Ajax
Ang Ajax cleanser (o Ajax brand cleanser with bleach) ay isang pantahanang pulbos at industriyal na panlinis na ipinakilala ng Colgate-Palmolive noong 1947. Bukang-bibig ng patalastas nito ang "Stronger than dirt!" o "Mas malakas kaysa dumi!", na tumutukoy sa mitolohikang tauhang si Ajax. Ginamit uli ang islogan para sa produktong Ajax laundry detergent - sabong pulbos na panlaba - nang ipakilala ito sa madla noong mga unang panahon ng mga dekada ng 1960, na kasama ang isang larawan ng isang kabalyero na nakasakay sa isang puting kabayo. Bilang karagdagan, may isang malawakang tinutuligsang patalastas na ipinalabas noong mga huling panahon ng mga dekada 1970, at maging noong mga unang panahon ng mga 1980, sapagkat naglalahad ito ng katagang "Armed...with Ajax!" o "Armado... ng Ajax!"
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Para sa Ajax cleanser ang unang kantang pampatalastas na narinig mula sa telebisyon sa Estados Unidos noong 1948. Nagsasaad ito ng "You'll stop paying the elbow tax, when you start cleaning with Ajax", o "Kapag nagsimula kang maglinis na gumagamit ng Ajax, mahihinto ka sa pagbabayad ng buwis na pang-siko," na isang pagturing sa labis na pagbabanat ng buto kung hindi ka gagamit ng Ajax.
Matagumpay na nailipat at nailapat ang pangalang Ajax para sa kabuoan ng mga hanay ng mga produktong panlinis sa tahanan at mga sabong pambahay; tumanggap ng higit na tagumpay ang mga linya ng mga produktong ito noong mga dekada ng 1960 at mga unang panahon ng 1970. Ang Ajax All-Purpose Cleaner with Ammonial (Ajax na panlinis sa lahat na may amonya), na ipinakilala noong 1962, ang pinakaunang naging mahalagang kalaban ng Mr. Clean, isa pang produkto na gawa ng kompanyang Procter and Gamble (P & G). Naipakilala sa mga mamimili ang Mr. Clean noong 1958. Ang tagumpay pangkomersiyalismo ng tinatawag na White Tornado o "puting buhawi" ang pumwersa sa P & G na ipakilala ang sarili nilang panlinis na may amonya, ang Tob Job, noong 1963.
Iba pang produkto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlinis sa tahanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa iba pang produkto ng Ajax ang Ajax Bucket of Power (Ajax Timba ng Kapangyarihan [literal na salin]), isang pulbos na panlinis ng sahig na may amonya, ipinakilala noong 1963; ang Ajax Laundry Detergent noong 1964; Ajax Window Cleaner with Hexammonia (panlinis ng bintana) noong 1965; at ang isang hindi-nagtagal na produktong nawiwisik (may spray) noong 1967. Ang Ajax for Dishes - Ajax para sa mga plato - ang siyang huling matagumpay na produkto na naipakilala noong 1971; kilala ito ngayon bilang Ajax Dishwashing Liquid o "Likidong Ajax na panlinis ng mga plato". Ito at ang pangunahing panlinis na pulbos ang nalalabing produktong may tatak na Ajax na ipinagbibili pa rin sa mga mamimili ng kompanyang Colgate. Nagpapatuloy na lamang ang tatak na pamproduktong ito sa hanay ng mga pangkaraniwang-gamit sa bahay na mga panlaba, panlinis, at pampatay ng mga mikrobyo. Ipinagbili ng Colgate-Palmolive Company ang karapatang ng pag-aari nito para sa mga panlinis na Ajax (na pang-Estados Unidos at pang-Canada) at kasama ang mga produktong panlaba na may tatak na Fab and Cold Power sa kompanyang Phoenix Brands noong 2005. Dating lumalabas sa anyong likido ang Ajax Laundry Detergent, na mayroon o walang halong bleach, magmula pa noong mga kalagitnaan ng mga dekada ng 1980.
Ajax Spray n' Wipe
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroon ding tatlong produktong Spray n' Wipe - mga nawiwisik at naipupunas pagkaraang maiwisik - bilang karagdagan sa Ajax Laundry Detergent, Ajax Dishwashing Liquid, at Ajax cleanser. Mas higit na kilala ang mga produktong ito sa Australia at New Zealand. Ginagamit ang tatlo bilang panlinis para sa anumang bagay o sa anumang pamamaraan ng paglilinis, bilang panlinis ng banyo, at panlinis ng mga salamin na pang-bintana. Maraming mga patalastas na pantelebisyong kinatha mula pa noong 1988 para sa mga ito, na sinaliwan ng magkakatuload na mga tugtugin at kinasasangkutan ni Paula Duncan. Halimbawa nito ang isang patalastas para sa Spray n' Wipe na may ganitong panitik sa wikang Ingles, nasa kanan ang salinwika:
Oh help! They're here too soon for dinner |
O, tulong! Napakaaga pa nila para sa hapunan |
Natatangi ang mga serye ng patalastas ng Spray 'n Wipe sapagkat palagiang naroon at hindi pinapalitan sina Paula Duncan at ang mga gumanap na mga kasapi ng mag-anak. Sumahimpapawid ang huling anyo ng patalastas noong mga huling panahon ng mga dekada ng 1990.
Sa kalinangang popular
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging gamitin ang produktong Ajax sa mga pelikula, awitin ng mga banda, sa mga gumagalaw na karikatura, at mga biro. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga sumusunod:
Sa palikulang Up In Smoke, hindi sinasadyang mabunggo ng karakter na si Anthony Stoner ang isang bukas na lata ng pulbos na Ajax. Bumagsak ang laman nito sa isang platong papel. Natuwa siya sa pagkakahawig ng pulbos sa kokaina (cocaine) kung kaya't inihanay niya ito sa isang patungan. Lumitaw sa eksena ang isang lasing na babaeng tauhan ng pelikula. Bago pa man makapagsimulang magpaliwanag si Anthony Stoner, nagumpisa nang singhutin ng hindi kilalang babae ang ilang bilang ng pulbos ng Ajax. Sa pelikula, nahilo't nalasing lalo ang babae, ngunit sa totoong buhay dapat tandaan na hinding-hindi ito mainam kung mapapasok sa katawan at kalusugan ng tao, katulad na nga ng kokaina.
Nagkaroon ng patok na tugtugin ang Starfires, isang bandang nauna sa Outsiders. Sinasaliwan lamang ng musikang ng mga instrumento ang awitin ngunit pinamagatang "Stronger than Dirt" (Matindi pa kaysa dumi), at sadyang may pagkakahawig sapagkat hinalaw mula sa isang orihinal na pantelebisyong patalastas ng Ajax na may kabalyerong nakasakay sa isang puting kabayo.
Sa awiting Touch Me ng musikong The Doors, idinugtong sa hulihan ng awiting ito ang tugtugin ng Stronger than dirt.
Para sa isang palabas ng The Simpsons na pinamagatang "Lard of the Dance" (Mantika ng Sayaw), makikita ang hardinerong si Willie na nililinis ang sarili sa pamamagitan ng pulbos ng Ajax.
Sa isang pagpapatawa ng komedyanteng si Eddie Izzard, nakaisip siya ng maikling biro na ginagamitan lamang ng isang pangungusap: "Achilles, mighty warrior.....Ajax, mighty toilet cleaner." May kaugnayan ang biro sa isang mandirigma na nagngangalang Ajax noong panahon ng Matandang Gresya at patungkol din sa Digmaang Trojan, na maaaring isalinwika ng ganito: "Achilles, magiting na mandirigma... Ajax, magiting na panlinis ng kasilyas."
Ginamit din ang bansag (slogan) ng patalastas sa birong Ingles na "Ex-Lax, cleans like a white tornado", na nangangahulugang "Ex-Lax, nakalilinis na katulad ng isang puting ipu-ipo.