Homo heidelbergensis
Homo heidelbergensis | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Subpamilya: | |
Tribo: | |
Subtribo: | |
Sari: | |
Espesye: | H. heidelbergensis
|
Pangalang binomial | |
Homo heidelbergensis Schoetensack, 1908
|
Ang Homo heidelbergensis na minsang tinatawag na Homo rhodesiensis ay isang ekstintong espesye ng Homo na namuhay sa Aprika, Europa at kanluraning Asya mula 600,000 taong nakakalipas at maaaring mula pa noong 1,300,000 taong nakakalipas. Ito ay nabuhay hanggang 200,000-250,000 taong nakakalipas. Ito ay pinaniniwalaang ang karaniwang ninuno ng mga Homo sapiens sa Aprika at mga Neanderthal sa Europa at marahil ay ng mga Denisovan sa Asya. Ito ay unang natuklasan malapit sa Heidelberg sa Alemanya noong 1907 at pinangalanan ni Otto Schoetensack.[1][2][3]
Ebolusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang parehong Homo antecessor at H. heidelbergensis ay malamang na nag-ebolb mula sa katulad nito sa morpolohiyang Homo ergaster mula sa Aprika. Ang H. heidelbergensis ang pinaniniwalaang ang pinagsasaluhang karaniwang ninuo ng mga Neanderthal at Homo sapiens.[4] Ang mga neanderthal ay nag-ebolb mula sa isang sanga ng H. heidelbergensis noong mga 400,000 taong nakakalipas sa Europa samantalang ang Homo sapiens(modernong tao) ay hiwalay na nag-ebolb mula sa isa pang sanga ng H.heidelbergensis noong mga 200,000 at 100,000 taong nakakalipas sa Aprika.
Pag-aasal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kamakailang pagkakatuklas sa isang pit sa Atapuerca, Espanya ng 28 kalansay ay nagmumungkahing ang H. heidelbergensis ay maaaring ang unang species ng genus Homo na naglibing ng kanilang mga namatay.[5] Ang ilang mga eksperto [6] ay naniniwalang ang H. heidelbergensis tulad ng inapo nitong Homo neanderthalensis ay nagkamit ng isang primitibong anyo ng wika. Walang mga anyo ng sining o mga sopistikadong artipakto maliban sa mga kasangkapang bato ang natuklasan bagaman ang pulang ochre na isang mineral na lumilikha ng isang pulang pigmento na ginagamit bilang isang pangpinta ay natuklasan sa mga paghuhukay na Terra Amata sa katimugan ng Pransiya. Ang panlabas at gitnang tenga nito ay nagmumungkahing ang H. heidelbergensis ay nag-aangkin ng isang sensitibidad sa pandinig na katulad sa mga modernong tao ngunit napakaiba mula sa mga chimpanzee. Malamang na nagagawa nilang itangi ang maraming mga tunog.[7]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Homo heidelbergensis". Natural History Museum, London. Nakuha noong 18 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Homo heidelbergensis : Evolutionary Tree information". Smithsonian National Museum of Natural History. Nakuha noong 18 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mounier, Aurélien; Marchal, François; Condemi, Silvana (2009). "Is Homo heidelbergensis a distinct species? New insight on the Mauer mandible". Journal of Human Evolution. 56 (3): 219–46. doi:10.1016/j.jhevol.2008.12.006. PMID 19249816.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.theguardian.com/science/2013/jun/02/why-did-neanderthals-die-out
- ↑ The Mystery of the Pit of Bones, Atapuerca, Spain: Species Homo heidelbergensis. Smithsonian Institution. Hinango noong Disyembre 15, 2011.
- ↑ Mithen, Steven (2006). The Singing Neanderthals, ISBN 978-0-674-02192-1[Pahina'y kailangan]
- ↑ Martínez, I; Rosa, M; Arsuaga, JL; Jarabo, P; Quam, R; Lorenzo, C; Gracia, A; Carretero, JM; Bermúdez de Castro, JM; atbp. (2004). "Auditory capacities in Middle Pleistocene humans from the Sierra de Atapuerca in Spain". Proceedings of the National Academy of Sciences. 101 (27): 9976–81. Bibcode:2004PNAS..101.9976M. doi:10.1073/pnas.0403595101. JSTOR 3372572. PMC 454200. PMID 15213327.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)