Ho Chi Minh
Hồ Chí Minh | |
---|---|
Ika-1 Pangulo ng Demokratikong Republika ng Vietnam | |
Nasa puwesto 2 Setyembre 1945 – 2 Setyembre 1969 | |
Sinundan ni | Tôn Đức Thắng |
Punong Ministro ng Demokratikong Republika ng Vietnam | |
Nasa puwesto 19 February 1951 – 2 Setyembre 1969 | |
General Secretary |
|
General Secretary of the Workers' Party of Vietnam | |
Nasa puwesto 1 November 1955 – 10 September 1960 | |
Nakaraang sinundan | Trường Chinh |
Sinundan ni | Lê Duẩn |
1st Prime Minister of the Democratic Republic of Vietnam | |
Nasa puwesto 2 September 1945 – 20 September 1955 | |
Nakaraang sinundan | Trần Trọng Kim (as Prime Minister of the Empire of Vietnam) |
Sinundan ni | Phạm Văn Đồng |
Minister of Foreign Affairs | |
Nasa puwesto 28 August 1945 – 2 March 1946 | |
Nakaraang sinundan | Trần Văn Chương Padron:Awrap |
Sinundan ni | Nguyễn Tường Tam |
Nasa puwesto 3 November 1946 – March 1947 | |
Nakaraang sinundan | Nguyễn Tường Tam |
Sinundan ni | Hoàng Minh Giám |
Full Member of the 2nd and 3rd Politburo | |
Nasa puwesto 31 March 1935 – 2 September 1969 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Nguyễn Sinh Cung 19 Mayo 1890 Kim Liên, Indotsinang Pranses |
Yumao | 2 Setyembre 1969 Hanoi, Hilagang Vietnam | (edad 79)
Himlayan | Ho Chi Minh Mausoleum, Hanoi |
Kabansaan | Vietnamese |
Partidong pampolitika | Partido Komunista ng Vietnam Partido Komunista Pranses |
Asawa | Tăng Tuyết Minh (m. 1926; estranged) |
Relasyon |
|
Ama | Hoàng Thị Loan |
Ina | Nguyễn Sinh Sắc |
Alma mater | Communist University of the Toilers of the East |
Trabaho |
|
Pirma | |
Si Hồ Chí Minh (Mayo 19, 1890 – Setyembre 2, 1969), ipinanganak na Nguyễn Sinh Cung, ay politiko, manghihimagsik, at estadistang Biyetnames na naglingkod bilang pangulo at punong ministro ng Hilagang Vietnam.
Napanganak siya sa Probinsya ng Nghệ An sa French protectorate ng Annam. Galing siya sa isang mahirap na pamilya. Ang kanyang ama, si Nguyễn Sinh Sắc, ay isang guro at tagapaglingkod at si Hòang Thị Loan, ang kanyang ina, ay namantay naman noong siya ay labing-isang taong gulang. Pagkatapos mag-aral sa Vinh at Quoc College sa Hué, si Ho ay nagturo sa isang pribadong eskwelahan sa Phan Thiet, sa Timog Annam. Ang kanyang pag-iisip ay nag-umpisa noong 1911, noong napagdesisyunan niyang umalis sa French Indo-China (Vietnam). Siya ay pumunta sa Saigon at nagging katukong sa kusina sa isang French passenger liner na Amiral Latouche-Treville. Pagkatapos ay nagtrabaho siya sa London (1915 – 1917) at Paris (1917 – 1923) bilang kusinero at iba pa. Siya rin ay nagpunta sa United States. Ang kanyang pamphlet, “La Race Noire”, na naipublish sa Moscow noong 1924, ay pinaniniwalaang ito ay base sa kanyang mga karanasan sa pagbyahe noong 1914 – 1916. Pinaniniwalaan ding pansamantala siyang tumira sa
Pinamunuan ni Hồ ang kilusang pangkasarinlang Viet Minh mula 1941 pasulong, na naglunsad ng Demokratikong Republik ang Biyetnam na pinamamahalaan ng mga komunista noong 1945 at nakatalo sa Unyong Pranses noong 1954 sa Labanan sa Dien Bien Phu. Nawalan siya ng kapangyarihang pampolitika sa loob ng Hilagang Biyetnam noong kahulihan ng dekada ng 1950, subalit nanatili bilang pinakanakikitang sinasagisag na pangulo hanggang sa kanyang kamatayan sa Setyembre 2, 1969. Pagkaraan ng Pagbagsak ng Saigon, binago o muling pinangalanan ang dating kabisera ng Timog Biyetnam, Saigon na naging Lungsod ng Hồ Chí Minh bilang parangal sa kanya.
Pansariling Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bukod sa pagiging politiko, si Hồ Chí Minh ay isa ring manunulat, mamamahayag, makata, at poligloto. Bago ang Himagsikang Agosto, madalas siyang nagsulat ng mga tula sa Chữ Hán. Isang tanyag na halimbawa nito ay ang kronikang Mga Tula mula sa Talaarawan sa Bilangguan, na isinulat noong siya ay nakulong ng mga pulis ng Republika ng Tsina. Ginawaran ito bilang Pambansang Kayamanan Blg. 10 at isinalin sa maraming wika.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Biyetnam at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.