Pumunta sa nilalaman

Astrosikolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang astrosikolohiya, sikolohikal na astrolohiya, sikolohikong astrolohiya, sikolohikang astrolohiya, astrolohiyang sikolohikal, astrolohiyang sikolohiko, o astrolohiyang sikolohika ay isang kamakailan lamang na produkto ng pagsasama-sama at pagsasanib-sanib ng mga larangan ng astrolohiya na may sikolohiya ng lalim, sikolohiyang humanistiko, at sikolohiyang transpersonal. Gumagamit ito ng horoskopyo at ng mga arketipo ng astrolohiya upang makapagbigay ng kabatiran hinggil sa sikolohikal na pag-unawa ng isipan o psyche ng isang tao.

Kabilang sa mahahalagang mga tagapanimula ng astrosikolohiya ay sina Liz Greene at Howard Sasportas na nagtatag ng Sentro para sa Sikolohikal na Astrolohiya noong 1983; sina Bruno Huber at Louise Huber na nakapagpaunlad ng sarili nilang metodo ng astrosikolohiyang tinatawag na Metodong Huber, na may kaugnayan sa gawain ni Roberto Assagioli hinggil sa sikosintesis.

AstrolohiyaSikolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astrolohiya at Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.