Ibn al-Nafis
Ibn al-Nafis | |
---|---|
Personal | |
Ipinanganak | 1213 |
Namatay | 17 Disyembre 1288 (edad 74–75) |
Relihiyon | Islam |
Era | Ginuntuang Panahong Islamiko |
Rehiyon | Syria at Ehipto |
Jurisprudence | Shafi'i |
Kredo | Ash'ari[1] |
Main interest(s) | medisina, pagtistis, pisiyolohiya, anatomiya, biyolohiya, Islamikong pag-aaral, hurisprudensya, at pilosopiya. |
Notable work(s) | Komentaryo sa Anatomiya sa Kanon ni Avicenna |
Muslim leader | |
Influenced by
| |
Influenced
|
Si Ala-al-Din abu al-Hasan Ali ibn Abi-Hazm al-Qarshi al-Dimashqi (Arabe: علاء الدين أبو الحسن عليّ بن أبي حزم القرشي الدمشقي), kilala din bilang Ibn al-Nafis (Arabe: ابن النفيس), isang Arabe-Siriong polimata na kabilang sa kanyang mga gawang larangan ang medisina, pagtistis, pisiyolohiya, anatomiya, biyolohiya, Islamikong pag-aaral, hurisprudensya, at pilosopiya. Karamihang sikat siya sa pagiging ang unang naglarawan ng pulmonaryong sirkulasyon ng dugo.[2] Mas nauna ang gawa ni Ibn al-Nafis tungkol sa kanang panig (pulmonaryo) na sirkulasyon kaysa sa kalaunang gawa (1628) ni William Harvey na De motu cordis. Sinubok ng parehong teoriya ang pagpapaliwanag ng sikulasyon. Nanatili na walang tumututol sa ika-2 dantaon na Griyegong manggagamot na si Galen tungkol sa pisiyolohiya ng sistemang sirkulatoryo hanggang sa mga gawa ni Ibn al-Nafis, kung saan inilarawan siya bilang "ang ama ng sirkulatoryong pisiyolohiya."[3][4][5]
Bilang isang sinaunang anatomista, nagsagawa din si Ibn al-Nafis ng ilang diseksyon ng tao sa panahon ng kanyang paggawa,[6] na nakagawa ng ilang mahahalagang mga tuklas sa mga larangan ng pisiyolohiya at anatomiya. Bukod sa kanyang tanyag na pagtuklas sa pulmonaryong sirkulasyon, nagbigay din siya ng isang maagang pananaw sa koronaryo at kapilyar na mga sirkulasyon.[7][8] Hinirang din siya bilang punong manggagamot sa Ospital ng al-Naseri na itinatag ni Sultan Saladin.
Bukod sa medisina, nag-aral din si Ibn al-Nafis ng hurisprudensya, panitikan, at teolohiya. Eksperto din siya sa paaralang hurisprudensya ng Shafi'i at isang ekspertong manggagamot.[9] Tinatayang nasa 110 bolyum ang bilang ng mga nasulat na aklat-aralin pang-medisina ni Ibn al-Nafis.[10]
Biyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Ibn al-Nafis noong 1213 sa isang pamilyang Arabe[11] marahil sa isang nayon malapit sa Damascus na nagngangalang Karashia, pagkatapos noon, maaring hinango ang kanyang Nisba. Noong maagang bahagi ng kanyang buhay, nag-aral siya ng teolohiya, pilosopiya at panitikan. Tapos, sa gulang na 16, nagsimula siyang mag-aral ng medisina sa higit sa sampung taon sa Ospital ng Nuri sa Damascus, na itinatag ng Turkong Prinsipe na si Nur-al Din Muhmud ibn Zanki, noong ika-12 dantaon. Kontemporaryo siya ng sikat na manggagamot na si Ibn Abi Usaibia at pareho silang tinuruan ng tagapagtatag ng isang paaralang pangmedisina sa Damascus, si Al-Dakhwar. Hindi nabanggit ni Ibn Abi Usaibia si Ibn al-Nafis sa kanyang pambiyograpikong diksyunaryong "Buhay ng mga Manggagamot." Ang tila sinasadyang pagtanggal ay maaring dahil sa personal na poot o marahil sa tunggalian sa pagitan ng dalawang manggagamot.[12]
Noong 1236, lumipat si Ibn al-Nafis, kasama ng ilang sa kanyang mga kasamahan, sa Ehipto sa ilalim ng hiling ng sultang Ayyubid na si al-Kamil. Hinirang si Ibn al-Nafis bilang punong manggagamot sa ospital ng al-Naseri na itinatag ni Saladin, kung saan nagturo at nagsanay siya ng medisina sa ilang mga taon. Isa sa kanyang pinakakilalang mag-aaral ay ang Kristiyanong manggagamot na si Ibn al-Quff. Nagturo din si Ibn al-Nafis ng hurisprudensya sa al-Masruriyya Madrassa (Arabe: المدرسة المسرورية). Matatagpuan ang kanyang pangalan sa ibang mga iskolar, na nagbibigay ng pananaw sa kung gaano siya kahalaga sa pag-aaral at pagsasagawa ng batas sa relihiyon.
Nanirahan si Ibn al-Nafis sa halos lahat ng kanyang buhay sa Ehipto, at nasaksihan ang ilang mahahalagang kaganapan tulad ng pagbagsak ng Baghdad at ang pagbangon ng mga Mamluk. Naging personal din siyang manggagamot ni sultan Baibars at ibang prominenteng pampolitikang pinuno, sa gayon, ipinamalas ang sarili bilang isang awtoridad sa mga nagsasanay ng medisina. Sa huling bahagi ng kanyang buhay, nang siya ay 74 gulang, hinirang si Ibn al-Nafis bilang punong manggagamot ng bagong tatag na ospital ng al-Mansori kung saan nagtrabaho siya sa natitirang buhay niya.
Namatay si Ibn al-Nafis sa Cairo pagkatapos ng ilang araw ng pagkakasakit. Nagsulat ang kanyang mag-aaral na si Safi Aboo al-fat'h ng isang tula tungkol sa kanya. Bago siya namatay, ipinagkaloob niya ang kanyang bahay at aklatan sa Ospital ng Qalawun, na kilala din bilang Bahay ng Paggaling.[13]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Al-Hassan, Ahmad Y., M. Ahmad, and A. Z. Iskandar. "Factors behind the decline of Islamic science after the sixteenth century." History of science and technology in Islam. Makukuha sa: http://www. history-science-technology. com/Articles/articles 208 (2001).(sa Ingles
- ↑ Majeed, Azeem (2005). "How Islam changed medicine". BMJ (sa wikang Ingles). 331 (7531): 1486–1487. doi:10.1136/bmj.331.7531.1486. PMC 1322233. PMID 16373721.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Feucht, Cynthia; Greydanus, Donald E.; Merrick, Joav; Patel, Dilip R.; Omar, Hatim A. (2012). Pharmacotherapeutics in Medical Disorders (sa wikang Ingles). Walter de Gruyter. ISBN 9783110276367.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Moore, Lisa Jean; Casper, Monica J. (2014). The Body: Social and Cultural Dissections (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 9781136771729.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ deVries, Catherine R.; Price, Raymond R. (2012). Global Surgery and Public Health: A New Paradigm (sa wikang Ingles). Jones & Bartlett Publishers. ISBN 9780763780487.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Patrice Le Floch-Prigent and Dominique Delaval (Abril 2014). "The discovery of the pulmonary circulation by Ibn al Nafis during the 13th century: an anatomical approach". The FASEB Journal (sa wikang Ingles). 28.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Szasz, Theodora; Tostes, Rita C. A. (2016). Vascular Smooth Muscle Function in Hypertension (sa wikang Ingles). Biota Publishing. ISBN 9781615046850.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mantzavinos, C. (2016). Explanatory Pluralism (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN 9781107128514.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Haddad, Sami; Amin A. Khairallah (1936). "A Forgotten Chapter in the History of the Circulation of Blood". Annals of Surgery (sa wikang Ingles). 104 (1): 1–8. doi:10.1097/00000658-193607000-00001. PMC 1390327. PMID 17856795.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Numan, Mohammed T. (6 Agosto 2014). "Ibn Al Nafis: His Seminal Contributions to Cardiology". Pediatric Cardiology (sa wikang Ingles). 35 (7): 1088–90. doi:10.1007/s00246-014-0990-7. PMID 25096906.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ أبو غدة, عبد الفتاح (1984). قيمة الزمن عند العلماء (sa wikang Arabe). مكتب المطبوعات الإسلامية – الطبعة العاشرة, حلب. p. 73.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Prioreschi, Plinio (1996). A History of Medicine: Byzantine and Islamic medicine (sa wikang Ingles). Horatius Press. ISBN 9781888456042.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Iskandar, Albert Z. Dictionary of Scientific Biography (sa wikang Ingles). pp. 602–06.