Ganymede (mitolohiya)
Sa mitolohiyang Griyego, si Ganymede o Ganimedes (Griyego: Γανυμήδης, Ganymēdēs) ay isang prinsipe at banal na bayaning Griyego na ang inang-bayan ay ang Troy. Inilarawan siya ni Homer bilang pinaka maganda sa mga mortal. Sa higit na nakikilalang mito, siya ay tinangay ni Zeus, habang nasa anyo ng isang agila, upang maglingkod bilang tagapagtangan ng kopa o tasa sa Bundok Olympus. Ilan sa mga interpretasyon ng mito ang tumuturing dito bilang isang alegorya ng kaluluwa ng tao na naghahangad ng imortalidad. Nagsilbi rin ito bilang isang modelo para sa kostumbreng panlipunan ng mga Griyego na paiderasteia, ang ugnayan sa pagitan ng isang lalaking mas may gulang at ng isang lalaking nasa kanyang kabataan. Ang anyong Latin ng pangalan ni Ganymede ay Catamitus, kung saan hinango ang salitang Ingles na "catamite" (binibigkas na /ka-ta-mayt/).[1] Si Ganymede ay ang anak na lalaki ni Tros ng Dardania, kung kanino sinasapantahang hinango ang pangalan ng "Troy", at ni Callirrhoe. Kapatid niya ang mga lalaking sina Ilus at Assaracus.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.