Pumunta sa nilalaman

Duwende

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang duwende ay isang mala-taong pigura sa kuwentong bayan, na may mga pagkakaiba sa mga kalinangang Iberiko, Amerikanong Latino, at Pilipino. Sa Kastila, binabaybay ito bilang duende na nagmula bilang isang pagpapaikli ng pariralang dueño de casa o duen de casa, na nangangahulugang "may-ari ng bahay," o marahil nagmula sa ilang katulad na mitikong nilalang ng kalinangang Visigodo o Suwabo sa katotohanang pagkakatulad nito sa “Tomte” ng wikang Suweko na ginagawang konsepto ang isang pilyong espiritu na naninirahan sa isang tirahan.[1]

  • Batay sa isang popular na paggamit at sa kuwentong bayan, sinulat ng Kastilang makata at mandudula na si Federico García Lorca ang isang sanaysay sa mga estetika ng Duwende sa popular na kultura, na tinatawag na "Papel at Teoriya ng Duende" (Arhentina, 1933). Kabilang sa pangitain ni Lorca sa duende: kawalang katwiran, kamunduhan, isang kamalayan ng kamatayan, at isang diyabolikong pagkikitungo.[2]

Mgs sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Joan Corominas, 'Breve diccionario etimológico de la lengua castellana', "Duende" (Madrid: Editorial Gredos, 1980). (sa Kastila)
  2. García Lorca, Federico, 1898-1936. (2010). In search of duende (sa wikang Ingles). Maurer, Christopher., Di Giovanni, Norman Thomas. New York: New Directions. ISBN 978-0-8112-1855-9. OCLC 569568655.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)