Pumunta sa nilalaman

Anastasia Prikhodko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Anastasia Kostyantynivna Prikhodko (Ukranyo: Анастасія Костянтинівна Приходько, romanisado: Anastasiya Kostyantynivna Prykhodko; ipinanganak noong Abril 21, 1987) ay isang Ukranyanang naktibista, politiko, at dating mang-aawit-manunulat ng kanta. Kilala sa kanyang malalim na contralto na boses sa pagkanta at timpla ng musikang folk rock at pop, inihayag ni Prikhodko na tatapusin niya ang kaniyang karera sa musika upang makapasok sa politika noong Oktubre 2018. Dati nang ginawa ni Prikhodko ang kaniyang sarili na isang pangunahing tauhan sa panahon ng Euromaidan at sa maka-Rusong pag-aalsa sa Ukranya noong 2014, na nagpapahayag ng suporta para sa mga puwersang Ukranyano at nanunumpa na hindi na muling gaganap sa Russia.

Si Prikhodko ay unang nakatanggap ng pangunahing atensiyon noong 2007, pagkatapos manalo sa seryeng pito ng Rusong kompetisyon sa musika na Fabrika Zvyozd. Ang kaniyang panalo ay humantong sa kaniya upang makipagtulungan sa Ukranyanong producer na si Konstantin Meladze. Noong 2009, kinatawan ni Prikhodko ang Russia sa Kantahang Timpalak ng Eurovision ng 2009 sa Moscow, kasama ang kantang "Mamo", na isinulat ni Meladze. Ang kanyang paglahok sa kompetisyon ay dumating na may ilang mga kontrobersiya kasunod ng kanyang pagkadiskuwalipikasyon mula sa pambansang final ng Ukranyano at mga kasunod na mga katanungan tungkol sa integridad ng mga hukom at bisa ng kompetisyon; pagkatapos, nakibahagi siya sa pambansang pinal ng Russia at nanalo. Napunta si Prikhodko sa ika-11 puwesto sa pinal ng Eurovision.

Matapos tapusin ang kaniyang pakikipagtulungan kay Meladze noong 2010, sinubukan ni Prikhodko na kumatawan sa Ukranya sa Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision sa dalawa pang okasyon: 2011 at 2016; siya ay isang finalist sa dating taon, ngunit na-eliminate sa semi-finals sa huling taon. Simula noong 2014, naging aktibo sa politika si Prikhodko bilang isang aktibista para sa mga pwersang maka-Ukranyano at maka-Europeanismo sa Ukranya. Noong 2015, inihayag ni Prikhodko na hindi na siya magtatanghal sa wikang Ruso. Matapos kumpirmahin ang kaniyang pag-alis sa industriya ng musika noong 2018, inihayag ni Prikhodko na siya ay nakarehistro sa All-Ukrainian Union "Fatherland" na partidong pampolitika ni Yulia Tymoshenko upang pumasok sa politika.

Hindi matagumpay na lumahok si Prikhodko sa halalang pamparlamento ng Ukranya ng 2019 sa Ika-11 distritong panghalalan ng Ukranya sa ngalan ng Fatherland party.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Вінничани не обрали до Ради віцепрем'єра Кістіона та співачку Приходько" (sa wikang Ukranyo). Ukrinform. 23 Hulyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)