization, Limits of Oceans and Seas, ika-3 ed. (1953), pahina 4 at 13. (sa Ingles)
- ↑ Mangas, Julio; Plácido, Domingo; Elícegui, Elvira Gangutia; Rodríguez Somolinos, Helena (1998). La Península Ibérica en los autores griegos: de Homero a Platón – SLG / (Sch. A. R. 1. 211) (sa wikang Ingles). Editorial Complutense. pp. 283–.
- ↑ "Ἀτλαντίς, DGE Diccionario Griego-Español". dge.cchs.csic.es (sa wikang Kastila at Griyego). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2018.
- ↑ Hdt. 1.202.4 (sa Ingles)
- ↑ 6.0 6.1 Oxford Dictionaries 2015 (sa Ingles)
- ↑ Janni 2015, p. 27 (sa Ingles)
- ↑ Ripley & Anderson Dana 1873 (sa Ingles)
- ↑ Steele, Ian Kenneth (1986). The English Atlantic, 1675–1740: An Exploration of Communication and Community (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 14. ISBN 978-0-19-503968-9.
- ↑ Hunyo 2010, Remy Melina 04 (4 Hunyo 2010). "The World's Biggest Oceans and Seas". Live Science (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑ "World Map / World Atlas / Atlas of the World Including Geography Facts and Flags". WorldAtlas (sa wikang Ingles).
- ↑ "List of seas". listofseas.com (sa wikang Ingles).