Pumunta sa nilalaman

Jurong

Mga koordinado: 31°56′46″N 119°09′50″E / 31.946°N 119.164°E / 31.946; 119.164
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jurong

句容市

Kuyung
Templo ng Longchang (隆昌寺)
Templo ng Longchang (隆昌寺)
Jurong is located in Jiangsu
Jurong
Jurong
Kinaroroonan sa Jiangsu
Mga koordinado: 31°56′46″N 119°09′50″E / 31.946°N 119.164°E / 31.946; 119.164[1]
BansaRepublikang Bayan ng Tsina
LalawiganJiangsu
Antas-prepektura na lungsodZhenjiang
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Tsina)
Kodigong postal
2124XX

Ang Jurong (Tsino: 句容; pinyin: Jùróng) ay isang antas-kondado na lungsod sa lalawigan ng Jiangsu, silangang Tsina, na pinamamahalaan ng antas-prepektura na lungsod ng Zhenjiang.

Noong 129 BK, ang anak ni noo'y Prinsipe Liu Fa ng Changsha na si Dang ay naging Markes ng Jurong. Kasunod ng kaniyang maagang pagkamatay, ang mga lupang binigay sa kaniya ay naging kondado ng Jurong sa sumunod na taon. Dating nasa pamamahala ng Nanjing ang Jurong, ngunit sinama ito sa Prepektura ng Zhenjiang noong 1950, na naging Lungsod ng Zhenjiang noong 1983. Ginawang isang antas-kondado na lungsod ang kondado noong 1995.[2]

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinapanukalang itatayo sa Jurong ang ilang mga estasyon ng Linyang S6 ng Nanjing Metro, na kilala rin bilang "Nanjing–Jurong Intercity Metro".[3]

Nasa dakong timog-kanlurang labas ng lungsod ang Kanlurang Estasyon ng Jurong sa pangmabilis na daambakal na Nanjing–Hangzhou.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Google (2014-07-02). "Jurong" (Mapa). Google Maps. Google. Nakuha noong 2014-07-02. {{cite map}}: |author= has generic name (tulong); Unknown parameter |mapurl= ignored (|map-url= suggested) (tulong)
  2. 中国大百科全书(第二版) [Encyclopedia of China (2nd Edition)] (sa wikang Tsino). Bol. 12. Encyclopedia of China Publishing House. 2009. p. 238. ISBN 978-7-500-07958-3.
  3. "7号线部分站点开工 S6沿线环境复杂". 金陵晚报 [Jinling Evening] (sa wikang Tsino). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-04. Nakuha noong 2020-03-30.
[baguhin | baguhin ang wikitext]