Pumunta sa nilalaman

Buging

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Hemiramphidae
Temporal na saklaw: Eocene - Kamakailan
Isang pandagat na buging, ang ballyhoo, Hemiramphus brasiliensis
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Suborden:
Superpamilya:
Pamilya:
Hemiramphidae

Gill, 1859
Mga subpamilya at sari

Hemiramphinae Gill, 1859
  Arrhamphus
  Chriodorus
  Euleptorhamphus
  Hemiramphus
  Hyporhamphus
  Melapedalion
  Rhynchorhamphus
Zenarchopterinae Fowler, 1934
  Dermogenys
  Hemirhamphodon
  Nomorhamphus
  Tondanichthys
  Zenarchopterus

Ang buging[1] (Ingles: half-beak o "kalahating-tuka" [literal]; pamilya Hemiramphidae) ay isang isdang may malawak na nasasakupang heograpiya at may masaganang kabilangan na namumuhay sa mga mainit na katubigan ng buong mundo. Nahahati sa dalawang subpamilya ang pamilyang Hemiramphidae, ang mga halos pandagat (mga pang-marina) lamang na mga Hemiramphinae at ang mga pantubig-tabang (mga pang-estuwaryo) na mga Zenarchopterinae. Pinangalanan silang halfbeak sa Ingles dahil sa kanilang kakaibang mga panga, kung saan mas sadyang mahaba ang pang-ibabang panga kesa pang-itaas na panga. Kahanga-hanga ang mga buging sa pagpapakita ng bukod-tanging malawak na gawi sa moda ng reproduksiyon, na kinabibilangan ng pangingitlog (obiparidad), obobiparidad, at tunay bibiparidad kung saan nakadugtong ang ina sa lumalaking bilig (embriyo) sa pamamagitan ng kayariang tulad ng inunan (o plasenta). Sa ilang mga pang-akwaryong mga uri na nanganganak ng buhay na batang isda, nagpapakita rin ang mga umuunlad pa lamang na mga bilig ng katangian ng pagka-kanibal o kumakain ng sariling kauri habang nasa loob ng matris o bahay-bata (uterus); sa kasong ito kinakain ng mga bilig ang kapwa-bilig o mga itlog sa loob ng matris.

Bagaman hindi itinuturing na mahalaga pang-komersiyalismo, sinusuportahan ng mga isdang ito ang mga mangingisdang artisano at mga katutubong pamilihan sa buong mundo. Kinakain din sila ng iba pang mga maninilang isdang itinuturing na mahalaga sa larangan ng kalakalan, katulad ng mga mga billfish, makerel, at pating. May ilang buging na minamantini bilang isdang pang-akwaryum sa libangan ng pag-aalaga ng mga isda.

  1. English, Leo James (1977). "Buging, half-beak". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)