Tibor Sekelj
Tibor Sekelj | |
---|---|
Kapanganakan | 14 Pebrero 1912
|
Kamatayan | 20 Setyembre 1988
|
Mamamayan | Sislitanya Kaharian ng Yugoslavia Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia |
Nagtapos | Unibersidad ng Zagreb |
Trabaho | eksplorador, Etnologo, manunulat, mamamahayag, Esperantista, makatà |
Si Tibor Sekelj (sa Unggaryo: Székely Tibor) (14 Pebrero, 1912 – 20 Setyembre, 1988) ay isang Yugoslabong (Kroato) eksplorador, Esperantista, manunulat, at manananggol na may kanunu-nunuang Hudyo. Bukod sa wikang Unggaryo at Kroato, nakapagsasalita rin siya ng Aleman, Kastila, Ingles, Pranses, at Esperanto. Isa siyang kasapi sa Akademya ng Esperanto at ng Pandaigdigang Asosasyong ng Esperanto. Marami siyang naisulat na mga aklat at mga sulating may kaugnayan sa wikang Esperanto at mga paglalakbay niya.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang siya sa Spišská Sobota (Austria-Unggarya), Poprad, pangkasalukuyang Slovakia. Isang beterinaryo ang kanyang ama, at malimit na palipat-lipat ng pook ang mag-anak. Makalipas ang ilang mga buwan, lumipat sila patungong Cheney (kasalukuyang Rumanya), at lumipat naman patungong Kikinda (sa Vojvodina) noong 1922, kung saan siya nakapagtapos sa mababang paaralan. Muli silang lumipat patungong Nikšić (Montenegro) kung saan naman siya nakapagtapos sa mataas na paaralan (sa isang tinatawag na himnasyo). Pagkatapos nito, pumunta siya sa Zagreb kung naman siya nakapagtapos ng pagkamanananggol sa isang pamantasan. Napangasawa niya ang babaeng si Erzsébet Sekelj.
Larangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naghanapbuhay siya bilang isang tagapamahayag sa Zagreb. Noong 1939, pumunta siya sa Argentina upang iulat ang mga Yugoslabong imigrante, kung saan siya nanatili sa loob ng sumunod na 15 mga taon bilang isang manlalakbay at tagapagsiyasat. Nagbalik siya sa Yugoslavia noong 1954 at namuhay sa Belgrade, bagaman nanatili pa rin siyang naglalakbay ng maraming ulit. Kabilang sa mga narating niya ang Timog Amerika, Asya, at Aprika. Mula 1972, namuhay siya sa Subotica (Vojvodina) sa pangkasalukuyang Serbia, kung saan naging direktor siya ng isang museo sa loob ng natitirang bahagi ng kanyang buhay. Namatay siya sa Subotica sa Yugoslavia, Vojvodine, kung saan hinimlay ang kanyang bangkay.
Panlabas na mga kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga Akda ni Tibor Sekelj, Esperanto.net
- Mga Gawa ni at tungkol kay Tibor Seklj Naka-arkibo 2011-05-31 sa Wayback Machine. na nasa Museo ng Esperanto ng Vienna Naka-arkibo 2007-12-21 sa Wayback Machine.