Pumunta sa nilalaman

Agronomiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa payak na paglalarawan, ang agronomiya o palalinangang panghalaman[1] ay ang pag-aaral ng lupa kaugnay ng kung paano nito naaapektuhan ang paglaki ng mga halaman. Ang mga agronomo o agronomista ang nagsasagawa ng pagpapainam ng mga metodong magpapahusay pa ng paggamit ng lupa at makapagpataas ng dami ng pagkain at mga panananim na hibla.

Sa mas malawak na paglalarawan, ang agronomiya ay ang agham at teknolohiya ng paggamit ng mga halaman upang maging pagkain, panggatong, pakain sa hayop, hibla, at reklamasyon. Sinasaklawan nito ang mga gawain sa mga larangan ng henetika ng halaman, pisyolohiya ng halaman, meteorolohiya, at agham panlupa. Isa itong paggamit ng isang pagsasama-sama ng mga agham katulad ng biyolohiya, kimika, ekolohiya, agham pangmundo, at henetika. Sa kasalukuyan, ang mga agronomo ay kasangkot sa maraming mga paksang kabilang ang paggawa ng mga pagkain, paglikha ng mas malulusog na mga pagkain, pamamahala ng epekto ng agrikultura sa kapaligiran, at paglikha ng enerhiya mula sa mga halaman.[2] Karaniwang nagiging espesyalista sa mga lugar ng rotasyon ng mga pananim, irigasyon, paagusan o pansol, pagpapalahi ng halaman, pisyolohiya ng halaman, klasipikasyon ng lupa, pertilidad ng lupa (katabaan ng lupa), pagkontrol ng halamang hindi kailangan, pagkontrol ng mga kulisap, at pagpuksa ng mga salot ang mga agronomo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Batay sa agronomy - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "I'm An Agronomist!". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-16. Nakuha noong 2010-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Agrikultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Agrikultura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.