Pumunta sa nilalaman

Eskimo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga Eskimo ay taong indihenong sirkumpolar na tumitira sa Siberia, Alaska, Canada sa Norte, at Greenland. Ang salitang Inuit ay ginagamit sa Canada para sa mga Eskimo. Bago ng mga kombersiyong moderno, may dating mga relihiyong animistiko ang mga Eskimo.

Ang dalawang prinsipal na uri ng Eskimo ay (1) ang Inuit na kabilang ang Iñupiat ng Alaska, Inuit ng Greenland, at Inuit ng Canada, at (2) ang Yupik o Yuit ng Siberia Oryental at Alaska. Ang salitang Eskimo ay akala'y galing sa Algonquian na escheemau para sa "tagakain ng hilaw na karne," pero may mga dalubwikang sabi ay galing daw sa Montagnais na ayas̆kimew—"tagalambat ng sapatos para sa niyebe." Hindi sigurado ang orihen.

May estimasyong dumating nang ilang alon ang mga Eskimo sa Norteamerika galing Asya nang mga 14 600 BCE hanggang 7000 BCE. Hindi sigurado ang panahon. Tuniit ang salitang Inuktitut para sa mga ninuno ng mga Inuit.

Tao Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.