Destiny's Child
Destiny's Child | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Houston, Texas, United States |
Genre | R&B, pop, dance pop |
Taong aktibo | 1990–2005 |
Label | Columbia Records |
Miyembro | Beyoncé Knowles (1990–2005) Michelle Williams (2000–2005) Kelly Rowland (1990–2005) |
Dating miyembro | LaTavia Roberson (1990–2000) LeToya Luckett (1992–2000) Farrah Franklin (2000) |
Ang Destiny's Child (minsan tinatawag ding bilang DC o DC3) ay dating isang grupong babaeng mang-aawit ng R&B at pop na binubuo ng pangunahing mang-aawit na si Beyoncé Knowles, Kelly Rowland at Michelle Williams. Ang grupo ay naglabas ng apat na pangunahing mga studio album at apat na US number-one na single, at, kinabilangan ng mga solong paglabas, na kumita ng mahigit sa 50 milyon mga rekord sa buong daigdig, kung saan ang mahigit 17.5 milyon nito ay mula sa.[1][2] Ayon sa World Music Awards, sila ang pinakabentang grupong babae ng lahat ng panahon.[3][4] Nirangguhan ng Billboard magazine ang grupo bilang isa sa pinakamagaling na grupong triong musikal ng lahat ng panahon.[5]
Nabuo noong 1990 sa Houston, Texas, nagsimula ang pagkahilig sa musika ng mga kasapi ng Destiny's Child nang sila ay magdadalaga pa lang bilang isang grupo ng anim na kasapi sa ilalim ng pangalang Girl's Tyme. Pagkatapos ng ilang taong mga pinagdaanan, sila ay lumagda sa Columbia Records at binago ang kanilang pangalan. Ang kanilang unang album na pinamagatan sunod sa pangalan ng grupo ay medyo naging matagumpay, subalit nang ilabas ang The Writing's on the Wall, ang ikalawang studio album noong 1999, ang nagpakilala sa grupo na may mga singles na "Bills, Bills, Bills", "Bug a Boo" at "Say My Name". Ngunit, kahit na sila ay naging matagumpay, ang grupo ay hindi pa rin nakaiwas sa mga hindi pagkakaunawaan sa isa't isa at mga kaguluhang legal, dahil sa kasaping si LaTavia Roberson at LeToya Luckett na ninais na tanggalin bilang tagapamahala ng grupo (at ama rin ni Knowles) na si Matthew Knowles, na sinasabing may paboritismo ito kanina Knowles at Rowland. Hindi naglaon ay pinalitan sila ni Williams at Farrah Franklin; subalit noong 2000, si Franklin ay umalis din sa grupo, at nagpatuloy na lang sila bilang trio.
Ang kanilang ikatlong album, ang Survivor, na ayon sa publiko ay naglarawan ng kanilang mga karanasan, na kinabilangan ng mga awit na sumikat sa buong mundo tulad ng "Independent Women" at "Bootylicious". Noong 2002, ang Destiny's Child ay nagpahay na sila ay maghihiwalay na kinapalooban ng mga proyektong solo; ang kanilang paghihiwalay ang naging daan upang sila ay naging matagumpay bilang solong artista. Sila ay nagsamang muli upang irekord ang kanilang huling album, ang Destiny Fulfilled, at nagretiro upang ipursige ang kanilang mga solong karera sa musika, teatro, telebisyon, at pelikula.
Kasaysyan
[baguhin | baguhin ang wikitext]1990–1997: Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1990, nakilala ni Beyoncé Knowles si LaTavia Roberson habang nag-aaudition para sa isang grupong babae.[6] Mula sa Houston, Texas, sila ay isinali sa isang grupo na nagtatanghal ng rap at sayaw; si Kelly Rowland, na lumipat sa bahay nila Knowles dahil sa mga problemang pampamilya, ay sumali sa kanila. Orihinal na pinangalanang Girl's Tyme, lumaon sila ay binawasan at naging anim.[7][8] Kasama si Knowles at Rowland, ang Girl's Tyme ay nakakuha ng atensiyon sa buong bansa.[7] Ang West-coast R&B producer na si Arne Frager ay lumipad patungong Houston upang makita sila. Dinala niya sila sa kanyang studio, The Plant Recording Studios, sa Hilagang California, na nagtuon ng pansins sa boses ni Knowles dahil naisip ni Frager na mayroon personalidad at abilidad maging mang-aawit si Knowles.[7] Upang lalo pang ipursige na makalagda ng isang malaking rekord deal ang Girl's Tyme, isang istratehiya ni Frager ang isali sila sa Star Search, ang pinakasikat na palabas na nagpapakita ng talento sa telebisyon noong panahong iyon.[7] Sila ay sumali, subalit hindi nagwagi sa kumpetisyon, dahil ayon kay Knowles ang napili nilang awit ay mali;[9] Sila daw ay nagrap kaysa na dapat ay umawit.[6]
Dahil sa pagkatalo ng grupo, ang ama ni Knowles, si Mathew Knowles, ay boluntaryong ginugol ang kanyang panahon upang maging tagapamahal ng grupo; Noong 1995, siya ay nagbitiw sa kanyang trabaho bilang isang salesman ng mga gamit pangmedikal.[7] Ang ginawa nitong pagbitiw ay nakabawas sa kalahati ng kita ng pamilya Knowles, at dahil na rin sa kagipitan panandaliang naghiwalay.[7][10] Binawasan ni Mathew Knowles ang orihinal na bilang nito hanggang sa maging apat na lang sila kasama si LeToya Luckett noong 1993;[6] Siya ay nagtayo ng isang kampo kung saan sila maaaring magsanay;[7] Sila ay nagsasanay sa salon ng ina ni Knowles, si Tina, at sa kanilang likod bahay, sila ay nagpatulog bilang mga pangunang bilang sa mga kilalang mga grupo ng R&B noong panahong iyon gaya ng SWV, Dru Hill at ni Immature.[6] Si Tina Knowles ay tumulong din sa paggawa ng mga damit nila na ginagamit nila sa kanilang pagtatanghal.[11] Sila ay lumagda sa Elektra Records noong taong din iyon, subalit binitawan bago pa man sila mapagpalabas ng album.[12] Noong 1997, ang ama ni Knowles ay nakipagnegosasyon sa rekord label na Columbia Records at inilagda ang grupo.[6][8]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "R&B stars Destiny's Child split". British Broadcasting Corporation. 2005-06-13. Nakuha noong 2008-10-04.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Top Selling Artists". Recording Industry Association of America. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-22. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beyonce Knowles". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-22. Nakuha noong 2008-04-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Keller, Julie (2005-09-01). "Destiny's World Domination". Yahoo! Music. Nakuha noong 2006-12-28.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Billboard Greatest Trios of All Time". Billboard. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-24. Nakuha noong 2008-05-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Kaufman, Gil (2005-06-13). "Destiny's Child's Long Road To Fame (The Song Isn't Called 'Survivor' For Nothing)". MTV News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-28. Nakuha noong 2008-04-13.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 7.6 Beyonce: All New. E! Online.
{{cite midyang AV}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "Beyoncé Knowles: Biography". People. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-26. Nakuha noong 2008-04-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Farley, Christopher John (2001-01-15). "Call Of The Child". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-30. Nakuha noong 2008-04-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beyonce Knowles' Biography". FOX News. 2007-01-18. Nakuha noong 2008-04-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tyrangiel, Josh (2003-06-30). "Destiny's Adult". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-30. Nakuha noong 2008-04-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Driven". VH1. MTV Networks. Inarkibo mula sa orihinal noong 2003-08-20. Nakuha noong 2008-05-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)