Amalayer
Amalayer | |
---|---|
Petsa | Nobyembre 2012 |
Lokasyon | LRT Santolan |
Kinalabasan | Naging viral sa hatirang pangmadla |
Ang Amalayer o #Amalayer ay isang viral video na lumabas sa Internet noong 2012. Hango ang salita mula sa pariralang Ingles na "I'm a liar?" (Ako'y sinungaling). Ang bidyo ay naglalaman ng isang insidente kung saan ang isang babae ay sinigawan ang isang babaeng guwardiyang pang-seguridad sa LRT Santolan matapos nabigo niyang ilagay ang kanyang bag sa makina ng X-ray, para sa seguridad. Nangyari ito nang sumakay siya sa tren noong Nobyembre 2012.[1] Binanggit sa kanyang pagsigaw ang mga katagang "I'm a liar" at ginawang amalayer.[2] Hindi niya namalayan na kinunan siya ng bidyo sa oras na iyon at naging viral ito sa hatirang pangmadla. Ang hashtag na #amalayer ay nag-trending sa buong mundo. Nang dahil sa insidente ginawa niya, hindi siya nakapasok sa paaralan ng dalawang buwan.[3]
Halos dalawang taon matapos ang insidente, isinadula ang panig ng babaeng nasa bidyo sa Maalala Mo Kaya noong Hulyo 19, 2014.[4] Noong 2020, ipinahayag na ang babaeng nasa bidyong Amalayer ay nagkaroon ng post-traumatic stress disorder o sakit na istres pagkatapos ng traumatikong insidente.[5] Nangyari ang paninigaw niya sa viral video dahil nagkaroon siya ng episodyo ng sakit na bipolar.[5] Bagaman, sinabi niya hindi palusot ang sakit niya at hindi niya ipinagmamalaki ang ginawa niya sa viral video. Nahirapan din siya maghanap ng trabaho lalo na kung malalaman na siya ang babae nasa bidyong Amalayer.[5] Sa kabila nito, naging kampeon siya ng kamalayan sa kalusugang pangkaisipan at nagkaroon ng panayam tungkol sa cancel culture (kultura ng pagkansela) na ang Embahada ng Suwesiya sa Maynila ang nag-host.[5]
Noong Hulyo 10, 2021, lumabas siya bilang isa sa mga huhulaan sa porsyon na "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! kung saan nilahad niya ang kanyang karanasan sa viral video na Amalayer.[6]
Mga sanggunian
- ↑ "Amalayer lady: 'Go spread the video. Make me famous'". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). 2012-11-14. Nakuha noong 2024-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dalupang, Audrey; Joshua Mark (14 Nobyembre 2014). "Girl in viral #Amalayer video speaks up" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Mayo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lacuata, Rose Carmelle (2014-06-27). "How cyberbullying changed 'Amalayer' girl". ABS-CBN News. Nakuha noong 2024-01-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "#Amalayer girl earns sympathy after MMK featured her life story". The Summit Express (sa wikang Ingles). 2014-07-19. Nakuha noong 2024-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 Nanato, Vince (2020-12-04). "'Amalayer' Girl, Lao Seek An End To 'Cancel Culture' After Being Subjected To Online Shaming | OneNews.PH". ‘Amalayer’ Girl, Lao Seek An End To ‘Cancel Culture’ After Being Subjected To Online Shaming | OneNews.PH (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nakakatakot MaBully! Paano nila Nalagpasan? (Shy Singer at Kris Bernal: Biktima Ng Cyberbullying), nakuha noong 2024-01-07
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)