Anghelika (yerba)
Anghelika | |
---|---|
Anghelikang ilang (Angelica sylvestris) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Apiales |
Pamilya: | Apiaceae |
Sari: | Angelica L. |
Mga uri | |
Mga 50 uri; tingnan sa teksto. |
Ang yerbang anghelika, yerba anghelika[1], o anghelika lamang (Ingles: Angelica), ay mga halamang-gamot o yerba na itinuturing na isang saring may 60 mga uri ng matataas halamang perenyal, na nasa pamilyang Apiaceae, likas sa mga rehiyong may katamtamang klima at sub-artiko ng Hilagang Hemispero. Umaabot silang hanggang sa malayong Hilaga sa Aisland at Lapland. Lumalaki sila hanggang mga 1 hanggang 3 ang taas, na may malalaking mga dahon at mga malalaking umbel ng mga puti o luntiang-puting mga bulaklak.
Pagtatanim at gamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]May ilang mga uring pinalalaki para magsilbing mga pampalasa o para sa kanilang mga katangiang nakakagamot. Pinakanatatangi rito ang Pangharding anghelika (Garden Angelica, A. archangelica), na mas karaniwang tinatawag na angelica o anghelika lamang. Ginagamit ng mga katutubo sa Lapland ang malamang mga ugat bilang pagkain at ang mga sanga at tangkay bilang gamot. Kulay luntian ang mga kristalisadong mga punit o pingas ng mga batang tangkay o sanga ng anghelika, maging ang mga panggitnang "tadyang" o hibla, na ipinagbibili bilang pandekorasyon at malasang mga palamuting materyal sa mga mamon o keyk, bagaman maaari ring kainin ng gayon. Minsang ginagamit na pampalasa sa mga gin ang mga ugat at buto ng halaman, katulad ng Chartreuse at Benedictine.[2]
Kinakain ang Anghelikang tabing-dagat (Seacoast Angelica, A. lucida) na katulad ng ginagawa sa ligaw o ilang na bersiyon ng apyo. Kinakain ng ilang mga ulyabid (mga Lepidoptera) ang A. sylvestris at ilan pang ibang uri, kabilang ang Eupithecia succenturiata, Eupithecia subfuscata, Lime-speck Pug at ang Chloroclystis v-ata. May ilang mga pangunahing bansa sa Hilagang Amerika ang gumagamit ng A. dawsonii bilang mga kasangkapang pangritwal. Matatagpuan ang A. atropurpurea sa Hilagang Amerika mula Newfoundland sa hilaga patungong Wisconsin at patimog sa Maryland, at bilang pampausok ng mga tribo sa Missouri na panggamot sa mga sipon at ibang mga karamdamang pangdaanan ng hininga. Kahawig ng uring A. atropurpurea ang isang nakalalasong Cicuta virosa (isang uri ng hemlak o Cicuta).
Bilang halamang-gamot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit bilang toniko o masustansiyang pampasiglang pagkain ang mga kinending mga tangkay at ugat ng anghelika na panlaban sa mga impeksiyon. Nagsisilbing toniko rin ang A. sinensis (dang gui sa wikang Intsik) sa mga panggagamot sa Silangan, katulad ng para sa ikot ng pagreregla at pandugo. Marami ring mga nakahanda at nabibili na sa botikang mga gamot na may dang gui sa Kanluran. Mahalaga ang mga ugat ng dang gui sa mga sakit na anemia,pananakit kung may regla, at nagagamit bilang toniko o pampasiglang inumin pagkatapos manganak. Nililinis at pinapasigla ng dang gui ang atay (inaalis ang mga dumi o toksin). Nakatatanggal rin ito ng empatso o konstipasyon, partikular na sa mga matatanda.[2]
Nagagamit ang mga dahon ng A. archangelica bilang pampabuti ng panunaw (dihestiyon) sa tiyan at mga suliraning pangbaga; mas katamtaman ang nadaramang init mula sa mga dahon kaysa mga ugat. Nagagamit din para sa mga sakit na panghininga at pangpanunaw ang mga ugat ng A. archangelica, maging pampagana sa pagkain, pampainam ng gawain ng atay, pangtanggal ng rayuma at artritis, pampapawis sa mga karamdamang may ginaw at sipon, at bilang pampasigla ng sinapupunan (sa kaso ng matagal na panganganak o masyadong pagkapit ng bahay-bata matapos magsilang).[2]
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Angelica ampla - Dambuhalang anghelika
- Angelica archangelica - Pangharding anghelika, Arkanghel, Angelique
- Angelica arguta - Anghelika ni Lyall
- Angelica atropurpurea - Anghelikang may purpurang tangkay, Alexanders
- Angelica breweri - Anghelika ni Brewer
- Angelica californica - Anghelika ng California
- Angelica callii - Anghelika ni Call
- Angelica canbyi - Anghelika ni Canby
- Angelica cartilaginomarginata
- Angelica dahurica - bai zhi sa wikang Intsik
- Angelica dawsonii - Anghelika ni Dawson
- Angelica dentata - Anghelika sa baybaying-patag
- Angelica genuflexa - Anghelikang nakaluhod
- Angelica gigas - Cham dangwi o Tsam dangwi sa wikang Koreano
- Angelica glabra - kasingkahulugan ng Angelica dahurica[3]
- Angelica grayi - Anghelika ni Gray
- Angelica hendersonii - Anghelika ni Henderson
- Angelica keiskei -- Ashitaba
- Angelica kingii - Anghelia ni King
- Angelica lineariloba - Anghelikang lason
- Angelica lucida - Angelicang pambaybaying-dagat
- Angelica pachyacarpa
- Angelica palustris
- Angelica pinnata - Angelikang may maliit na dahon
- Angelica pubescens
- Angelica roseana - Rosang anghelika
- Angelica sinensis - Dong quai sa wikang Intsik
- Angelica scabrida - Anghelika ng Bundok Charleston
- Angelica sylvestris - Anghelikang ilang
- Angelica tomentosa - Mabalahibong anghelika
- Angelica triquinata - Mabilig na anghelika
- Angelica venenosa - Mabuhok na anghelika
- Angelica wheeleri - Anghelika ng Utah
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Angelica, yerba anghelika - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Ody, Penelope (1993). "Angelica, Angelica spp.". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
- ↑ Pimenov, M.G. at M.V. Leonov. "The Asian Umbelliferae Biodiversity Database (ASIUM) with Particular Reference to South-West Asian Taxa." Turkish Journal of Botany Tomo 28 (2004) pp 139-145. nasa website ng TJB Naka-arkibo 2013-10-19 sa Wayback Machine. nakuha noong 5 Hulyo 2006.