Pumunta sa nilalaman

Hanami

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga pagdiriwang ng Hanami sa Kastilyo ng Himeji.

Ang Hanami (花見, literal na "panonood ng mga bulaklak" o "pagtanaw sa mga bulaklak") ay isang nakaugalian o tradisyonal na gawi ng pagkakaroon ng kasiyahan sa kagandahan ng mga bulaklak, natatangi na ng mga seresang namumulaklak (桜 o 櫻 sakura). Mahigit na sa isang libong taon ang pagsasagawa ng Hanami at tanyag pa rin sa Hapon magpahanggang sa ngayon. Nagaganap ito tuwing tagsibol, na kabila naman ng kaugaliang Momijigari (紅葉狩り) na ipinagdiriwang naman tuwing taglagas. Tumatagal lamang ang mga usbong at bulaklak ng seresang namumulaklak sa loob ng isa hanggang dalawang mga linggo, kalimitang magmula Marso hanggang Abril, at sinusundan ng midya at hinihintay ng karamihan sa mga Hapones. Dumarating ang buong pagbuka ng mga bulaklak (満開 mankai) tuwing mga isang linggo pagkaraan ng pagbukadkad ng unang mga usbong (開花 kaika).[1] Pagkalipas ng isa pang linggo, tapos na ang kaigtingan ng pamumulaklak at babagsak ang mga bulaklak magbuhat sa mga puno.

Umiiral din sa Hapon ang isang mas sinaunang anyo ng hanami, na tumutukoy sa pagkakaroon ng kasiyahan sa pagtanaw ng mga bulaklak (梅 ume) ng mga duhat (tinatawag ding sinigwelas, pasas, o plum; mga halamang Prunus), sa halip na ng sa mga seresang namumulaklak. Bantog ang ganitong uri ng hanami sa mga matatandang mga Hapones dahil mas kalmado o mas mahinahon ang mga pagdiriwang na ganito kaysa mga pagdiriwang ng sakura na kalimitang kinabibilangan ng mga nakababatang mga Hapones at minsang napakamatao at magulo o maingay.

Mahalagang tandaan na hindi lamang ito tinatawag na hanami ng mga Hapones, kundi tinatagurian din bilang ohanami (お花見), na nagdaragdag ng "o" sa harapan ng salita, na literal na nangangahulugang "pagtingin sa mga usbong ng mga bulaklak".[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "A beginner's guide to Hanami". Japan-guide.com. Nakuha noong Agosto 15, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Varley, Paul (2000). Japanese Culture (ika-ika-4 (na) edisyon). University of Hawaii Press. ISBN 978-0-8248-2152-4. p. 73.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)