Pumunta sa nilalaman

Julio Nalundasan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Julio Nalundasan
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte
Nasa puwesto
Hulyo 10, 1934 – Setyembre 20, 1935
Nakaraang sinundanEmilio Medina
Sinundan niUlpiano Arzandon
Personal na detalye
Isinilang21 Hulyo 1894(1894-07-21)
Batac, Ilocos Norte, Kapitaniya Heneral ng Pilipinas
Yumao20 Setyembre 1935(1935-09-20) (edad 41)
Batac, Ilocos Norte, Kapuluang Pilipinas

Si Julio Nalundasan (Hulyo 21, 1894 – Setyembre 20, 1935) ay isang Pilipinong pulitiko na isa sa katunggali ng politiko ng Ilocos Norte na si Mariano Marcos, ang ama ni Pangulong Ferdinand Marcos(1965-1986). Si Nalundasan ay pinatay noong 1935 pagkatapos matalo si Marcos sa ikalawang pagkakataon sa opisina ng kinatawan ng kapulungan ng Pilipinas sa ikawalawang distrito ng Ilocos Norte. Ang anak ni Marcos na si Ferdinand Marcos at bayaw na si Quirino Lizardo ay kalaunang nahatulan sa pagpatay ngunit napawalang sala ng Korte Suprema ng Pilipinas ni Associate Court Justice Jose P. Laurel.