Pumunta sa nilalaman

Benjamin Franklin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Benjamin Franklin
Kapanganakan17 Enero 1706[1]
  • (Suffolk County, Massachusetts, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan17 Abril 1790[1]
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposPag-aaral sa tahanan
Trabahopolitiko,[2] diplomata,[3] manunulat[4]
Pirma

Si Benjamin Franklin (17 Enero 1706 - 17 Abril 1790) ay isa sa "Tagapagtatag na mga Ama" ng Estados Unidos, at isa sa pinakamaagang politiko ng bansa. Nagkaroon siya ng napakahalagang bahagi sa paghubog ng Mapanghimagsik na Digmaang Amerikano, bagaman hindi siya nahalal kailanman sa anumang puwestong opisyal. Bilang pinuno ng Panahon ng Pagkamulat, naimpluwensiyahan niya ang mga siyentipikong Europeo. Siya ang unang naging palagiang iniuugnay ng mga Europeo sa Amerika noong panahong iyon. Isang mahalagang bagay ang kanyang tagumpay sa militar ng Pransiya kaugnay ng pananagumpay ng Amerika laban sa Dakilang Britanya. Karamihan sa mga tao ang tumatanaw kay Franklin bilang isa sa pinakadakilang mga imbentor sa kasaysayan. Ilan sa kanyang mga nalikha ang pararayos o pangayas-kidlat, salaming doble-bista (isang uri ng salamin sa mata), ang ideya ng pagkakaisa sa loob ng Labintatlong mga Kolonya, at ang ideya ng mismong Amerika. Ipinagdiwang ng lungsod ng Philadelphia, Pennsylvania (ang pook kung saan siya nanirahan) ang kanyang ika-300 kaarawan noong 2006. Malimit na nakikita si Franklin sa salaping $100 ng Estados Unidos bilang tanda ng kanyang katalinuhan at bilang parangal sa nakalipas ng bansang ito.

[baguhin | baguhin ang wikitext]
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.

SiyentipikoEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 https://brockhaus.de/ecs/julex/article/franklin-benjamin; hinango: 9 Oktubre 2017.
  2. https://elections.lib.tufts.edu/catalog/FB0023; hinango: 23 Disyembre 2020.
  3. https://cs.isabart.org/person/152605; hinango: 1 Abril 2021.
  4. https://tritius.kmol.cz/authority/777285; hinango: 26 Setyembre 2024.