Pumunta sa nilalaman

Bohol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol ito sa isang lalawigan sa Pilipinas. Para sa sayaw, tingnan ang Mazurka Boholana.
Bohol
Lalawigan ng Bohol
Watawat ng Bohol
Watawat
Opisyal na sagisag ng Bohol
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Bohol
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Bohol
Map
Mga koordinado: 9°54'N, 124°12'E
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Kabisayaan
KabiseraTagbilaran
Pagkakatatag25 Marso 1565 (Huliyano)
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorErico Aristotle Aumentado
 • Manghalalal898,682 na botante (2019)
Lawak
[1]
 • Kabuuan4,820.95 km2 (1,861.38 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan1,394,329
 • Kapal290/km2 (750/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
286,768
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan19.10% (2021)[2]
 • Kita₱2,627,707,206.291,235,710,870.161,312,792,576.571,484,073,353.411,751,247,825.301,851,174,675.932,033,354,182.262,187,448,819.092,336,232,385.25 (2020)
 • Aset₱10,058,628,654.202,461,058,629.502,537,216,579.205,432,107,735.805,727,938,763.126,198,295,068.507,133,218,333.468,186,852,444.809,514,165,123.8910,706,027,311.3311,798,883,391.30 (2020)
 • Pananagutan₱2,104,457,249.63959,221,681.54986,254,997.483,596,653,634.303,511,799,272.703,387,970,617.133,065,881,503.232,918,201,194.982,477,869,617.822,362,057,471.672,294,381,396.89 (2020)
 • Paggasta₱2,011,526,762.241,018,804,639.521,073,910,011.351,080,015,759.64139,207,793.191,158,241,910.211,210,568,784.461,438,376,683.131,634,275,146.23 (2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod1
 • Bayan47
 • Barangay1,109
 • Mga distrito3
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
6300–6346
PSGC
071200000
Kodigong pantawag38
Kodigo ng ISO 3166PH-BOH
Klimatropikal na monsoon na klima
Mga wikaSebwano
Wikang Eskayano
Websaythttp://www.bohol.gov.ph/
Pagsikat ng Araw sa Bohol

Ang Bohol ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang Visayas. Lungsod ng Tagbilaran ang kabisera nito at nasa kanluran nito ang pulo ng Cebu, nasa hilagang-silangan naman ang Leyte at nasa timog, sa ibayo ng Dagat Bohol, ang Mindanao.

Tanyag ang lalawigan bilang destinasyong panturismo dahil sa mga magagandang dalampasigan at resorts.[3] Ang Chocolate Hills, ay ang pinakadinarayong tanawin sa lalawigan. Ang Pulo ng Panglao, na matatagpuan sa timog kanluran ng Lungsod ng Tagbilaran, ay tanyag na lugar pansisid at palaging nakatala bilang isa sa sampung pinakamagandang sisiran "diving location" sa buong daigdig. Ang tarsier, ang sinasabing pinakamaliit na unggoy sa buong daigdig, ay matatagpuan sa pulo.

Ito ang lalawigan ng ika-8 pangulo ng Pilipinas, si Carlos P. Garcia, na naging pangulo ng Pilipinas noong (1957–1961), ay isinilang sa Talibon, Bohol.[4]

Ang Chocolate Hills ng Bohol

Ang pulo ng Bohol ay isang pulong may hugis habilog, na may mga katamtamang taas ng mga bundok. Sa mga bundok ng Bohol matatagpuan ang mga pambihirang mga uri ng halaman at hayop. Binubuo rin ang pulo ng lalawigan ng mga burol. Sa Carmen, Batuan, at Sagbayan matatagpuan ang mga halos perpektong hugis na apang burol na tinatawag bilang Chocolate Hills. Ang Chocolate Hills sa Carmen, Bohol ay sinasabing isa sa mga natural na hiwaga ng Bohol at kadalasang sinasabing Hiyas ng Pilipinas.

Ang Chocolate Hills ng Pilipinas ay tanyag sa kanilang mga brown na burol. Ang mga marilag na burol na ito ay karaniwang natatakpan ng berdeng damo, na nagiging kulay ng tsokolate sa panahon ng tuyong panahon. Ang mga chocolaty at magnanimous na burol na ito ay higit sa isang libo ang bilang at nagkalat sa isang lugar na 50 square kilometros sa mga bayan ng Carmen, Batuan, at Sagbayan. [5]

May mga dalampasigan din sa pulo ng Bohol na puti ang buhangin. Ang pinakatanyag sa mga ito ay ang mga dalampasigan ng Pulo ng Panglao.

May apat na pangunahing mga ilog na dumadaloy sa Bohol. Ang Ilog Loboc ang pinakatanyag sa lahat dahil sa mga bangkang may kainang naglalayag doon na matatagpuan sa timog silangang bahagi ng pulo.

Mga bayan at lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Corella, Cortes, Dauis, Loon, Maribojoc, Panglao, Sikatuna, Tubigon

Ikalawang Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pres. Carlos P. Garcia, Sagbayan, San Isidro, San Miguel, Talibon, Trinidad, Ubay

Ikatlong Distrito

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Garcia Hernandez, Guindulman, Jagna, Lila, Loay, Loboc, Mabini, Pilar, Sevilla,
Sierra Bullones, Valencia
Bohol Capitol

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Bohol". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Socio-economic Profile Naka-arkibo 2015-11-19 sa Wayback Machine. bohol.gov.ph
  4. Bountiful Bohol Naka-arkibo 2017-03-12 sa Wayback Machine. www.aenet.org Hinago noong 15 Nobyembre 2006.
  5. Tuklasin ang Misteryo ng Chocolate Hills sa Bohol Naka-arkibo 2021-05-17 sa Wayback Machine., Philippines